CHAPTER 58

1.5K 25 7
                                    

SHINE'S POV

Hindi ko maisip kung ano na bang nangyayari. Naguguluhan na ako sa totoo lang. Napipilitan lang akong sumunod na lang sa mga nangyayari.

Four years before nainvolve daw ako sa isang car accident sabi ni mama. Nagkaroon ako ng amnesia kaya wala akong maalala sa nakaraan. Hanggang ngayon hindi pa malinaw sa akin kung sino ba ako.

Pero apat na taon na naging okay naman ako. Apat na taong naging tahimik ang buhay ko pero di ko inakalang ngayon, ibang-iba na. Gulong gulo na.


FLASHBACK~

"Ma sino sila?" tanong ko kay mama pag-alis ng dalawang mag-asawang tumawag sa akin ng Summer.

Sobrang pamilyar na sa akin ng pangalan na iyon. Maraming tumatawag sa aking Summer. Sabi nila sobrang kamukha ko daw. May ilan pang ipinakita sa akin ng litrato niya, oo nga magmamukha nga kami pero normal lang naman yon diba? Sabi kasi nila mayroon daw tayong isang taong sobrang kamukha. Swerte ko na lang dahil isang sikat na model at mayamang businesswoman ang kamukha ko.

"Shine they are your real parents." Natulala ako ng sinabing yon ni mama.

Real parents?

"What do you mean Ma?" Nagtatakang tanong ko dito.

Niyaya niya akong maupo sa sofa sa salas bago niya sinagot ang tanong ko.

"Sila ang tunay mong magulang Shine. I'm sorry. Kinuha kita sa kanila." paliwanag nito sa akin.

Lalo lang nagulo ang isipan ko dahil sa sinabi niya.

"W-what? Seryoso ka po ba Mama?" garalgal na tanong ko dito.

"I'm sorry Shine. I'm really sorry..."

This time ay umiyak na si mama. Niyakap niya ako ng mahigpit at wala na rin akong magawa kung hindi tumulo ang mga luha sa mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang paghikbi ni mama.

"I'm sorry Shine.. pero ibabalik na kita sa kanila..." sabi nito sa akin.

END~


Ang bagay lang na hindi nasagot non ay kung bakit nila ako tinawag na Summer. At katulad nga ng pakilala nila sa akin nung isang gabi, may kambal daw akong namatay.

At sadyang mapaglaro nga ang mundo, yung Summer na sinasabi nilang kamukha ko ay kakambal ko pala.

Sabi sa akin nila Mom and Dad, kinuha daw ako ni Mama sa kanila nung bata pa lamang kami para itago sa tao.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon