CHAPTER 44

1.6K 27 0
                                    

FHEY's POV


"Okay. I'll be there in a minute."


Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at dumeretso sa bahay ni Shawn.


He called me na pumunta don si Autumn at nagkasuntukin sila. At ang pinaka ikinagagalit ko sa lahat ay ang pagsama raw ni Summer kay Autumn. Wala na ba siyang pakealam kay Shawn? Sa halip na tulungan niya yung tao dahil kagagaling lang sa aksidente, mas pinili niya pang sumama sa Autumn na yon. Napakawala niyang kwenta.


After few minutes ay nakarating rin agad ako sa bahay ni Shawn. Nasa labas ang kotse ni Summer. Maybe she left it dahil nga daw magkasamang umalis si Autumn at Summer.


Agad agad akong pumasok sa loob at nakita si Shawn na nakaupo sa sofa sa living room. Ginagamot niya ang sarili gamit ang yelo. Ang dami niyang pasa sa mukha.



"Fhey.. she left me."


Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang icebag na hawak niya. Dahan-dahan ko iyong idinampi sa mga sugat niya sa mukha.


"I'm sorry Shawn. She's just confused"



Ayokong makita siyang nasasaktan kaya sinabi ko na lang yon. Kahit alam ko naman sa sarili ko at alam kong alam niya rin na si Autumn pa rin ang mahal ni Summer.



"Fhey.. I think this is the sign na kelangan ko nang mag give up. I've tried everything pero wala namang pinatunguhan ang effort ko."



He is looking down there. I felt his pain. Ramdam ko ang pagod niya. Gusto ko siyang icomfort dahil ayokong nakikitang nasasaktan siya ng ganito pero mas nasasaktan ako dahil bestfriend ko ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. And also, the fact that i'm in love with him.




Tahimik lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot. Maybe, he has a point. He done everything. He done efforts. He done a lot but then walang nangyari. Summer still don't love him back.



"Fhey.."


"Hmm??" Napaigtad ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Tumingin ako sa kaniya at nagsalubong ang mga mata namin.


"Kahit sabihin kong gusto ko nang sumuko.. I still want her."


Saglit na nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Bakit pa nga ba ako umasang susukuan niya si Summer.


"What do you want me to do?"


Alam kong sa tono ng pananalita niya eh gusto niyang kausapin ko si Summer.



"Please talk to her Fhey.."


Bingo. He wants me to talk to Summer without considering my feelings. Anyways hindi naman niya alam na mahal ko siya kaya nasasabi niya ang bagay na to. Napakatanga lang Shawn. Nandito ako pero hindi mo ko nakikita.


"No Shawn. I won't do that. Mas sasaktan mo lang ang sarili mo" mariin na sabi ko sa kaniya. Alam ko naman na kahit kausapin ko pa si Summer ay walang magbabago. Hindi naman madidiktahan ng sasabihin ko ang mararamdaman niya.



"Please Fheyyyy.." he's now holding my hand. Begging me to help him.



Ayokong maramdaman na nasasaktan siya. If that is the only way to help him. Kakausapin ko na si Summer.


"Okay.. I'll try." I said.


Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Yung yakap na para bang nakahanap ng taong cocomfort sa kaniya.


THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon