CHAPTER 7

2.4K 37 0
                                    

-CHAPTER 7-

AS USUAL napakaingay pa rin ng babaeng ito. Walang tigil ang bunganga niya kakakwento sa akin ng mga nangyari sa kanya sa Japan. Like ang dami daw mga gwapo roon pero ang babaho naman daw. Mapanglait talaga to dahil prangka. Sinabi niya rin na maraming masasarap na pagkain doon. Pinasalubungan niya ako ng maraming noodles as if naman na mahilig ako roon. Marami pa siyang ibang pasalubong pero hindi ko pa nabubuksan.

"Kanina pa ako bunganga ng bunganga rito. Ikaw? Bat ayaw mong magkwento ha?! So.. nagpropose naba sayo si Autumn ha?!" tanong niya habang kumakain ng niluto kong carbonara.

"Hindi pa nga eh" malungkot na sagot ko. Pero syempre hindi ko pinahalata na malungkot ako. Baka mamaya eh mag alburuto pa to at kung ano ano pang isipin. Hahahhahaha

"Hindi ko na rin nakita yung engagement ring" dagdag ko.

"Gaga ka kasi! Sabi ko naman sayo wag kang assumera at baka mamaya eh ipinatabi lang yon sa kaniya ng barkada niya"

"Ewan ko sayo Fhey. Pero ako nararamdaman kong magpropropose na talaga siya"

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubusan ng mapag uusapan.

8pm na nang magdesisyon si Fhey na umuwi. Hinatid ko lang siya sa gate.

"Oh bukas ha! Wag kang tokis Summer sinasabi ko sayo ipapasunog ko ang bahay mo kapag hindi ka sumama"

Napaka eskandalosa talaga nitong kaibigan ko. Napag-usapan rin kasi namin na magbebeach kami bukas. Meron silang sariling private beach resort at doon namin naisip pumunta.

"Grabe ka naman magbanta sis. Parang nabuntis kita at pinipilit mong panagutan kita" natatawang sambit ko.

"Wag mo kong dinadaan sa ganyan Del Fuente ha! Osige na. Bye! Seeyah tom!"

Walang lingon lingon syang sumakay sa kotse at pinaharurot ito matapos sambitin ang mga yon. Pumasok na rin ako sa loob at nagshower. Pagkatapos ay pumunta ako sa veranda ng aking kwarto upang magpahangin. Nagpapatuyo pa rin kasi ako ng buhok. Naisip kong tawagan si Autumn para ipaalam na aalis ako bukas.

Ilang ring lang at sinagot niya na rin ang tawag.

"Yes babe?" Bakas nag pagod sa boses niya. Hindi man niya sinasabi ay saulo ko na siya. Ganyan na ganyan siya kapag may problema sa kumpanya.

"Hows your day?" Paninimula ko sa usapan. Narinig ko pa ang paghugot niya ng malalim na hininga bago sumagot.

"Everything is fine. Nakakapagod nga lang. Kumusta pala ang pagkikita nyo ni Fhey?"

"Okay naman. Ang dami niya ngang nakwento. Anyways, aalis kami bukas babe. We're going to their private resort. Namiss ata ako. Remember that babe? Sa may Laguna?"

"Yes babe. Ingat kayo ha. At ikaw soon to be Mrs. Sandoval, wag na wag kang magkakamali na tumingin sa iba ha"

Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Omyghad. Tinawag nya kong Mrs. Sandoval! Naramdaman kong nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko hihi landi ko.

"Bakit naman ako titingin sa iba eh nasa akin na kaya ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo!" banat ko rito. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Nag-usap pa kami ng ilang bagay bago natapos ang tawag. Pumasok na rin ako sa kwarto at humiga sa kama. Pinatay ko ang ilaw at tanging liwanag nalang mula sa nagniningning na bituin ang makikita rito. See through mula sa bubong ng bahay ko ang magandang tanawin sa langit. Pinasadya ko talaga ko at nagbayad ng malaki mula sa pinakamagaling na arkitekto. Ilang sandali pa at nilamon na rin ako ng antok.



KINAKABUKASAN...

"Ano ba yan Summer matagal kapa ba dyan?"

Narinig ko ang naghihimutok kong kaibigan mula sa labas. Alas siyete pa lamang ata ay nandito na siya para sunduin ako. Kesyo malayo daw ang Laguna at baka abutin kami ng tanghalian sa daan. Mainit daw bumyahe kapag tanghaling tapat.

"Eto na!" Nagmamadali kong sinara ang maleta ko at bumaba na.

"Hay nako Summer Del Fuente walang pagbabago. Napakabagal mo pa ren. At ano yang dala mo ha? Isang maleta?? Isang Linggo kaba roon ha?!" Sabi niya sabay tumawa ng pagkalakas lakas.

Isang araw lang kami roon pero naisip kong magdala ng isang maleta kesa naman magdala ng maraming backpack. Laman kasi nito ang mga pang awra kong swimsuit at dresses.

"Tigilan mo ko Fhey ha. Matagal akong hindi nakapag beach kaya gusto kong umawra ngayon"

"Bakit kasi hindi ka magpadala sa boyfriend mo sa beach ha? Hindi yung puro paperworks na lang ang kaharap niya eh hanggang ngayon pala eh hindi niya pa rin naisasalba ang kumpanya niya"

"Fhey.. bibig mo naman" pagpipigil ko sa kanya dahil mukhang alam ko na kung saan patungo ang pag uusap namin na to.

"Eh totoo naman kasi sis eh. Hindi ako against sa inyo ha alam mo yan. Pero sana naman minsan iniisip mo pa rin yung sarili mo. Bigay ng bigay eh!"

"Halika na nga!"

Sumakay na ko sa kotse niya para hindi na umabot pa sa kung saan ang usapan namin. Nagdecide kami na kotse niya na lang ang gamitin para less hassle. Kapag kasi magkaiba pa kaming sasakyan eh baka maligaw ligaw lang ako.


ILANG oras rin ang byahe namin bago makarating sa napakagarang beach resort. Sa entrance pa lang nito ay matatanaw mo na ang asul na asul na dagat. Pagkababa namin ay sinalubong kami ng isang matandang lalaki.

"Ma'am Fhey?? Aba'y kayo nga"

"Mang Fred!!" Bati ni Fhey at niyakap ang matanda.

"Ma'am Fhey nakabalik na pala kayo. Ang akala ko ay hindi nyo na kami babalikan dito." Sabi nito.

"Nako kahapon lang po. At kayo pa hindi ko maalala? Marami nga po akong pasalubong para sa inyo."

"Magbabakasyon po ba kayo rito? At sino po ang kasama nyo? Napakaganda naman po niya."

"Nako Mang Fred eto nga po pala si Summer, bestfriend ko. At opo magsstay po kami dito for one day." Ngumiti naman ako kay Mang Fred matapos akong ipakilala ni Fhey.

"Oh halika na po at sumunod kayo sa akin"

Sinundan lang namin si Mang Fred sa paglalakad. Napunta kami sa isang bungalow house na tanaw ang dagat.

"Kahit po wala kayo ay lagi kong ipinapalinis ito. Alam kong sa pagbabalik nyo ay dito kayo mananatili" sabi ni Mang Fred kay Fhey.

"Maraming salamat po Mang Fred"

"Osige na po at maiwan ko na kayo nang makapagpahinga na kayo. Ipapasunod ko na lang po ang mga gamit nyo."

Pagkatapos yung sabihin ni Mang Fred ay umalis na siya. Pumasok naman kami ni Fhey sa loob.

"Napakaganda" sabi ko rito.

"I know na magugustuhan mo" sabi niya sa akin.

PAGKARATING mga mga gamit namin ay napagpasyahan naming maligo sa dagat. Hapon na rin kasi. Nagtagal kami sa pagkain kanina sa hall. Ang dami kasing humaharang sa amin at binabati si Fhey. Perks of being the owner.

Nauna na ako kay Fhey sa dalampasigan dahil hinarang na naman siya ng isang babae sa di kalayuan. I am wearing now my one piece swimsuit na kulay pink and I bun my hair. Nagsuot rin ako ng eyglasses. Tuwing napapadaan ako ay napapatingin sa gawi ko ang ilang kalalakihan. Malamang ay nakikilala nila ako dahil model rin ako.

Lalangoy na sana ako nang biglang may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

"Summer!!" Pagkalingon ko ay nakita ko si Mr. Santiago, wearing nothing on top at bulaklakan na short.

Nilingon ko siya at kinawayan pero nagtataka ako kung bakit nakatulala lang siya sa akin.

Namula naman ang pisngi ko ng maalala ang suot ko.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon