Chapter 63

45 6 88
                                    

September 4, 2020

"New day new life."

Usal ko agad pagkarating ko rito sa bungad ng pintuan, kagagaling ko lang sa school na pinagtrabahoan ko noon, last month nagbasakali ako kung may bakante pa ba sa hindi ko inaasahan, naghahanap daw sila kaya natuwa sila ng tumawag ako after five years nakabalik ako ulit.

Though hindi na ito ulit ng dati iba na ang way of teaching namin ngayon because of this pandemic kaya walang mga bata ang makikita namin sa classroom through module lang kami.

Unti-unti ko na ring kina-catch-up lahat ng napabayaan ko, mabuti nalang at umaayon rin ito sa akin sa tulong at gabay na rin ng panginoon at ni Lala.

Alam kong kahit wala na siya rito sa mundo ay patuloy niya parin akong ginagabayan habang tinatanaw niya ako sa mundong ibabaw.

"Meow... meow... meow..."

Napabaling naman ang tingin ko sa mala-tigre kong alaga, simula nong pumunta ako rito sa bahay napag-desisyonan kong bumalik na rito at isang araw pumasok itong pusang 'to na noo'y kuting pa naawa ako kaya't inalagaan ko na.

"Come here Mengkai..." Paglalambing ko rito at dali-daling pumunta sa bandang paanan ko at umikot-ikot.

"Meow..."

Umupo ako sa upuang kahoy ni Lala rito sa balkonahe namin habang nilalaro ng pusa ko ng pambahay kong tsenelas na fluffy sa ibabaw nito kaya gusto niya iyong nilalaro.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko at kinuha ko agad ito sa loob ng bag ko napangiti nalang ako ng makita ko ang pangalan niya agad ko naman itong sinagot.

"Honest!"

Bungad niya agad sa kabilang linya kahit kailan hindi talaga ako nagsasawa sa ekspresyon niyang kakaiba.

"Oh, ang aga mo namang napatawag ano na naman ang eche-chika mo." Natatawang biro ko sa kanya.

"Honest! Mia... kanina pa ako tumatawag sa'yo, gusto ko lang sabihin sa'yo na sa susunod na buwan uuwi na ako honest!"

Sa sobrang saya niya halos mabingi ako sa pagtili nito.

"Ibig sabihin sa public school ka na magtuturo?" Masayang sabi ko.

Napag-usapan kasi namin noong mga nakaraang buwan na uuwi siya kapag may item na siya for public, kaya ito naisip ko agad na dahilan.

"Honest! tama ka Mia... God! I can't believe it after three years uuwi na ako at magkikita na tayong tatlo ni Kin."

Masaya ako sa sinabi ni Queen, nasa Bangkok, Thailand kasi siya nagtratrabaho at si Kin naman ay naging-abala rin katulad ko sa private school na pinagtratrabahoan niya.

Ganito na talaga kapag may kanya-kanya na kayong pagkaka-abalahan sa tawag nalang, text at vedio call nagkakamustahan pero maayos na rin ito kaysa sa wala.

"So Mia, ano na? honest! natahimik ka diyan ikaw huh! baka may pinagkakaabalahan kanna diyang boylet hmm."

Napailing g nalang ako sa sinabi niya as usual Queen is Queen.

"Wala kaya ikaw nga diyan balita ko nililigawan ka ni Liam."

Pang-aasar ko sa kanya, natuwa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Eh, honest! honest! uwahh... huwag kang mang-asar Mia, nandito na ako sa labas baka pagkamalan nila akong baliw ngumingiti na abot hanggang tainga kaya don't tease me yay! Liam lang malakas Mia ang cells ko Gosh!"

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon