CHAPTER 19

2.1K 38 0
                                    

-CHAPTER 19-

SUMMER's POV

"Here's your baby Mrs. Del Fuente. Do you hear the heartbeat?"

Nandito kami ngayon sa Oby ko at kasalukuyan akong inu-ultrasound. Pinarinig niya rin sa akin ang heartbeat ni baby at di ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon sa monitor. Tumango ako sa kaniya at bakas na bakas ang saya sa mukha ko.

"And... She's a baby girl" masayang sabi ni Doc.

Narinig ko naman ang pagtili ni Fhey dahil sa sobrang excitement. Ganon din ang malaking ngiti ni Shawn. Masayang masaya ako dahil girl ang baby ko. Hindi naman sa ayaw ko sa baby boy pero gusto ko kasing prinsesa ang panganay ko.

Niyaya ko silang mag-mall after kong pumunta sa Oby ko.

"Alam mo sis bili na tayo ng mga damit ni baby tutal alam naman natin ang gender niya" excited na sabi ni Fhey pagpasok namin sa mall.

"Bili na rin kaya tayo ng crib? Hmm?" dagdag niya pa.

Sa totoo lang ay iyon ang plano ko. Ang bumili ng mga baby stuff after ng check up ko.

"I think that's a good idea. Para rin maayos na natin ang room ni baby" dagdag naman ni Shawn. Sa ilang buwan naming magkakasama eh ngayon ko lang nakitang nagkasundo sila sa isang bagay. At sobrang thankful ako dahil mas excited pa sila sa paglabas ng baby ko kesa sa akin.

Pumasok kami sa isang department store at pumunta sa baby's section. Agad kaming kumuha ng mga stuff na pang baby like socks and shirts. Ang cucute nilang lahat. Nakakita ako ng isang pink na head band na may malaking ribbon sa gitna. Dahil nacute-tan ako ay agad ko itong inilagay sa basket ko.

"Summer?"

Agad akong napalingon sa likod ko nang may tumawag sa akin. Tila napako ang mata ko sa kaniya nang magkita kami. Nagflashback sa utak ko ang lahat ng kahayupan na ginawa nila sa akin. Napakaliit ba talaga ng mundo para pagtagpuin kami? Ako na nga ang lumalayo pero eto at nagtatagpo pa rin kami. Napansin ko rin ang malaki at bilog nyang tiyan. Buntis siya? Agad akong lumingon sa paligid upang tawagin sana si Shawn at Fhey ngunit hindi ko sila matanawan. Malamang ay napalayo na ako sa kanila.

"So.. you're Raigne?" iyon na lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

"Oh yes. Autumn's wife. Remember? So nandito ka rin pala sa Hong Kong. What are you doing here? And.. you're pregnant too?"

Sunod sunod na tanong niya. Walang maproseso ang utak ko. Sa idea pa lang na buntis rin siyang katulad ko ay unti unti nang nanlalabo ang mga mata ko. Nagbabadya na ang pagpatak ng luha ko.

"Who's the lucky guy?" tanong niya ulet. Wala ba siyang pakiramdam? Bakit ginaganto niya ko? Hindi man lang ba niya alam na labis akong nasaktan sa ginawa nila sa akin at ngayon at umaakto siya sa harapan ko like there's nothing happened to us in the past. Sobrang nadadala na ko at nararamdaman kong isang kurap ko na lang ay tutulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"I'm the father"

Napalingon ako sa likod ko nang makita si Shawn. At nagkaroon ako ng pagkakataon na punasan ay luha ko. Agad siyang pumunta sa gawi ko at inakbayan ako. "What's the problem here?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Raigne.

"You are Shawn right? The owner of Santiago's Corp?" tanong naman ni Raigne kay Shawn.

"Yes. Why?" mabilis na sagot ni Shawn. Kitang kita ko ang pag ngisi niya. Bakit umaakto siyang ganito ngayon samantalang nung araw na nahuli ko sila eh halos hindi siya makabasag pinggan.

"Bukod sa pagiging kabet, hindi ko alam na gold digger ka pala Summer" parang binuhusan ako ng yelo sa sinabi niya. Unti-unting bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Okay lang sa akin lahat ng ginawa nila dahil nakalimutan ko na yon at napatawad ko na sila para sa baby ko. But calling me a mistress and a gold digger? Napakawalang puso niya.

Agad akong tumakbo palayo sa kanila. Ayokong marinig ang ano mang sasabihin niya sa akin. Ipinangako ko sa sarili kong hindi ko na tatakbuhan ang lahat ng problema pero eto ako ngayon na hindi manlang maipagtanggol sa sarili. I am too weak para harapin siya. I am too weak to fight for myself. Tama naman siya. Nagmukha akong kabit nung mga panahon na yon but I am not a gold digger. Nag stair lang ako pababa sa ground floor at nanlalabo na ang paningin ko. Sobrang gusto ko nang lumayo sa lugar na to.

Habang madaling madali ay hindi ko namalayan na basa pala ang natapakan ko. Sa huli kong tungtong ay nadulas ako at nagpagulong gulong. Ramdam ko ang pananakit ng tiyan at likod ko.

"Summer!!!" rinig kong tawag ni Shawn sa akin at dali daling lumapit sa pwesto ko. Umiyak ako ng umiyak nang makita ang umaagos na dugo sa hita ko. "S-shawn" garalgal na tawag ko sa kaniya. Naramdaman kong binuhat niya ako. Lumabas kami sa mall at ang huli ko na lang nakita ay ang pag-alis ng kotse namin. Nawalan na ako ng malay.



SHAWN's POV

HINDI ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng yon sa oras na may mangyaring masama sa baby ni Summer. Nandito kami ngayon sa ospital at hinihintay ang paglabas ng Doctor mula sa emergency room. Kanina po ako hindi mapakali dito. Simula nung makita ko si Summer kanina na kausap yung babaeng yon ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. I knew her. She's the wife of Autumn kaya nung nakita kong magkausap sila ni Summer ay agad agad akong lumapit. Hindi ko naman alam kung ano bang ginagawa niya dito sa Hong Kong. Talagang napakaliit nga naman ng mundo.

"Fhey.. Please calm." Sabi ko dito sa kasama ko na kanina pa rin pabalik balik ng lakad dito sa harap ng E.R.

"Shawn pano ko kakalma? Eh pano kung may mangyaring masama sa baby ni Summer?! Jusko ang dami nang napagdaanan ni Summer at sobrang naawa na ko sa kaniya kung pati anak niya eh mawawala sa kaniya!"

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. May punto naman siya eh. Masyado nang maraming pinagdaanan si Summer. Kung mawawala man ang anak niya, sigurado akong malulungkot na naman siya. Hindi pa siya nakakabangon pero may bago na namang pagsubok.

Parehas kaming napatayo ni Fhey nang biglang lumabas ang doctor.

"Kayo ba ang kasama ng pasyente?" Sabay kaming napatango ni Fhey.

"Doc kumusta na po si Summer?" bungad ni Fhey.

"The patient is now stable." bungad ng Doctor.

"How about the baby?" Hindi ko na napigilang hindi magsalita dahil kinakabahan na rin ako.

"The baby didn't make it. Mahina ang kapit niya kaya hindi niya nakayanan ang impact ng pagkahulog ng pasyente sa hagdan. I'm sorry. Please excuse us."

Pareho kaming natulala ni Fhey sa nalaman. Nagsimula nang umiyak si Fhey kaya't niyakap ko na lang siya. Wala na ang baby ni Summer. Hindi namin ngayon alam kung anong mararamdaman niya at kung anong sasabihin niya kapag nagising siya.


---

AUTHOR'S NOTE!!

Hello readers! I'm sure masyado na rin kayong naapektuhan sa mga nangyayari kay Summer at the same time ay naaawa para sa kaniya but I am just confused if nagwowonder rin kayo kung bakit ang tagal na nawala ni Autumn sa eksena? Autumn will be back in the next chapter! Please hang in there!

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon