CHAPTER 10

2.4K 40 0
                                    

-CHAPTER 10-

SUMMER's POV

NANDITO ako ngayon sa harap ng salamin at tinitignan ang kabuuan kong itsura.

Ngayon gaganapin ang launching ng isang perfume. Suot ko ngayon ang isang black sleeveless long gown na may slit sa kanan. Kumikinang ang kabuuan nito dahil sa mga glitters. Kitang-kita ang kurba ng katawan ko dahil sa suot ko ngayon. Pinlantsa ko ang straight at mahabang buhok at naglagay lang ng pin sa gilid. Naglagay lang ako ng light make-up, sinuot ang aking 3 inches na heels at hinablot ang aking white pouch bago lumabas ng kwarto.

Hinihintay ko ngayon si Shawn. Yes. Siya ang date ko for tonight dahil nalaman ko rin na kasama siya doon kaya minabuti ko na lang na sumama na rin sa kaniya kesa naman wala akong kausap don or kakilala manlang. Hindi man dapat pero wala na kong ibang choice. Ngayon ang alis ni Autumn. Hindi siya pumayag na ihatid ko sa airport because of some reasons. Ewan ko don.

Narinig ko na ang doorbell kaya't lumabas na ko ng bahay. Pinatay ko ang ilaw and I make sure na nakalock ang pinto bago ko dumeretso sa may gate and there I found Shawn. He's wearing a black toxido na may red long sleeves sa loob. Nakaayos rin ang buhok niya. Ang gwapo niya ngayon ha.

"You look gorgeous tonight Sum" bati niya sa akin. Namula naman ang pisngi ko at naramdaman ang pag init nito. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

"You look handsome too." Pagbati ko naman sa kaniya nang hindi tumitingin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at dumako na kami sa hotel kung saan gaganapin ang pagrampa.


PAGKARATING namin sa isang five star hotel ay pinagtitinginan kami ng mga tao. May naririnig pa kong bulong-bulungan.

"Ang ganda naman niya"

"Ang ganda niya pala sa personal diba model siya"

"Omyghad yan ba yung boyfriend niya?"

"In fairness bagay sila no"

Nakita ko naman ang pagngisi ng katabi ko. Lumapit ako sa manager at dinala niya ko sa backstage. Doon naganap ang maraming photoshoot at hindi nakaligtas si Shawn dahil may mga kuha rin na magkasama kaming dalawa.

WHEN the show started nagmodel lang kami sa stage and ipinakilala ang bago nilang product. Sobrang nabobored na rin ako kaya nagpaalam na kami ni Shawn sa manager. Hinatid niya ako sa bahay pero umalis rin siya agad dahil maaga pa daw siya bukas.


It is already 12 midnight na pero hindi pa rin ako makatulog. Bukas pa ang dating ni Autumn don kaya hindi pa siya nagchachat sa akin ngayon.

Dumako na lang ako sa kusina para magtimpla ng gatas pampaantok. Habang nagtitimpla ako ay tumunog ang cellphone ko at nakitang may nag dm sa akin sa instagram. May nagsend sa akin ng picture ni Autumn kasama ang isang babae. What? Same girl. Siya yung babae sa picture na sinend sa akin nung nasa resort kami.

This time, magkaholding hands silang naglalakad sa may airport. Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko. Hindi ako iyakin pero labis akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon. Hindi na ako makapagpigil. Ilang beses ko rin na pinalagpas to pero this time nauubos na ko.

Umakyat ako sa kwarto ko pagkainom ng gatas. Umiyak lang ako ng umiyak magdamag hanggang sa di namalayan na nakatulog na ako.


AUTUMN's POV

Napakainit dito. Its been a week at ngayon ay nandito na ulet ako sa Manila. Balak kong dumeretso sa bahay ni Summer at sorpresahin siya. Ang alam niya ay mamaya pang gabi ang dating ko pero inagahan ko talaga para isurprise siya. Sana mapatawad mo ko Summer. Fuck! Ikaw lang ang babaeng mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko. I can't even imagine my life without you but then nagawa ko na.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon