I always glanced at her while I'm driving them back to their apartment, Mia is like a figurine so delicate and fragile it's hard for me to leave her. Really hard.
She's out of the earth while looking outside the window, tahimik siya simula kagabi siguro may iniisip lang itong malalim ganito ng pamamaraan niya to mend everything.
Second year highschool.
"Liam! let's go."
Tumango ako habang ang mga mata ko'y natuon lang sa babaeng mag-isang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno.
Ang liwanag ng araw ay nagbibigay tingkad sa mukha nitong kay amo ng isang kalapati.
"She's a sunshine," bulalas ko.
"Ano ba Liam, bilisan mo naghihintay na 'yong sundo natin." Napatingin ako sa gawi nito at sumunod na, tiningnan ko ito sa huling pagkakataon at napangiti ako.
Those days, the first time I laid my eyes on her, ang tagal ko na pala itong tinatago pero napapasaya niya naman ako, hindi ko akalain na ang babaeng tinitingnan ko lang noon ay magiging kaibigan ko.
Hininto ko na ang sasakyan sa harap ng apartment nila, nakatulog pala silang tatlo dahil na rin siguro sa traffic kanina.
"Mia." I said softly while tapping her shoulder.
Dahan-dahan naman niyang ibinuka ang mga mata nito at tumingin muna sa kawalan bago sa akin.
"Liam..best... mami-miss kita ng sobra." nang dahil sa sinabi niya parang nilukmos ang puso ko habang nakatitig sa naiiyak niyang mata."Best..."Yumakap ito sa akin sabay ang pagbagsak ng luha ko, I caressed her back while controlling my emotion.
She embraced me tighter and I could feel the heavy feelings."Mia, huwag ganito please..."Nahihirapan din ako, I'm torn at staying or leaving.
"Hmm... pasensya best, nabasa ko ulit damit mo." humihingus pa nitong saad sabay pahid ng luha niya sa magkabilang mata.
"Sobra mo pala akong mami-miss ikaw talaga Miatot, halika nga." I embraced her again and smile."Magkikita pa naman tayo okay at nandito pa nga ako akala mo naman bukas na ako aalis." Tinulak naman niya ako sa pabirong sinabi ko sinimangutan ko ito sabay kurot ng pisngi niya.
"Ar-aray, huwag nga Liam kainis ka." Reklamo niya habang hinihila ang dalawang kamay ko.
Tinawanan ko ito, at hindi maiwasang titigan ang mga mata nitong parang kumunoy, nanghihila.
"Hones--." I snapped ng marinig ko ang boses ni Queen, isang pulgada na lang pala ang layo ko sa mukha ni Mia napa-atras ako tumingin sa likod at naka-peace aign ito habang ang bibig nito ay tinakpan ni Kin.
"Pasensya na kay Queen, nadistorbo yata namin kayo." Seryosong saad ni Kin at tinanggal ang kamay niya sa bibig ni Queen.
I was dumbfounded, halos hindi na ako makatingin kay Mia nang humarap ako uli sa kanya.
Napakamot ako sa ulo at humarap sa steering wheel."So-sorry, sige hindi ko na kayo maihahatid." pailalim akong tumingin sa kanya
"Si-sige best, mag-ingat ka baba na kami." nakayukong saad niya at binuksan ang pinto, napapikit naman ako nang mariin.
BINABASA MO ANG
Is He Real? COMPLETED
FanfictionA Lola's girl named Mia Cariñoso, a loner yet tough, a kind yet blunt but this girl has lot's of doubts in her life but later on her doubts and lonesome way changed when she met the two men who will fill the missing experience in her life. Date Sta...