Chapter 51

19 6 61
                                    

Queen's Pov.

Honest! ang bilis dumaan ng mga araw, first-year pa ako nun at naga-adjust ako sa lahat ng bagay ngayon naman tutungtung na ako sa entablado dala ang tagumpay at saya ng aking puso at sa lahat ng nasa likod ng tagumpay na ito.

Queenie Ice Ching Hernandez
BACHELOR OF EARLY CHILDHOOD EDUCATION (BECEd)

Sabay ang pag-ihip ng pang-hapong hangin tumayo ako at nakangiting naglakad papuntang entablado para kunin ang butil ng aking paghihirap para makuha ito honest!

"Hoy, dzai bilisan mo sa paglalakad damang-dama mo naman paglalakad mo wala ka sa TV dzai." Sigaw ng binabaeng teacher na host namin kakagigil lang huh.

Napakamot naman ako sa ulo ko at nginisihan ang mga kaklase kong tumatawa.

Nasa-stage na ako at kinuha ang pekeng diploma sabay shake-hands sa mga teachers na may mataas na katungkulan, nginitian ko naman sila nang matamis pampa-good vibes ang isang estriktong teacher naman sinamaan ako ng tingin.

"Dadad naman oh, hindi mabiro " Mahinang saad ko sa estriktong teacher which is my father.

"Umayos ka." tugon lang niya bago pinakawalan ang kamay ko pumunta ako sa gitna at yumuko.

"Honest! nahiya ako bale one fourth kanina." Pabebeng saad ko sa binabaeng teacher namin nang pababa na ako, pero ang baka tinaasan lang ako ng kilay taray.

"Hahahahaha! Go, Queen..." Pag-aalaska pa ng mga kaklase

"Kakaiba ka Hernandez, nag-eensayo palang ginalingan na." Kantiyaw pa ng iba inikutan ko lang sila ng mata bago kinawayan, ganda ko eh.

Napatingin naman ako sa gawi ni Kin at inilingan lang ako, si Mia naman sinalutan ako sabay nag-thums-up iba talaga pag nagka-jowa ng gwapong artista always positive.

Halos hindi magkamayaw ang mga estudyante nang matapos ang practice namin, honest! para namang isang buong araw kami na practice isang oras lang naman, nakulangan pa nga ako.

Kinawayan naman ako ni Kin kaya tumungo ako sa kinauupuan nila, importante sila eh, magkasunod lang ang upuan nila ako naman napunta sa gawing pluto ang layo.

Ngumiti ako nang malawak at iniisa-isa silang hinampas nakangiti kasi silang umiiling-iling habang papalapit ako, honest! alam ko namang maganda ako noon pa, ng isinilang ako sa mundo ito.

"Hoy, Inday Queen hindi ka talaga mahiyaing tao ano 'yon kanina may pa langhap-langhap ka pa ng hangin at papikit-pikit fyi bukas pa graduation natin." Ratatat agad ni Kin ito talaga ang nanay ko. 

Nginusuan ko nalang ito at pabagsak akong umupo sa bakanteng upuan na ginamit sa pinag-practisan namin kanina at nilagay ko ang kamay ko sa upuan nila."Eh, sa ramdam ko eh nadala lang, honest!"

"Okay lang 'yun Queen, ang ganda mo kaya bagay lang 'yon sa'yo." Nakangiting saad naman ni Mia habang sinapilitang iharap ang upuan niya sa amin.

"Honest... I love you talaga Mia, iyang isang 'yan KJ eh.. anong merun pala dun sa tinitingnan ng mga nursing students kanina  at halos lahat ng mga babae nila tumitili?"

Mausisang tanong ko, pero bumuntong hininga nalang ako sila pa talaga pinagtanungan ko na walang knows ang mga ito sa chismis as expected nagkibit-balikat lang sila.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa loob ng bag at in-open ang facebook ko baka may radar sa chismis ang fb ko.

Napatingin naman ako kay Kin at Mia na nakatitig lang sa stage, tumitig din ako baka may gwapo pero wala naman tanging malaking gawa sa kahoy lang naman ng short name ng school namin UE, stands for University of East.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon