CHAPTER 57

1.7K 27 2
                                    

MRS. DEL FUENTE'S POV

"Nung nawala si Summer, we all thought that our world will be the darkest of all. Akala namin kailangan na naming ihinto ang Del Fuente's Company at piliin na lang na manahimik but one thing our loss brings is that you all stay by our side no matter what. Our Thank You is not enough to say how grateful we are for always cheering us up and for always remembering us that everything will be alright. Now, we are all gathered this night to give tribute to our daughter who have been played a large part on our success and to the success of Del Fuente's."

Nagkalampagan ang mga glass wine ng mga bisita pagkatapos kong sabihin ang maikling pagbati ko.

Dito sa mansyon namin ginanap ang tribute para kay Summer na tatlong buwan rin naming pinagplanuhan ng asawa ko.

Pero hindi talaga iyon ang tunay naming pakay dahil ngayong gabi, ipapakilala na namin sa mga tao ang anak ko, hindi si Summer, kundi si Shine, ang kambal niya.


FLASHBACK~

"Hon let's go" baling sa akin ni Silver.

Matapos magdaan dito ni Fhey kanina, agad kong tinawagan si Silver. Hindi maaari yon. Hindi niya pwedeng makita si Summer. Kahit na sino. Lalong lalo na si Autumn.

We immediately go to our car and went straightly to Mrs. Portal- ang ginang na pinagtaguan namin kay Summer. Ang kinikilala niyang pamilya ngayon.

Kinailangan naming itago si Summer dahil una, ayaw ni Silver na magkabalikan sila ng dati nitong kasintahan na si Autumn.

Nung araw na naaksidente siya, nagkaroon siya ng mild memory loss. Sabi ng Doctor, babalik naman daw ang memorya niya ngunit matatagalan. Kailangan daw ipaalala sa kaniya paunti-unti nang sa ganon makatulong ito sa fast recovery niya.

Sinamantala namin ang pagkakataon na yon. Itinago namin ni Silver si Summer. Pinalabas namin na namatay na siya. Hindi namin inasahan yon pero dahil labis ang galit ni Silver nung araw na yon, kaya nagawa namin ang bagay na yon, na sa tingin ko ay ang makakabuti rin para sa lahat.

Naging tahimik kami para lumabas na talagang nagluluksa kami sa pagkamatay ni Summer at para hindi magtaka ang iba sa mabilis na crimation na naganap. Katulad nga ng inaasahan, walang nagtaka o nag-isip na hindi si Summer ang bangkay.

Pumasok ang sasakyan namin sa isang di kilalang subdivision. Ang lugar kung saan nakatira si Summer. Kahit naman itinago namin siya, ayaw pa rin namin na makaranas siya ng paghihirap kaya kahit na papaano ay sa may kayang pamilya namin siya ibinigay. Hindi naman masyadong mayaman. Siguro, kabilang sa middle class na pamilya.

Napagpasyahan namin na dito na lang sa garden mag-usap upang hindi kami makita ni Summer.

"Good Afternoon Mr. and Mrs. Del Fuente" bati sa amin ni Mrs. Portal. Mayroong makinis na kutis si Mrs. Portal kaya di mo aakalaing nasa mid 50's na siya.

"Nasaan po siya?" simula kong tanong dito.

"Nasa kwarto niya po at nagpapahinga. Isang linggo na siyang may sakit pero hindi ko siya madala sa hospital dahil baka makilala siya ng mga tao. Nagpadala lang ako dito ng private nurse at mabuti na lang na hindi siya nakilala." sagot nito sa akin.

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ko. Kung hindi ko-- namin siya itinago, sigurado akong hindi niya dadanasin ito.

"Nagsipag kasi siya sa trabaho."

Napatingin ako kay Mrs. Portal dahil sa sinabi niya. Binilin namin sa kaniya na wag pagtratrabahuhin si Summer. Kaya naman pala nakita siya ni Fhey.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon