CHAPTER 60

1.6K 24 4
                                    

SHAWN'S POV

I felt in love with her lips. Bumilis ang tibok ng puso ko. I felt that the world stops rotating.

Naramdaman kong siya ang unang kumalas sa halik.

"I'm sorry" paghingi nito ng tawad.

Tumayo siya at pinagpagan ang suot nyang corporate attire.

"Are you alright?" tanong niya sa akin at tinulungan akong makatayo.

"Yes. Okay lang. Ikaw ba?" tanong ko sa kaniya pabalik.

Tumango naman siya bilang tugon.

Umalis na kami sa kwartong yon and everything went awkward.

Walang may gustong magsalita sa amin o pag-usapan ang nangyari kanina. Kahit ako, hindi ko alam ang gagawin ko o ang sasabihin ko.

I've been a loyal husband to Fhey. Mahal ko siya but then kapag nakikita ko si Shine, naaalala ko si Summer. Her face, her kindness and her attitude. Pati ang pagiging childish niya sometimes.

Nakarating kami sa tapat ng office room niya ng hindi namin namamalayan.

"Thank you for touring me" pagbasag nito sa katahimikan. Tinignan ko siya ngunit nakayuko lamang siya.

"You're always welcome" nakangiting tugon ko dito. "I will leave now. Mag-ouout pa ko sa office"

Dadaan pa kasi ako sa company para mag-out. I just came here para pagbigyan siya. For the past weeks sobrang nag eenjoy talaga akong kasama siya. I felt that Summer is beside me.

Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Shawn.."

Napalingon ako sa gawi niya at nakita kong diretso siyang nakatingin sa akin.

"About what happened kanina... I'm sorry" damang dama ko ang sinseridad sa sinabi niya.

"Okay lang" nginitian ko siya at tumalikod na papuntang office. Alam ko namang hindi namin parehong sinasadya ang nangyari.


PAGKATAPOS kong mag-out ay dumeretso na agad ako sa bahay.

Naguguilty ako dahil sa nangyari. Feeling ko nagsisinungaling ako kay Fhey pero magagalit naman siya kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo.

Napabuntong hininga ako at napakapit sa manebela ng mahigpit nang iliko ko ang kotse ko papasok sa gate ng bahay namin.

"Hon.. you're home. How's your work?" bungad sa akin ni Fhey pagpasok ko sa bahay.

Hinalikan ko siya sa pisngi at agad na lumuhod para halikan rin ang tiyan niyang pitong buwan na.

"Hi baby.. Do you miss Daddy hmm???" parang bata kausap ko sa tiyan ni Fhey. Naramdaman ko naman ang pagtawa niya dahil sa ginawa ko.

"Halika na nga may niluto akong dinner don"

While Fhey is preparing the table, tumaas muna ako sa kwarto para magpalit. Binabagabag talaga ako ng konsensya ko. I want to tell Fhey the truth. Ayokong magsinungaling sa kaniya. Anyways that was an accident lang naman. Hindi ko naman ginusto. I was just... seeing Summer with her.

"Hon matagal kapa dyan? Dinner is ready."

Nagulat ako nang pumasok si Fhey sa kwarto, wearing her sweetest smile. Ako naman heto at mukhang frustrated.

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Saglit na lang" sabi ko sabay hubad sa long sleeves ko.

"Hon you look bothered. Is there anything that happened?" malambing na tanong nito sa akin at dumako sa pwesto ko.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon