CHAPTER 23

2.1K 43 0
                                    

SUMMER's POV

"Hoy Summer! Anong nangyari sayo? Mukha kang kulang sa tulog dyan"

Nagising ang diwa ko dahil sa sigaw ni Fhey. Bahagya naman akong napasulyap kay Shawn at nakita ang pag-aalala sa itsura niya. Well, hindi talaga ako nakatulog kagabi. It is because Autumn called me. I know he is dahil hindi ko naman binura ang number niya sa phonebook ko. Hindi naman ako ganon kabitter to delete all our communication. And how did he know my number eh nagpalit kami ng sim cards dito sa Hong Kong. Dahil nga hindi pwedeng gamitin dito ang sim cards from Philippines. Hindi ko sinagot ang tawag niya at hinintay ko lang na mamatay yon. Bakit ko naman sasagutin. Ano bang kailangan niya sa akin?

Napakagat ako sa bread na hawak ko dahil sa isipin na hindi nasagot lahat ng katanungan ko dahil nga hindi ko sinagot ang tawag niya. Eto na naman ako. Naiisip ko na naman siya dahil lang sa simpleng tawag na yon. Hinahayaan ko na naman na okupahin niya ang isipan ko. Hinayaan ko na naman na guluhin niya ang isipan ko.

"Hoy Summer! Lumilipad ata sa ibang dimension ang utak mo!"

Napapitlag ako sa gulat dahil sa pagsigaw ni Fhey sa tenga ko. Agad naman akong napahawak sa tenga ko. Hay nabingi na ata ako.

"Hindi lang ako nakatulog ng maayos" sabi ko na lang sa kaniya. Nakita ko naman ang pagtitig nilang dalawa sa akin at ang paghinto nila sa pagkain.

"At bakit naman??" puno ng kuryusidad na tanong ni Fhey. As usual, nakataas na naman ang kilay niya.

"Malamig kasi"

Yeah. Sobrang lamig dito ngayon kaya ginawa ko na lang rin na dahilan yon para manahimik na si Fhey at tumigil na sa pagtatanong. Nakita ko naman na bumalik na siya sa pagkain pero hindi si Shawn. Nakatingin lang siya sa akin at parang sinasabi na hindi siya satisfied sa sagot ko. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong balak na sabihin sa kanila na tumawag sa akin si Autumn dahil baka mamaya eh hindi matuloy ang pag-uwi namin sa Pilipinas at maudlot ang plano ko.

Yes. I have plans in my mind when we go back to Philippines. I want them to suffer on the same way na naransan ko. Gusto kong maramdaman nila ang sakit ng ginawa nila sa akin. At wala nang makakapigil sa plano ko. Even these two persons na malapit sa akin.

SHAWN's POV

Nararamdaman ko na may hindi sinasabi sa amin si Summer. Kanina pa siya tulala kumakain pa lang kami at ang tipid niya magsalita. Ayoko siyang tanungin dahil baka isipin niya na nakekealam ako kaya mas minabuti ko na lang na isawalang-bahala.

A month from now babalik na kami sa Pilipinas. Natatakot ako na baka kapag nagkita sila ni Autumn ay bumalik na naman ang nararamdaman niya para dito. Yes I know that she said na wala na pero alam kong she's scared to admit na mahal niya pa rin si Autumn.

The way she looks at me, it is not the same way she looks at Autumn. Makikita mong in love siyang talaga kay Autumn but in me, wala akong nakikita. Hindi ko nararamdaman that she felt the same way towards me. Wala naman akong magagawa. I love her. At lagi lang akong nandito hanggat maging okay siya. Kaya nung time na pumayag siyang ligawan ko siya eh napakasaya ko. I promise her to love her more each day. At nakita ko rin na masaya siya.

"Shawn.. napansin mo ba?"

Napatingin ako dito sa katabi ko dahil sa pagsasalita niya. Nandito kami ngayon sa salas. Nanonood siya ng tv habang ako naman ay nakaharap sa laptop ko. Kahit nandito ako ay iniisip ko pa rin ang trabahong naiwan ko sa Pilipinas. While Summer is on her room. Babawi na daw siya ng tulog iyon ang sabi niya.

"Si Summer.. parang may tinatago siya.."

"Pano mo naman nasabi?"

"Hindi siya ganiyan Shawn. Ngayon lang ulet siya naging lutang. Syempre dati okay lang kasi nawalan siya ng baby and nawala si Autumn pero ngayon? Ano pa bang ibang dahilan ng pagiging lutang niya?"

Naalarma naman ako sa sinabi niya. Tama siya. Wala namang dahilan para umakto ng ganon si Summer. Pwera na lang kung may nangyari kagabi after ko siyang iwan sa kwarto niya.

"Kausapin mo kaya??" suhestiyon niya sa akin. Gusto ko pero may parte sa akin na wag na lang. Baka kasi makulitan siya sa akin.

"Tingin mo ba sasabihin niya sa akin yon? Sayo nga di naman sinabi eh"

"Baliw ka talaga! Malamang sasabihin niya yon sayo! Alam mo ba may mga bagay na naoopen niya sayo pero hindi niya nasasabi sa akin! At ikaw nga lang nagpapaamo don eh kaya go! Puntahan mo na"

"Ayoko Fhey." Ayoko talaga. Hindi sa ayaw ko siyang makausap pero wala lang ako sa mood ngayon para ungkatin ang anumang nasa isip niya. Baka mamaya isipin niya na lagi na lang akong nanghihimasok sa kaniya.

"Sa lahat ng taong nakapaligid kay Summer, sayo ako pinakatiwala Shawn. Please kausapin mo siya." Bakas ang lungkot sa mukha niya habang sinasabi yon. Hindi naman ako nakapagsalita.

Pagkasabi niya yon ay agad niya akong itinulak sa may hagdan. Wala na kong nagawa kundi dumeretso sa kwarto ni Summer. Akmang kakatok na ako nang makita ko ang biglang pagbukas nito at iniluwal si Summer.

"Oh Shawn. Nandito ka pala. Anong kelangan mo?" Nakita ko man ang pagkagulat niya pero agad siyang nagsalita upang matakluban iyon. Nakikita kong kinakabahan siya.

"Summer.. we need to talk"

Nilakihan niya ang bukas ng pintuan ng kwarto niya kaya't pumasok na rin ako sa loob. Pagkaupo ko sa sofa sa gilid ng kama niya ay nagsalita agad ako.

"Sum I'll go straight to the point. What's bothering you?"

Nakita kong nagulat siya at napatungo. Pinagmamasdan ko lang ang kinakabahan niyang mukha. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil takot ang nakikita ko sa kaniya.

"Come on Summer"

Bumuntong-hininga siya at umupo sa kama. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin. Ano bang nangyayari sa kaniya. Dati, kapag nag-uusap kami ay magkatitigan pa kami pero ngayon ni hindi niya manlang ako matapunan ng tingin.

"Let's be together"

Nagulat ako sa sinabi niya. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Diretso lang akong napatingin sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. Fuck! How could she makes my heart beats fast like this. I can't take this anymore. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Naramdaman ko naman ang mga kamay niya na yumayakap pabalik.

"Thank you Summer. You don't know how happy I am right now. You don't know how much you made me happy" Hinalikan ko ang noo niya at tumingin sa kaniya. Sinuklian naman niya ako ng matipid na ngiti.

"Thank you for letting me enter your heart Summer. No words can express what I'm feeling right now. I promise to take care of you and love you until our last breath" niyakap ko siyang muli pagkasabi nang mga salitang iyon.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon