CHAPTER 9

2.1K 31 0
                                    

-CHAPTER 9-

"Autumn.. kasi.." hindi ko matuloy ang anumang sasabihin ko. Hindi kasi talaga ako yung tipo ng babae na nagpapaniwala sa mga ganong bagay. I don't have any trust issue towards my partner. Mas minabuti ko na rin na wag na lang sabihin kay Autumn.

"Come on babe spill it out. What's bothering my baby huh??" rinig kong lambing niya. Alam kong nag aalala na siya sa point na to. How could you act that way Autumn? Kung totoo man ang lahat ng nalalaman ko, why can you act like you're not doing anything that will hurt me?

"I miss you..."

Tanging iyon na lang ang nasabi ko.

"I miss you too babe. Wish that I am now with you" malungkot na sabi niya.

"Sa susunod punta tayong dalawa dito. Alam mo ba ang ganda ganda! Ang tagal na rin nating hindi nagbeach. I'm sure magugustuhan mo dito" pag aaya ko sa kaniya.

Bilang niyayaya ko siya, naalala ko ang kaganapan sa Friday. Magmomodel nga pala ako ng isang sikat na perfume. Maybe I should ask him if he could be my date that night. Sounds weird dahil ako ang magyayaya pero hindi na yon mahalaga sa panahon ngayon.

"babe I had receive an invitation from a perfume company and I am invited to model their perfume. Would you mind if I ask you to be my date at that night? Sa Friday na" tanong ko sa kaniya.

"Babe I'll love to be with you but I can do that. Sa Friday rin ang flight ko remember? The business trip?"

I just sighed. Oo nga pala. Pero sa Friday na pala yon? Di pa siya umaalis pero nalulungkot na ko at sobrang namimiss ko na siya.

"Okay babe. It's all fine" malungkot na sabi ko sa kaniya. Napapansin ko lang na lately masyado na siyang busy at wala na kaming time para sa isa't-isa. Maybe I should surprise him after ng business trip nila.


SHAWN's POV

Kanina pa ko nilalamok dito dahil pinapakinggan ko ang pag uusap ni Summer at ni Autumn sa cellphone. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na si Autumn Sandoval ang boyfriend niya. That guy who steal the girl I like nung bata pa kami.

Flashback~

Nandito ako sa malayo at pinapanood ang paglalaro ni Autumn kasama ang babaeng crush ko. Palagi kong tinitignan sa malayo ang babaeng yon pero hanggang ngayon hindi ko pa siya malapitan. Naunahan pa ko ng kababata kong si Autumn.

"Can you tie my hair Autumn?? Di ko kasi abot" rinig kong sabi nung babae habang inaabot ang pink na ponytail kay Autumn

"Ofcourse Cinderella" sagot naman ni Autumn. Nakita ko kung paano niya tinali ang buhok nung babae kahit di niya alam.

Magmula non, ipinangako ko sa sarili ko na balang araw ay malalapitan ko rin ang babaeng gusto ko.

Napagpasyahan ng family ko na tumira sa London nung mga panahon na yon kaya hindi ko na ulet nakita yung babae.

End~

NATIGIL na lang ako sa pag-iimagine nang makitang wala na si Summer sa kaninang pwesto niya. Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko at lilinga-linga sa paligid. Nasan na kaya yung babaeng yon bigla bigla na lang nawawala.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko.

"Aha! Sinusundan mo ko no?!!"

Napingon ako sa likod ko at nakita si Summer na nakataas ang kilay at diretsong nakatingin sa akin.

"Ah-hh n-naglalakad lakad. Baket masama ba?" Tanong ko sa kaniya.

Tinanggal niya ang kamay sa balikat ko at nagningning ang kaniyang mga mata "tara sama ko sayo" sabi niya at nagsimula nang maglakad. Agad naman akong napangiti sa sinabi niya at sinundan siya maglakad. Sama daw saken pero nauuna naman siya.


NANDITO na kami sa may dalampasigan at panay ang kwento niya sa akin tungkol sa kumpanya niya. Panay naman ang pang aasar ko sa kaniya na inaakit niya lang ang mga investors niya at babanatan naman niya ko ng "so naakit ka sa akin" na sagot. Kaya minabuti ko na lang na pakinggan ang lahat ng mga sinasabi niyang kahanginan hanggang sa lumalim ang mga paghinga niya. Tumingin siya sa akin at nagulat ako sa tanong niya.

"Shawn.. I just wanted to ask if.. ano ang reasons nyong mga lalaki para ano.. para magcheat?" Nakita ko pa ang nahihiyang mukha niya na parang nagsisisi na tinanong niya sa akin ang bagay na yon.

Teka, ibigsabihin ba nila niloloko siya ng gagong Autumn na yon?

"you're look like a desperate girlfriend sa tanong mo Summer" natatawang sagot ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagsimangot niya. "Seryoso kasi Shawn parang di naman kaibigan eh.." pangungulit niya sa akin.

Parang may tumusok sa puso ko matapos marinig ang salitang 'kaibigan' sa kaniya. So magkaibigan na pala kami. Masaya ako na kaibigan na ang turing niya sa akin pero malungkot ako knowing na baka hanggang doon na lang kami.

Tumingin ako ng diretso sa dinadaanan namin at nilaro ang buhangin gamit ang aking paa.

"There's no reason on cheating Summer. It's a choice" diretsong sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang bahagyang pagkamangha niya sa sagot ko.


NAGLAKAD-LAKAD lang kami hanggang sa makarating sa harapan ng bungalow house na tinutuluyan nila. "See you tomorrow" masayang paalam ko sa kaniya.

"Aalis na kami bukas no!" may pagngiting sagot niya sa akin. So aalis na pala sila bukas. Salamat naman at makakauwi na rin ako. Naiinip na ko dito dahil wala akong kasama.

"Ohh. What a coincedence. Uuwi na rin ako bukas eh." sabi ko sa kaniya.

"That's nice. See you in Manila then" pagpapaalam niya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Pagkapasok niya sa loob ay umalis na rin ako.

Napakasaya naman ng gabing ito.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon