CHAPTER 32

1.9K 27 0
                                    

AUTUMN's POV


I am looking at her straightly. Napaka payapa niyang natutulog. I am now caught by her beauty. Ang gusto ko lang ay titigan siya hanggang magising siya. Ngayon, sigurado na akong mahal ko pa rin siya at hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kaniya kahit pa nagkahiwalay kami.

Pinagmasdan ko pa ng matagal si Summer. Gusto ko siyang halikan pero baka magising siya. Tatayo na sana ako para maghanda ng breakfast ng makita ang singsing na suot niya. Nakaramdam ako ng kirot. Totoo bang kasal na siya sa Shawn na yon?

Isinawalang bahala ko na lang ang naiisip at napagpasyahan na bumaba na para magluto ng breakfast. Mamaya ko na lang siya tatanungin tungkol don. Ang mahalaga pa rin ay kasama ko siya ngayon.

Nagluto lang ako ng bacon, ham, egg, hotdog at spam pati na rin fried rice. Syempre hindi mawawala ang tinapay. Knowing Summer, hindi siya nag heheavy meal sa umaga. Pinagtimpla ko rin siya ng kape at iniayos na ang mga ito sa mesa.

Tatawagin ko na sana siya para kumain nang makitang lumabas siya sa kwarto at bihis na bihis. Parang nagmamadali siyang aalis.

"Sum.." tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin ng walang kahit anong emosyong makikita. Tila naghihintay pa siya ng sasabihin ko.

"K-kain tayo" nauutal na sabi ko. Wala pa ring emosyong makikita sa mukha niya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya kaya hindi ko alam kung anong sasabihin. "Nagluto ako" dugtong ko na lang.

"Hindi na. Nagmamadali ako"

Pagkatapos niyang sabihin yon ay nagmamadali na siyang umalis. Nakaramdam naman ako panghihinayang. Hindi manlang niya tinikman ang luto ko. Hindi manlang kami nakapag-usap tungkol sa nangyari sa amin. Ngayon nga ay hindi ko alam kung anong meron kami. Pero masaya ako dahil nakasama ko siya. Pinagmasdan ko lang siyang lumabas sa unit ko. Hindi na ako nagsalita. Bumalik na lang ako sa kusina para kainin ang niluto ko.




SUMMER's POV


Anong tingin niya sa akin? Magtatagal pa don? Ni ayoko nga siyang makasama na. Pagkagising ko kanina ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil ayoko nang makita siya. Niyaya niya kong kumain pero ayoko. Makita nga lang siya ay pinagtitiisan ko na lang ano pa kaya yung makasama ko siya kumain.

Dali-dali akong umuwi sa bahay ko at doon na naligo at nagbihis ng pang-opisina. Binilisan ko lang dahil baka malate ako sa trabaho.

Nagmamadali akong pumasok sa office ko. Hindi pa maayos ang buhok dahil sa pagmamadali. Nagulat naman ako nang may magsalita.

"San ka galing?"

Napalingon ako sa likod at nakahinga ng maluwag nang makitang si Shawn lang pala.

"Sa b-bahay.." nauutal na sabi ko. Hindi ko sa kaniya pwedeng sabihin na kasama ko si Autumn magdamag kung hindi ay mag-aaway kami.

"Tita and Tito told me na hindi ka umuwi kagabi?" kunot na ang noo niya at alam kong nagtitimpi na lang siya. Hindi niya pwedeng malaman ang totoo.

"Sa bahay ko ako umuwi. Namiss ko kasi ang--"

"Galing ako kagabi don Summer!" This time ay tumaas na ang boses niya dahilan para kabahan ako.

"I'm sorry." sabi naman niya after marealize na natataasan na niya ko ng boses. "I just want you to know na naghintay ako sayo kagabi. May usapan tayo na magdidinner tayo pero it looks like you forgot it."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakas ang lungkot sa tono ng pananalita niya at kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. Oo nga pala. May usapan kami kagabi pero dahil sa plano ko ay nakalimutan ko na.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon