Chapter 3

273 73 429
                                    

June 6, 2011

UNIVERSITY OF EAST

Tingin ko sa ibabaw na papasukan ko. Apat na taon akong mag-aaral dito sana makayanan ko.

Si Ate Paula umuwi na ng CDO kahapon, We both crying also Lala we will miss her so much jolly kasi si Ate Paula at nasasabayan niya ako kahit minsan slow ako.

Alas singko, nang madaling araw ako bumyahe patungo rito sa City at mamimiss ko talaga si Lala three am pa gising na siya pinaglutuan niya ako ng agahan at ginawan ng dalawang sandwich para baon ko raw at ito dinala ko.

Huwag kang iiyak Mia.

Nakakamis kasi si Lala.

Ito na mag-aaral ka na.

Be mature enough.

Napatingin ako sa gate at may nakita akong kakilala ko ngumiti naman ito nang makita ako.

"Hey! Mia Cariñoso rito ka rin pala anong course mo?" hindi naman kami masyadong close nito schoolmate ko lang 'to no'ng High school.

"Yep... Education." Tipid na sagot ko.

"Napakatipid mo talagang magsalita, alam mo na ba room mo, pwede kitang samahan." Alok niya sa akin pero hindi na kailangan cheneck namin ni ate Paula mga rooms ko pagkatapos kong ma-enroll.

Tumingin muna ako sa kanya at umiling." Thanks, pero alam ko na lahat, cheneck ko na after kong ma-enroll." at naunang maglakad sa kanya I'm not comfortable lalaki kasi.

Childish ika nga ng iba. And I admit do'n lang ako sa lalaking tanggap ako at sasabayan pa pagka-childish ko pero ito kilala ko 'to School mate rather.

Hindi ko maiwasang mamangha habang naglalakad ako rito sa hallway sa left side ko kasikita kasi ay ang nagluluntiang mga damo sa quadrangle area at may mga kahoy pa sa gelid nito.

Nang may paliko na, agad kong hinanap ang magiging silid ko sa unang subject ko ngayong umaga

"L-105." Basa ko sa nakapaskil sa ibabaw ng pintuan.

Tumingin ako sa sunod nitong pintuan 106.

Pumasok ako sa loob at nakita kong kulay puti ang ding ding mga upuan naman ay krema may malaking whiteboard na napapagitnaan ng dalawang pintuan.

Umupo ako sa pinakaunang hanay sa harap sa kaliwa, I felt uneasiness maybe because it's my first time here in the university.

Kukunin ko na sana diary ko pero may tumawag sa akin.

"Hey, Mia! ba't hindi mo ako hinintay, magkaklase pala tayo patingin nga ng sched mo kung magkaklase ba tayo sa lahat." Nakangiting saad niya. Napadilat naman akong nakatingin sa kanya.

Is he for real? the last time I checked we're not close.

"Ah, okay lang 'wag na magkikita naman tayo kong magka-klase tayo sa susunod na subject." Wika ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Sige." Naramdaman niya siguro na ayaw kong makipag-usap kaya kinuha nalang niya cellphone niya, hindi ko siya tinitingnan nakikita ko lang sa peripheral vision ko.

Kinuha ko nalang diary ko at nagsulat pagkatapos nilagay ko ulit sa bag, my diary is my only best friend where I can express my thoughts and the emotions I only kept in myself.

"Good morning freshmen." Bati ng Prof namin sa Math 1 siguro ito kasi ang subject ko ngayon.

Sabi ni ate Paula basic lang daw ito about integers, probability pero kahit ano riyan mahirap na sa akin.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon