CHAPTER 3

3.5K 54 0
                                    

-CHAPTER 3-

AUTUMN's POV

NAGISING ako matapos dumampi ng sikat ng araw sa pisngi ko.

"Sh*t" napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakahinga ng maluwag matapos makitang nasa kwarto ako. Teka pano ako napunta dito?

Bumangon na ako at dumeretso sa shower. Nagbabad ako sa bath tub habang iniisip ang mga nangyari kagabi. Ang tanging naaalala ko lang ay nag inom kami ni Cloude pagkatapos kong malasing ay wala na kong matandaan sa mga nangyari.

After kong magshower ay nagbihis na ako. Blue na longsleeves ang suot ko na tinuck-in sa itim kong slacks. Naglagay rin ako ng itim na neck tie at kinuha ang phone ko sa side table sa may kama ko.

Napansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa may picture namin ni Summer.

"Explain to me later. 4pm. Gene's Cafe
-Summer"

Napabuntong-hininga ako. Tiyak na alam na niya ang nangyari at magagalit siya sa akin dahil sa tagal naming magkarelasyon at ngayon na lang ulit ako nagpakalasing.

Kinuha ko ang aking black na bag at umalis na. Late na ko at siguradong sesermonan na naman ako ng magaling kong ama.


SUMMER's POV

"eto po yung video Ms." sabay abot sa akin ng isang flashdrive.

"Iwan mo muna ako and just call me if nandyan na si Mr. Santiago"

"Yes po Ma'am"

Pinagmasdan ko lang ang sekretarya kong lumabas sa pinto ng office ko.

Hawak ko ngayon ang flashdrive na naglalaman ng video ni Autumn. Kilala ako sa bar na pinuntahan nila kung kaya't ipinaalam sa akin ng manager nila roon ang nangyari kagabi.

Flashback~

"Anong nangyare sa kanya Cloude?!!"

Galit na galit ako ngayon. Sa limang taon naming relasyon ni Autumn ngayon na lang ulet siya uminom ng ganito! Ngayon na lang ulit siya nagpakasaling.

Pagkatapos tumawag ni Cloude non at dali dali akong pumunta sa bar kung saan naroon sila. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Autumn na nagsasayaw sa dance floor habang may nakalingkis na babae.

"Siya na lang ang tanungin mo Sum. Kailangan ko nang umuwi dahil hinahanap na ako sa amin."

Naiiritang tinitigan ko siya palabas ng bar.

"Arghh!! Ano bang nangyayari sayo Autumn Sandoval!!!"

"O-ohh S-sum" nagsalita pa tong hinayupak na to.

"Nangigigil talaga ako sayo Sandoval! Kung hindi lang kita mahal ay pinabayaan na kitang maglumpasay dyan." Bulyaw ko sa kanya.

"Hey waiter! I want to talk to your manager here's my card and please give me a copy of CCTV footage. All angle!"

Naiiritang nilisan namin ang bar na yon.

End~

Isinaksak ko ang flashdrive sa laptop ko at pinanood ang nangyari. Naramdaman kong namasa ang mata ko at nag-unahang bumagsak ang mga luha ko.


SHAWN's POV

"Where is the office of Ms. Del Fuente?" Tanong ko sa sekretarya niyang kasama kahapon na grabe makatitig sa akin. Parang gusto akong kainin.

"Ms? I know na sobrang gwaponat perpekto ng mukha ko pero pwede ko bang malaman ang office ni Ms. Del Fuente because i'm in a hurry now and may meeting pa ko mamaya?" Iritang tanong ko ulit. Nakita kong napatingin ang lahat sa direksyon namin dahil napalakas ang pagkakatanong ko. Ayoko kasi sa lahat ay lutang na kausap.

"Y-yes Sir. Here po. Sumunod po kayo sa akin" nahihiyang sabi niya.

Dumeretso lang kami at maya maya pa ay itinuro na niya sa akin ang office ni Ms. Del Fuente.

Kakatok na sana ko ngunit nakarinig ako ng mga hikbi galing sa loob kaya't agad agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang umiiyak na babae. Fuck! Ayoko sa lahat yung nakakakitang umiiyak na babae.

Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya. Naramdaman ko naman ang pagkagulat niya pero yumakap na rin siya at umiyak ng umiyak.

SUMMER's POV

HINDI ko alam na may makikilala pa pala akong taong magiging komportable akong ganito kausap. Nagulat ako nung bumungad sa pinto si Mr. Santiago at niyakap ako. Lalo pa naman akong umiiyak kapag may nagpapatahan sa akin. Hahahahha pabebe lang.

"Sorry kanina ha tsaka thank you." Sabi ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa rooftop. Meron kaming mini park dito sa rooftop kung saan may mga tables and chairs na may mga umbrella covers para hindi masikatan ng araw. Pinasadya ko ito dahil masarap magmuni muni dito kapag stress sa trabaho.

"Ano bang nangyari? Ready naman akong makinig. Alam mo bang ayaw ko sa lahat ay yung may makitang umiiyak na babae?"

Napalingon ako sa sinabi niya. Nagtagpo na naman ang mga mata namin at ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Ayokong sabihin sa kaniya. Ayokong malaman ng iba ang problema ko kay Autumn dahil naniniwala akong mas maraming nakakaalam ay mas maraming makikielam. At wala ring ibang makakaayos non kundi kaming dalawa lang.

Tila nabasa niya ata ang nasa isip ko dahil narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"If ayaw mong ipaalam okay lang. Kasi kung ako may problema hindi ko rin sasabihin sayo" pilyong sabi niya.

Malakas na tawa ang naisagot ko sa sinabi niya. Tawa ako ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan. Sa isang gwapong katulad niya hindi mo maiisip na magaling rin pala siyang magbiro.

"Wag mo akong tinatawanan Ms. Del Fuente" napahinto naman ako sa pagtawa ng marinig ang maotoridad niyang sabi.

"Anyway, I have to go na dahil may imemeet pa kong client."

Nilingon ko siya na paalis na sana pero hinawakan ko ang braso niya na dahilan para mapalingon muli siya sa akin. For the nth time ay nagtagpo na naman ang paningin namin.

"T-thank you" nauutal na sabi ko.

"That's alright. Anyway, wag mo kong titigan ng ganiyan dahil kung ibang tao ako, iisipin kong may gusto ka saken."

Mabilis kong binitawan ang braso niya at pinagmasdan ang pag-alis niya. Napakayabang talaga!

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon