CHAPTER 29

2K 31 0
                                    

SUMMER's POV

"Summer.. are you okay?" Napatingin ako dito sa katabi ko. Tumango naman ako bilang sagot.

Eto na. I saw Autumn. Pumunta siya dito kanina sa gawi namin to greet Mom and Dad. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung dala ba yon ng galit. Sobrang naiiyak na rin ako kayat pinili ko na lang yumuko hanggang makaalis siya.

"Here. Drink this water." Napalingon ako kay Shawn na may inaabot sa akin na baso ng tubig. "Thanks" tipid na sagot ko sa kaniya.

"If you want to go home I can bring you home" bakas ang pag-aalala sa mukha niya. I hold his hand tightly.

"No. Its okay. Sayang naman tong party. Importante to sa akin at sa parents ko" sagot ko sa kaniya.

He pulled my chair para mapalapit sa kaniya and grab my waist. This time, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Gosh! I felt something in my stomach. Naramdaman ko ang mga hininga niya and I am looking straightly at his eyes.

"Are you sure?" nakatitig pa rin na tanong niya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin dahil feeling ko matutunaw ako sa mga titig niya.

"Yes of course!" Sagot ko sa kaniya at agad na lumayo nang kaunti. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya na parang inaasar ako.

"Why so nervous huh?" Nakangising sabi niya sa akin. Inirapan ko naman siya at hinanap ng paningin ko si Fhey na papalapit na ngayon sa pwesto namin.

"Sorry. Nagrestroom lang. Kumusta kana Sum? Okay ka lang ba?" bungad niya sa akin.

"Yes. There's no reason para malungkot. We are here to celebrate kaya dapat magpakasaya tayo." masayang tugon ko sa kaniya. Nakita ko naman ang malawak niyang pag ngiti bilang ganti sa sinabi ko.

Napatingin ang lahat sa stage nang magsalita ang emcee.

"Sorry to interrupt you guys. But to make this night more awesome. May we call on Ms. Summer Del Fuente to give us a special performance"

Lahat ng tao ay napagawi ang tingin sa akin. I don't know what to do. Hindi ko alam to at hindi rin ako ready. Nakita ko na nag-aayos na ang banda sa stage and I immediately looked at Fhey. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Is this all your plan Athenus?!" masungit na tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatawa at itinulak ako patayo.

"Shawn guide her papunta sa stage dali bago pa tumanggi" natatawang sabi niya.

Agad naman akong inalalayan ni Shawn papunta sa stage. When we reach there, iniwan niya ako sa taas. "Goodluck!" Nakangiti niyang sabi sa akin at tumalikod na. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napagawi ang paningin ko kay Mom and Dad na kasama ngayon ni Shawn para sana humingi ng tulong pero they are both cheering me up.

Ngayon ay hawak ko na ang mikropono at lahat ng tao ay nag aabang sa kakantahin ko.

"S-sorry po. I wasn't ready" panimula ko.

Sinimulan ko nang i-stram ang gitara na hawak ko.

Say something, I'm giving up on you
I'll be the one if you want me to
Anywhere I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

Habang kumakanta ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Shawn. I felt sorry for him because now, I saw Autumn on him. Pumikit pa ako at dinamdam ang kanta

And I... am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all

Pagdilat ng mata ko ay nakita kong nakatitig rin siya sa akin. Bakit ganito? Bakit si Autumn ang nakikita ko?

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon