CHAPTER 38

1.7K 33 0
                                    

Naiwan ako ditong iniisip pa rin ang mga sinabi ni Fhey. She's in love with Shawn yet hindi ko alam. Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Dapat ba matuwa ako dahil nagmamahal na ang bestfriend ko? O dapat bang malungkot ako dahil ako ang mahal ng mahal niya?

"Summer! Let's go to hospital! Nakita na ang katawan ni Shawn and the ambulance is on the way to San Roque Hospital"

Without a words, tumayo agad ako at dumeretso sa sasakyan nila Mom and Dad after sabihin ni Mommy na nakita na ang katawan ni Shawn. They also say that he is unconscious yet still breathing. Nagpapasalamat naman ako dahil doon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

When we arrived in the hospital naghintay lang kami sa labas ng emergency room. Balak ko sanang itext si Fhey na nakita na si Shawn pero may part sa akin na gustong hayaan munang palamigin ang init ng ulo niya.

"Summer.. are you alright?" Napalingon ako nang magsalita si Mom at umupo sa tabi ko. Kami nalang dalawa ngayon ang magkasama dahil umalis si Dad para pumasok mamaya. It's already 3am na kasi pero wala pa rin kaming tulog.

"Sum.. tell me.. ano ba talagang nangyari hah?"

This time alam kong nagtataka na rin sila. Ang pagkaaksidente ni Shawn at ang biglang pagdating ni Autumn sa location. I don't know what to say. O hindi ko lang alam kung pano sisimulan?

"Mom... I-I.. have an affair with Autumn.." panimula ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"What?!" iritang tanong niya na parang di makapaniwala sa narinig.

"Mom.. it's not what you think.. I am making revenge and.. I don't know that... I'm still in love with him.."

Napayuko ako sa sinabi ko kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Hindi ko po sinasadya Mom. Sabi ko sa isip ko.

"Summer.. how could you do that?? Sinaktan mo Si Shawn.. Sinabi ko naman sayo na if you're not still ready and haven't yet moved on.. Mabuting itigil nyo na lang ang namamagitan sa inyo ni Shawn.."

Mom looks worried right now. Alam kong nagagalit rin siya sa ginawa ko pero malamang ay iniisip niyang wala akong kakampi kundi siya.

"Mom.. I thought.. I can learn to love him.. akala ko Mommy matutumbasan ko ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. Akala ko kapag binigyan ko ng chance ang relasyon namin.. we can be happy and I could moved on.. pero Mommy.."

Agad akong lumingon sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya

"I try Mommy.. sinubukan kong mahalin siya.. Sinubukan kong mag effort sa kaniya pero when I saw Autumn.. lahat ng mga nararamdaman ko para sa kaniya bumalik.. I still love him Mom.. and if being his Mistress was the only way to be with him again.. okay lang Mom. Okay lang sa akin if I am his second priority--

"Summer! Mali kana.. Mali na yang mga sinasabi mo. You are fooled by so much love anak. Autumn has his family now. Anak mali yan!"

Nakikita kong nanggigigil na si Mommy sa akin. Nakakuyom na ang isa niyang palad na para bang pinipigilan lang ang sarili na saktan ako. Masyado na ba akong tanga? Am I deeply in love with him to the point na wala na akong pake sa kahit anong consequences ng pagmamahal ko sa kaniya?

"Maam kayo po ba ang kasama ng pasyente?"

Natigil ang pag-uusap namin when the Doctor came out in the ER. Agad kaming tumayo ni Mommy at hinarap siya.

"Yes po kami po. How's the patient Doc?" tanong ni Mommy.

"He's now safe. Hihintayin na lang natin ang paggising niya because he is still unconscious. Masyadong nabugbog ang katawan niya dahil sa nangyari. Hindi pa namin mairerecommend na ilipat siya sa private room hanggat hindi pa siya nagigising. Mrs. pwede po bang sumama kayo sa office ko para sa iba pang detalye?"

Tumango naman si Mom sa kaniya at umalis silang dalawa. Naiwan ako dito. I'm very thankful dahil safe na si Shawn. Pero hindi dapat ako makampante hanggat hindi pa siya nagigising.

FHEY's POV

"Magugustuhan kaya ni Summer ang isang tulad ko?"

"Fhey.. I was just thinking if I can court Summer?"

"Fhey.. Finally pinayagan na ko ni Summer na ligawan siya"

"Fhey I love your bestfriend so much at handa akong maghintay kahit gaano pa katagal"

"Sana okay lang si Summer no? Nalulungkot ako tuwing makikita siyang umiiyak"

"Fhey sinagot na ko ni Summer!! We are now officially on!!"

"Fhey kasama mo ba si Summer? Nagtataka lang ako dahil hindi ko siya macontact. May usapan kami ngayon"

"I love her so much. Kaya kong tanggapin ang lahat ng sakit just to be with her"

I hate myself for loving him.

I hate myself for letting my heart fall in love with him.

I hate my feelings because it is all for him.

I hate life.

I hate life being so unfair.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi kay Summer ang nararamdaman ko para kay Shawn. I know this is not the right time pero sobrang naiinis na ko sa kaniya. Kahit bestfriend ko siya hindi ko hahayaan na makapanakit siya ng iba. I would never torture that.

Yes. I am in love with Shawn. When we go to Hong Kong, doon ko narealize na nadedevelop na pala ang nararamdaman ko sa kaniya. When we are both tooking good care of Summer, lagi kaming dalawang magkasama. Lagi kaming nag-uusap and one morning nagising na lang ako na siya na lagi yung una kong hinahanap.

I know how much he loves Summer. Kinukwento niya sa akin. He even told me their sweet convos and how much happy he is with her. At sa bawat kwento niya, kumikirot ang puso ko. Dumadami ang sana's ko. Like, sana ako na lang. Sana saken na lang siya nahulog. Sana ako na lang ang unang nakakilala sa kaniya.

Masaya naman akong mahal niya si Summer. Syempre bestfriend ko yon kaya alam kong nasa mabuting kamay siya. Pero syempre may nararamdaman rin ako.

Hinayaan ko na sila ni Shawn dahil ayoko namang diktahan ang nararamdaman nila pero syempre, maling sinasaktan niya yung tao. Kahit na wala akong gusto kay Shawn, mali pa rin ang ginawa niya. At yung taong paulit ulit siyang sinasaktan, iyon pa rin ang pinipili niya samantalang si Shawn, ang daming nag aabang kay Shawn pero siya, siya yung pinili pero sinasaktan niya lang.

Nabalitaan ko sa mga pulis na nakita na si Shawn. Tingin ko ay nasa ospital na siya ngayon. Gustuhin ko mang pumunta don pero ayoko munang makita si Summer. Nagagalit ako sa kaniya. Maybe in time, ako na mismo ang kakausap sa kaniya pero hindi pa ngayon.

Sa totoo lang, hindi ko naman sinasadya na masampla si Summer. I just being careless. Nadala ako ng halo halong nararamdaman ko.

Ininom ko ang alak na nasa baso at inistraight yon.

I hate myself for loving Shawn even if I know he will never reciprocate my feelings for him.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon