CHAPTER 16

2.3K 51 0
                                    

-CHAPTER 16-

SUMMER's POV

PAGKATAPOS kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ay napagpasyahan kong magbihis. Pupuntahan ko si Autumn at sasabihin ko sa kaniya na buntis ako. Tiyak na pipiliin niya ako. Handa akong kalimutan ang lahat ng nagawa niya sa akin kapag tinanggap niya ang anak namin. Ayoko rin kasing lumaki na walang ama ang anak ko. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Mula rito sa taas ay nakita ko sina Mommy at Daddy sa salas. Malamang ay nalaman na nila ang nangyari sa akin.

"Walang kwenta talaga yang Autumn
na yan. Sabi ko na eh! Una pa lang ay duda na ko dyan na wala siyang magandang maidudulot sa anak ko!" rinig kong galit na sabi ni Mommy.

Noong una pa lang ay ayaw na talaga nila kay Autumn. Ni minsan ay hindi nila siya inimbitahan sa bahay. Pero wala silang magagawa dahil siya ang mahal ko at lalo na ngayon na buntis na ako at magiging pamilya na kami. Lalo kong kailangan si Autumn.

"Kukunin na namin si Summer at magpapakalayo layo na muna kami" nagulat ako sa kasunod na sinabi ni Mommy at di ko na napigilan na magsalita.

"Mom.. Dad.." nakita ko ang paglingon nilang apat sa direksyon ko at pagbabago ng ekspresyon sa mukha nila na mula sa galit ay napuno ng lungkot at pag-aalala. "Ano pong ginagawa nyo dito?" basag ko sa katahimikan.

Agad na lumapit si Mommy sa gawi ko at niyakap ako. "Kumusta ka na Sum? May masakit ba sayo?" inaalalayan niya ko papunta sa sofa habang tinatanong.

"Okay lang po ako" sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya bilang ganti.

"Mabuti naman kung ganon"

"Mom.. maiwan ko po muna kayo dahil pupuntahan ko si Autumn par--"

Hindi pa tapos ang sasabihin ko nang magsalita si Daddy. "Hindi! You stay here at take a rest. Bukas na bukas aalis tayo!" bakas ang galit sa kaniyang mukha. Ni minsan ay hindi ako nasigawan ni daddy dahil itinuring niya akong prinsesa. Ngayon lang nangyari na sinigawan niya ako. Halata ang pagkagulat kay Shawn at Fhey maging kay Mommy pero gumuhit din ang pangamba sa kanilang mga mata.

"Oo nga Summer. Mas makabubuting magpahinga kana muna" panggagatong ni Shawn kay Dad.

"Pero Dad kelangan niyang malaman na buntis ako"

"Hindi Summer. Hindi ka aalis at hindi niya malalaman. Ayoko nang magkita pa kayo ng Autumn na yon o magkaroon man nang kahit anong komunikasyon naiintindihan mo ba?!"

Tumungo na lang ako bilang sagot sa sinabi ni Dad. Naiintindihan kong nag aalala sila sa akin pero hindi rin ba nila naisip ang baby ko? Paano na lang ang baby ko? Hindi bat para ko na rin siyang tinanggalan ng karapatang makilala ang ama niya.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Fhey sa akin at paglingkis ng kamay niya sa braso ko.

"Hayaan mo na Sum. Mas alam nila ang makakabuti para sayo ngayon" bulong niya sa akin sabay ngiti. Yung ngiting nagsasabing magiging maayos rin ang lahat. Nginitian ko na lang rin siya.


PAGKATAPOS ng pag uusap na iyon ay mas minabuti ko na lang na bumalik sa kwarto at magkulong. Minsan ay pumapasok sila rito sa kwarto para magdala ng pagkain pero hindi ko pa rin kinakain. Wala akong gana. Tila nagiging manhid na ako dahil sa mga pangyayari. Bukas na bukas rin ay pupunta na kami sa Hong Kong para doon magstay habang buntis ako. Kanina ay narinig ko ang makina ng kotse ni Dad na paalis para ayusin ang kumpanya na maiiwan namin. Nagpaiwan naman si Mommy dito para raw mabantayan ako pero ayoko naman munang tumanggap ng kausap. Nakahiga lang ako ngayon sa kama at umiiyak na naman. Wala na ba talagang katapusan ang mga luha ko? Buong buhay ko na lang ba akong masasaktan? Maya maya ay narinig ko na may kumatok sa pintuan kayat mabili kong pinunasan ang mga luha ko at nagpanggap na tulog.

Narinig ko ang pagbukas ng aking pintuan at mga yabag papalapit sa akin.

"Don't fool me Summer. I know you're awake" si Shawn pala.

Agad akong umupo at tinignan siya sa mata. "Ayoko nang kausap ngayon" malungkot na sabi ko na tila ba pinapaalis ko na siya.

"Alam mo ba.. When I was a kid, I've met a girl whom I really like. She's so sweet and fun. Nakikita ko lang siya sa malayo dahil nahihiya akong lapitan siya. Everytime na makikita ko siyang nakangiti, napapangiti na rin ako."

Natapunan naman ng atensyon ko ang kwento niya kaya hinayaan ko na lang siya na magsalita. Naupo siya sa paanan ng kama ko while continuing telling his story.

"When the time came na gusto ko nang aminin na crush ko siya and I'm watching her from a far, nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki. They were good and perfect with each other. Nung nakita ko sila, mas lalo akong nawalan nang lakas ng loob para lapitan siya"

Bakas ang lungkot at panghihinayang sa mga mata niya pero mas pinili ko pa rin na wag munang magsalita hanggat hindi pa siya tapos magkwento.

"After that day, I always saw them together. I always watched them habang nagtatago ako sa malayo. And when my parents decided to migrate in London, I've never seen them again. And you know what's worst?"

"What?" tanong ko naman sa kaniya. Halata na ang pagiging curious ko dahil parang sabik na sabik ako sa isasagot niya.

"The boy who get my girl is Autumn"

Nagulat ako sa sinabi niya. Napaawang ang bibig ko at hindi ko maproseso sa utak ang sinabi niya. Autumn is my friend since we we're kids. We're always playing in the park and nagkalayo kami non nung lumipat kami ng bahay but we met again when we were in College.

"Y-you mean... You are that boy hiding at the back of the tree? And that boy chasing by a dog?" Kumikinang na ang mata ko habang tinatanong yon sa kaniya na tila manghang mangha sa nalalaman.

"How did you know?" tanong niya sa akin.

"because I am that girl! The girl whom you're looking at" proud na sabi ko sa kaniya.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon