Chapter 54

22 4 111
                                    

Queen's Pov

Honest! natutuwa talaga ako kila Kuya Jong Oppa at Mia kahit na magkaiba sila pinipilit parin ni Kuya Jong na pumantay sa mundo ni Mia.

Mabuti nalang at naayos na ang status ni Kuya Jong, 'yun yong nakita ko noong isang araw na may mga pictures ni Kuya Jong kasama 'yong ulupong na si Chelsea, mabuti at hindi madaling magselos si Mia ang mas maganda pa si Mia ang concern kay Kuya Jong Oppa, honest!

Well nandito kami ngayon sa ospital room ni Lala, we decided na mas-safe rito kaysa sa labas pero bago pa kami pumunta rito bumili muna kami ng mga foods, kaya ito ang ending nagmo-movie marathon kami gamit ang pinakamalakas na T.V ni Lala rito sa room.

It's already eleven pm at halos naubos na namin ang pinamili naming pagkain na halos kamay lang ang pinapagalaw sa pagkuha nito, dahil ang mata namin ay nakatuon lang sa screen ng T.V, nagitla lamang kami ng biglang may kumatok, sabay-sabay naman kaming napalingon dito ngumiti naman ako ng makilala ko ito.

It's Mia's mother wearing a green simple dress the length is up to her knee with matching beige strapped sandals.

"Good morning Ma, kumusta po ang ''yong pakiramdam."Pormal na tanong niya kay Lala, tumayo naman si Mia at nagmano sumunod na rin kami maliban kay Kuya Jong at Liam na tutok na tutok talaga sa pinapanood na carry.

"Good morning po." Bati ko sa kanya ngumiti naman ito nang tipid at tumango.

Si Mia naman umiwas agad ng tingin pagkatapos magmano, sinundan ko naman ng tingin ang mama niya na ngayo'y nakatingin kay Kuya Jong.l na may pagka-disgusto.

Ano kayang meron?

Lumingon naman ako kay Kin nang hinila niya ako pabalik sa upuan, honest! hindi ko kasi napansin na nakatayo lang pala ako gavang minamasdan sila at pinapakiramdaman

"Si Duke, sino ang nagbantay?" Rinig kong tanong ni Lala sa mama ni Mia.

"Iniwan ko muna kila Mama kakauwi lang nila kagabi kaya nakapunta po ako rito alam niyo naman po hindi pwede ang bata." sagot niya nito habang nilalagay ng maayos ang mga dala nitong prutas.

"Ahh ganun ba, hindi ka man lang pumunta sa graduation ni Mia kahapon, mabuti nalang at nandito ang mga kaibigan niya." Mahinang turan ni Lala, na nakatingin kay Mia.

"Busy lang po Ma." Matipid na sagot lang niya, hindi man lang kinon-grats si Mia.

Alam kong nakikinig si Mia dahil nanumula ang mukha nito, senyales na papaiyak ito, honest! ang sikip siguro nang nararamdaman niya.

"Mmm... excuse me po, pwede ko po bang mahiram si Mia." Tumingin ako kay Lala."Lala, punta muna kaming apartment isasama po namin si Mia, aalis na po kasi kami roon bukas at alam niyo na para na rin makatulong si Mia sa amin sa paglilinis." Mataas na pahayag ko habang seni-sway ang ulo ko.

Napatingin naman si Mia sa akin na parang nagtataka sinagot ko nalang ito nang ngiti.

Totoo naman ang sinabi ko aalis na kami roon bukas at oras na para mag-impake kami ng sabay-sabay at para na rin hindi masaktan lalo si Mia rito, excuse na rin.

Tumango naman si Lala senyales na pumapayag siya." Sige, ngunit malapit ng magtanghalian saan kayo kakain
"Nag-aalalang tanong nito.

Sasagot na sana ako pero naunahan amo no Liam." Sa apartment nalang po kami Lala." sagot ni Liam.

"O siya, sige mag-iingat kayo." Tugon ni Lala.

Agad namang tumayo si Liam at Jong sabay lumabas sa pintuan, ewan ko sa kanila ang weird kami naman nila Kin at Mia ay nagmano muna bago lumabas.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon