CHAPTER 17

2.3K 41 1
                                    

-CHAPTER 17-

SHAWN's POV

"So ikaw pala yung tinatawanan namin non na hinahabol ng aso" natatawang kwento nito. "Kaano-ano mo si Autumn ha?"

Simula nang masabi ko sa kaniya ang tungkol sa babaeng tinitignan ko sa malayo nung mga bata pa lamang kami na siya pala ay wala nang tigil ang pagtatanong niya. Masaya naman ako dahil tumigil na siya sa pag-iyak at ngayon ay tumatawa na. Alam kong panandalian lamang ito pero masaya pa rin ako na napapasaya ko lang kahit alam ko na mamayang gabi ay iiyak na naman siya. Ngayon ay nayaya ko naman siyang bumaba para magmeryenda pero ayaw na naman niya akong tigilan kakatanong. Hawak niya ko sa braso na tila ba parang batang humihingi ng lollipop.

"We're bestfriends. Bago ko magkakilala" sagot ko sa kaniya. "Pero nakalimutan na ata niya ko" dagdag ko pa.

"So.. pano kayo naging magbestfriend?" pahabol na tanong niya na naman. Kitang kita sa mga mata niya na inlove na inlove talaga siya kay Autumn dahil bawat detalye ng pagkatao nito eh gustong gusto niyang malaman.

"Baka magpaglihihan mo si Shawn niyan Sum" napatingin kami kay Fhey na may mapang-asar na ngiti. Hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa baba. Agad namang inalis ni Summer ang kamay sa braso ko at kita kong namula pa ang kaniyang mukha. Bumalik na naman ang awra niya sa kanina. Yung may mabigat at malalim na iniisip. Mukhang natauhan naman si Fhey sa nasabi niya kaya't iniba ang usapan.

"Tara meryenda tayo nandon si Tita sa kusina" pag iiba niya nang usapan. Sumunod naman kami ni Summer sa kaniya.

Pagkarating namin sa kusina ay saktong inaayos ni Tita ang mga sandwich kaya tumulong na rin kami. Bahagya pa akong napapasulyap kay Summer upang tignan kung okay lang siya. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya pero mukhang kumalma lang siya ngayon.

"You should go home after this Shawn. Para naman makapagpahinga ka" napatingin ako kay Mrs. Del Fuente pagkasabi nya non habang diretsong nakatingin sa akin.

"Hindi po. Okay lang po ako"

Ang totoo niyan ay ayaw kong umalis sa tabi ni Summer. Lalo pa ngayon na naging sobrang close namin after I told her my story.

"No. You need to rest and prepare your things. Alam ko naman na gusto mong sumama sa amin"

Nagningning ang mga mata ko sa sinabi ni Mrs. Del Fuente. Tila isa itong magandang balita. Ibigsabihin ay makakasama ko si Summer sa pagsstay niya sa Hong Kong. Nabanggit kasi sa akin ni Mr. Del Fuente na babalik rin sila dito sa Pilipinas after two weeks. Hindi daw kasi pwedeng iasa na lang sa mga empleyado ang kumpanya nila. Gusto pa rin daw nilang imonitize ito lalo na ngayon at hindi ito maasikaso ni Summer.

Napatingin ako kay Summer upang humingi sana ng permiso ngunit nakita ko lang na nakangiti siya sa akin. After that, nag-iwas na rin siya nang tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Okay po. I'll go home to pack my things and babalik rin po ako later tonight Mrs. Del Fuente" sabi ko kay Mrs. Del Fuente.

"You can call me Tita dahil wala naman tayo sa office" sabi niya pa.

"Okay po Tita"

"How about me Tita Samantha?" naka pout naman na tugon ni Fhey. Kanina pa siya tahimik at ngayon lang siya nagsalita.

"You can go home and pack your things too" masayang sabi ni Tita.

"Yehey!!" masayang sabi ni Fhey at niyakap pa si Summer.

After naming kumain ay umakyat na si Summer sa kwarto at nagpaalam naman ako na uuwi muna para ayusin ang mga bagay na dadalhin ko sa Hong Kong. Nagpaalam lang ako kay Tita at hindi na ako sumaglit sa kwarto ni Summer. Baka nagpapahinga eh. Ayoko siyang maistorbo.



FHEY's POV

"So ano naman tong nakita ko kanina na may pahawak hawak kapa sa braso ni Shawn?" taas kilay na tanong ko dito kay Summer. Hindi naman sa ayaw ko si Shawn para sa kaniya. Pero kasi masyado atang nagcracram tong bestfriend ko sa mga desisyong ginagawa kaya di niya naalala na kagagaling niya lang sa break up o di kaya ay nauntog ata ang ulo at nakalimutang buntis siya.

"Nagulat lang ako sa nalaman ko" paliwanag niya sa akin. Alam kong malungkot pa rin siya ngayon dahil bakas pa rin sa mga mata niya pero pinipili niya na lang na maging masaya.

"Ano bang nalaman mo?" Tanong ko naman sa kaniya.

"He's a childhood friend of Autumn. And he likes me that time I met Autumn when we were kids" explain niya. So... Si Shawn pala ay konektado kay Autumn.

Kinuwento niya pa sa akin ang ilang mga bagay na sinabi daw sa kaniya ni Shawn kanina. Masaya siya habang nagkwekwento pero hindi pa rin maalis ang lungkot sa mga mata niya.

"So.. kumusta kana?" Pag-iiba ko sa topic namin.

"Alam mo Fhey.. kapag sinabi ko sayong okay ako alam ko naman na hindi ka maniniwala" paninimula niya.

"Ang sakit ng dinanas ko. Sobrang durog na durog ako pero lumalaban ako para sa anak ko. Lumalaban ako para sa mga tanong naniniwala sa akin. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi nyo ako iniwan. Kasi kung mag-isa lang ako lalong hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero kahit ano pang sakit ang maramdaman ko at kahit anong kalimot pa ang gawin ko. Ang hirap eh. Ang hirap kapag hindi mo alam ang dahilan. Ang hirap kapag hindi kayo nagkausap ng maayos. Sobrang hirap na hirap ako ngayon. Tapos aalis pa tayo. Tinatakasan ko lang ang kasagutan sa lahat ng mga gumugulo sa isip ko"


Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. Sobrang nasasaktan ako para sa kaniya pero wala naman akong magawa. Alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari at mas nasasaktan naman kami para sa kaniya.

"Everything will be alright in time Sum. Siguro, ito ang way ni Lord sa ngayon para maging okay ka. He gave you a chance to start a new life with your family, with me, with Shawn and with your baby"

"Thank you Fhey."

Niyakap ko siya ng mahigpit. After ng pag-uusap namin ay nagkulitan pa kami. Nagtalo pa kami sa mga pwedeng ipangalan ng baby niya kapag girl or boy. Sinabi ko pa sa kaniya na ninang ako pero sinasabi niya na ayaw niya daw. Alam ko naman na niloloko niya ko.

Tinulungan ko rin siyang mag impake at hinintay na makatulog siya bago lumabas ng kwarto niya. Dumating na rin si Tito kaya nagpaalam rin ako sa kanila na uuwi muna ako para ayusin ang mga gamit ko.

Pagkasakay ko sa kotse ay naisip kong tawagan si Autumn. Galit ako sa kaniya pero gusto ko lang itanong ko sa kaniya ang lahat para maging malinaw sa akin. Kahit hindi na kay Summer.

"Hello" bungad niya sa akin. Napakalamig ng tono ng pananalita niya at nakapatipid.

"How's marriage life?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Look Fhey. If you're going to argue with me please. I don't have any time."

Wow. Sa lahat ng nagkasala eh eto pa ang pinakamayabang. Kung nandito lang siya sa harap ko eh baka nabugbog ko pa siya. Bwiset talaga tong lalaki na to.

"Wow ha. Napakagaling mo naman! After what you did to Summer yan ang sasabihin mo?!! You don't even bother to ask her if she's okay! You don't know what she's going through right now! Napakawala mong kwenta!" After kong sabihin yon ay pinatay ko na rin ang tawag. Baka kung ano pang masabi ko sa kaniya. Tama lang ang desisyon nila Tita at Tito na wag sabihin kay Autumn dahil wala siyang kwenta at hindi siya karapat-dapat maging ama.

Pinaharurot ko na ang kotse ko pagkatapos pakalmahin ang sarili.

----

AUTHOR'S NOTE!!

Hi guys! Sorry sa maikling POV ni Fhey. By the way, this is her first POV kaya iniklian ko lang talaga. Marami pa naman siyang POV sa mga susunod pang chapters kaya wag kayong mag-alala. Hihi. Hope you enjoy reading! Keepsafe everyone!

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon