CHAPTER 30

2.1K 40 0
                                    

SUMMER's POV

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng building ng company ni Autumn. This is it. Itutuloy ko na ang plano ko.

Suot ko ngayon ang office attire ko dahil papasok pa ko sa opisina after kong maibigay itong regalong hawak ko. Naglagay lang ako ng shades para hindi masyadong makilala. Kanina ay galing ako sa salon dahil pinakulayan ko ang buhok ko ng ash grey. Pinaputulan ko na rin ng konti.

After I surveyed the building, pumasok na ako sa loob at dumeretso sa floor kung saan nandon ang office ni Autumn. Kilala nila ako dito kaya nakapasok agad ako. Tinatanggal ko ang shades ko kapag hindi nila ako makilala then ibabalik ko rin after silang makausap.

"Ma'am Summer????" bungad sa akin ng sekretarya niya habang sinusuri ang buong itsura ko.

Agad ko namang hinubad ang shades ko at binigyan siya ng malaking ngiti. Agad naman siyang yumakap sa akin nang makilala ako.

"Akala ko Ma'am hindi na kayo babalik. Nabalitaan ko po na naghiwalay na kayo kasi yung asawa ba yon ni Sir? Kapag pumupunta dito sinusungitan lang ako." nakapout na sumbong niya sa akin. Ginantihan ko na lang siya nang mapait na ngiti. Wala akong pakealam sa asawa ni Autumn dahil hindi naman ako pumunta rito para makibalita o makichismis sa buhay nilang mag-asawa.

"Nandyan ba si Sir mo???" tanong ko sa kaniya.

"Yes po Ma'am. Tawagin ko lang po." akmang tatalikod na siya nang bigla kong hilahin ang kamay niya para pigilan.

"Wag na... Mukhang busy siya eh. Pakibigay na lang to."

Inabot ko sa kaniya ang box na dala ko.

"Sige po Ma'am" nakangiting saad niya sa akin.

"Una na rin ako pupunta pa ko sa office eh. Thank you ha Jane."

After kong bumeso sa kaniya ay isinuot ko na ulet ang shades ko at lumabas na.

"Nalate ka ata?"

Dire-diretso akong pumasok sa office ko kaya't di ko napansin na nandito pala si Shawn. Nakaupo siya sa sofa at may hawak na magazine.

"New look?" Nakangisi niyang tanong. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Bagay ba?" Nakangiti kong tanong.

Tinitigan niya naman ako na parang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko. Naramdaman kong namumula na ang mukha ko dahil sa ginagawa niya.

"Shawn!" suway ko dito at hinampas siya nang marahan. Agad naman siyang napatawa ng malakas.

"What?" mapang-asar niyang tanong.

"Marami ka bang gagawin?" bumalik ang mukha niya sa pagiging seryoso at umayos ng upo pagkatapos niyang sabihin yon.

"Wala naman. Ichecheck ko lang ang mga yon" turo ko sa mga papeles na nasa ibabaw ng table ko.

"Mag dinner tayo mamaya" yaya niya sa akin. Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Agad akong tumingin sa kaniya at nginitian siya nang malaki.

"Sure!" sabi ko dito.

"Okay the. See you later"

Tumayo siya at hinila ako papalapit sa kaniya. Sinakop niya sa bewang ko dahilan para sobrang maging magkalapit ang mga mukha namin. Sa posisyong ito ay naamoy ko na ang hininga niya. Maya maya pa ay unti-unti na niyang inilalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magkadikit na ang mga ilong namin. Napapikit ako sa posibilidad na halikan niya ako sa labi. Ayan na...

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ilong dahilan upang imulat ko ang mga mata ko. Nakita ko naman ang nakangisi niyang mukha.

"Shawn!" suway ko sa kaniya at pinaghahampas siya. Tumawa naman siya nang malakas.

"See you later!"

Kumaway pa siya habang papalabas sa office ko. Napabuntong hininga naman ako at naglakad palapit sa table ko.

Pagkaupo ko pa lang ay hindi na mawala ang mga ngiti sa labi ko. Pagkatapos makarecover sa nangyari kanina ay inisa-isa ko nang basahin ang mga papeles na nandito sa table ko.

6pm na nang makarating ako dito sa condo ni Autumn. Kahit maaga akong nag-out sa office ay natraffic pa rin ako papunta dito.

Agad kong kinuha ang susi ko at binuksan ang unit niya. Thank God dahil hindi ko naiwala o tinapon to, may paggagamitan pala ako.

Pumasok agad ako sa kwarto niya para magbihis. Kinuha ko sa paper bag na dala ko ang isang red lingirie at agad pinalitan ang damit ko.

I put light make up and red red lipstick. After that, I look at the mirror. Sobrang revealing ng suot ko and fitted. Kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Inilugay ko rin ang buhok ko at inilagay sa likod para ma-expose and leeg at cleavage ko.

Lumabas na rin ako sa salas para hintayin si Autumn. I'm sure dadating siya. Bigla akong napangisi nang maalala ang regalo kong binigay sa kaniya.

It contains a red underwear and a card saying to meet me here in his condo at exactly 7pm.

Kinuha ko ang phone ko nang makitang lumiwanag ito means may nagtext sa akin. Agad ko iyong binuksan at napangisi nang malaki ng makitang nagtext ang guard sa parking lot.

From: unknown number

Miss Del Fuente, nandito na po ang sasakyan ni Sir Autumn. Malamang ay paakyat na po siya ngayon.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto niya at nahiga sa kama niya na nilagyan ko ng maraming rose petals. Nakasindi na rin ang mga kandila sa paligid.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako nang yabag papunta dito sa kwarto kaya napatitig ako sa pintuan. This is it. Ito na ang simula. Unti-unting pumipihit ang door knob at dahan-dahang bumubukas ang pintuan.

And there I saw Autumn standing there with his shock face. Napangisi ako ng malaki at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

"You missed me?" nakangisi kong sabi sa kaniya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya at hinawakan ang balikat niya sabay dahan-dahang inikutan. Hindi pa rin siya gumagalaw at nakatayo pa rin siya na para bang prinoproseso ang mga nangyayari.

"Tatayo kana lang ba dyan?" bulong ko naman sa tenga niya na sandaling ikinagulat niya.

Sa totoo lang ay gusto ko siyang sakalin, sampalin, at paghahampas-hampasin ngayon. Sa totoo lang ay gusto kong ilabas ngayon sa kaniya ang lahat ng nararamdaman ko pero walang lugar ang kahit na anong emosyon sa isipan ko ngayon. Kailangan kong maisagawa nang maayos ang plano ko.

Lumakad ako sa harapan niya at unti-unting tinatanggal ang kaniyang neck tie.

"Go Autumn! Touch me!" sigaw ko sa kaniya habang ako na ang naglalagay ng kamay niya sa katawan ko. Nag iinit na ang ulo ko. Wala manlang ba siyang balak gawin. Nasasayang lang ang oras ko dito.

Akmang tatalikod na ako nang maramdaman ang paghila niya sa kamay ko at ang pagsunggab sa labi ko. Hinalikan niya ako ng madiin na ikinagulat ko.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon