CHAPTER 6

2.5K 41 0
                                    

-CHAPTER 6-

AUTUMN'S POV

NANDITO ako ngayon sa harap ng bahay namin. Umuwi ako dahil ngayon ko makikita ang babaeng mapapangasawa ko at ngayon din ang proposal ko sa kaniya. Kahit naman alam kong Raigne ang pangalan niya ay hindi ko pa siya nakikita ni minsan sa buhay ko.

Kinuha ko ang isang maliit na box sa bulsa ng pants ko at tinignan ito. Kung hindi lang dahil kay Dad edi sana kay Summer ang engagement ring na ito. Itinago ko na ulet ang box at dumeretso na sa salas.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Dad at Mom na may kausap na isang babae. Maputi ito pero mas maputi pa rin si Summer. Balingkinitan ang katawan, may blonde na buhok at maamong mukha. Ito na siguro si Raigne.

"Dad. Mom." Sabi ko dahilan para lumingon sila sa gawi ko. Humalik ako may mom at tumingin ng diretso sa babae.

"Hindi nyo ba ako ipapakilala sa magandang babae sa harapan ko?" sambit ko.

"Oh. Autumn this is Raigne. Raigne Montiera. Raigne this is my son, Autumn Sandoval" pakilala ni Dad.

"Finally. Nice to see you Autumn." Sabi niya sa akin sabay bumeso.

SUMMER's POV

"Ang saraaaap!" Sambit ko at hinango na ang niluto kong adobo. Naglagay ako sa lalagyan at inihain sa mesa. Nakita ko na nakangiting sumulyap sa akin si Autumn.

"presenting.. my specialty. Chicken Adobo ni Summer" sambit sabay kumaway kaway na parang model.

Humagalpak naman ng tawa si Autumn at dahan dahan akong hinila sa kandungan niya. Hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi na ikinapula ng mukha ko.

"you're so cute babe. Wag kang ganyan dahil baka mamaya ay ikaw ang kainin ko sa halio na itong niluto mo" pilyong sabi niya sa akin.

Hinampas ko siya ng marahan at umalis sa pagkakakandong sa kaniya. Umupo ako sa silya na katapat niya.

"Mabuti pa at kumain na tayo babe. Baka mamaya pumayag ako sa gusto mo" sabi ko naman sabay kindat.

Kumakain na kami at napansin kong hindi siya mapakali. Tila may gusto siyang sabihin kaya inunahan ko na. Baka nahihiya lang.

"Come on babe speak it out."

Nagulat siya sa sinabi ko at ibinaba ang hawak na kobyertos. Tumingin siya ng diretso sa akin at bumuntong hininga muna bago nagsalita.

"Babe I need to go to US. May business trip ako at importante to sa akin dahil ito na lang ang makakapagsalba sa kumpanya."

Alam kong nahihirapan siya nang binanggit nya yon pero gusto kong maging understanding. Knowing na gipit na gipit na ang kumpanya nila. Naiintindihan ko siya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Babe sabi ko naman sayo na magpasa ka na lang ng proposal saken. Tatanggapin ko naman yo--" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat na siya agad.

"Ayoko Summer. Ayokong isipin ng pamilya mo na napakababang uri ko ng tao at umasa na lang ako sayo."

"That's not my point babe." Kahit naman anong sabihin ko eh hindi maiiwasang iyon ang intindi niya. Napakaliit ng tingin ng pamilya ko sa kaniya at sigurado akong iyon ang iisipin nila at ng lahat ng nakakakilala sa amin kung nagkataon.

Bumuntong hininga na lang ako.

"How long?" Tanong ko.

"for a week" nagulat ako pero hindi ko na binalak pang magsalita. Ang tagal naming hindi magkikita. Ang tagal ko siyang hindi mayayakap at mahahalikan.

Minabuti ko na lang na mag-ayos dahil may pasok pa ako ngayon. Nagshower ako for about 20 minutes. Nagbloblower na ako ng buhok ng maalala ang engagement ring na nakita ko kaya naisipan kong tignan ulet ito. Laking gulat ko nang makitang wala na ito sa loob ng cabinet.

Pinagsawalang-bahala ko na lang dahil baka itinago niya ito. Tama naman siya. Sa madalas kong pamamalagi rito hindi maiiwasan na baka makita ko yon.

Nang makapag ayos na ako ay nagpaalam na ako kay Autumn at umalis na. Hindi na ako nagpahatid sa kaniya dahil may dala naman akong kotse.

NAISIP kong dumaan muna sa boutique ko. Matagal ko na rin tong hindi nabibisita dahil naghire naman ako ng manager dito. Tumawag rin ito sa akin kagabi na may nagpadala raw ng invitation at kinukuha akong model ng isang perfume. Matagal na rin nung huli akong rumampa.

Pagkadating ko sa boutique ay kitang kita ko ang pagsulyap ng mga empleyado sa akin. Lumapit sa akin ang manager nito.

"Ma'am welcome back po its been a long time since you visit us here. By the way, the invitation is there po in your office."

Ngumiti na lang ako sa kaniya at pumunta na sa totoong pakay ko sa pagpunta rito. Ayokong masayang ang oras ko. Marami pa akong kailangang pirmahan sa office.

"Sa Friday na pala to" sambit ko matapos makita sa invitation ang date ng pagrampa. I have three days para iprepare ang gown na susuotin ko"


UMUPO ako sa aking swivel chair at gumuhit ng gown na isusuot. Yes, i know how to design different gowns and dresses. Nagsketch lang ako ng simpleng gown. After kong magdrawing ay pumunta ako sa manager dito at iniabot ang design na gawa ko.

"I need that in the Friday morning" sabi ko sabay umalis at dumeretso na sa kumpanya.

PAGKADATING ko sa office ko ay napasandal ako sa upuan ko. Napagod ako sa dami ng pinirmahan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may unread message galing sa bruha kong bestfriend.

From: FheyPanget
Sis! I'm homeee!!! Let's meet later at your house. I'm so excited to see you!

So, nakauwi na pala ang loka from Japan.

ILANG oras pa ang hinintay ko bago napagpasyahan na umuwi. Wala naman kasing problema dito sa kumpanya. Naisipan ko rin na magleave bukas para makasama ang bestfriend ko. Miss na miss ko siya eh.

Ilang minutong byahe bago ako makarating sa bahay. Tinext ko muna si Autumn bago pumasok sa loob.

To: Babe
Got home! Kumusta ka? By the way, Fhey was in her way here. Yes, kakauwi niya lang from Japan! :))

Pagkabukas ko ng pintuan ay dumeretso na ako sa kusina. Magluluto ako ng carbonara para naman may makain kami ni Fhey. Pagkatapos kong ihanda ang ingredients ay tumunog ang cellphone ko. Maybe that's Autumn.

From: Babe
As usual nakakapagod. I-kumusta mo na lang ako kay Fhey. I'm busy right now. Overtime. Enjoy :))

From: Babe
I love you always :))

Kinilig naman ako sa message niya at napagpasyahan na tapusin na ang niluluto ko.

ISANG oras pa kong naghintay nang marinig ang doorbell kaya agad agad kong binuksan ang pinto.

"Summmmeeerrrr!!!!!"

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon