CHAPTER 55

1.7K 27 3
                                    

FHEY'S POV

"Sige na hon. Saglit lang ako promise" malambing na sabi ko kay Shawn habang kausap siya sa telepono.

Mag-isa lang ako dito sa bahay at napagpasyahan kong maglibot libot naman sa mall. Aamagin na talaga ko dito eh.

Simula nung nabuntis ako at sakto ring pag uwi namin ni Shawn dito sa Pilipinas, pinigilan niya kong magtrabaho o lumabas manlang na hindi siya kasama.

"No. Uuwi na lang ako sasamahan kita." pirming sagot nito.

"No. Wag na. Kaya ko naman. Promise mag iingat naman ako."

Alam kong nag aalala siya sa maselan na pagbubuntis ko pero ayoko ring istorbohin siya sa trabaho. Uuwi pa siya para lang samahan ako kahit na alam ko namang marami siyang mga dapat tapusin sa opisina.

"Fhey.." maotoridad na tawag niya sa akin. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya sa kabilang linya. "Okay. Basta mag iingat ka"

Napangiti naman ako sa sagot niya.

"Thank youuuu" masiglang sabi ko sa kaniya at pinatay na ang tawag.

Kinuha ko ang bag ko sa kwarto at dumeretso na rin agad sa sasakyan ko. Wearing a loose dress dahil evident na rin ang pagbubuntis ko.

Pinaandar ko ang kotse ko at dumeretso na rin sa mall.

PAGDATING SA MALL ay naglibot libot lang ako. Nakakatamad rin pa lang mag gala mag-isa. Kung nandito lang si Summer malamang ay kami ang magkasama ngayon. I miss her so much. Sana ay masaya siya kung nasan man siya ngayon.

Pumunta ako sa watsons upang bumili ng mga beauty essentials na ginagamit ko. Kahit buntis ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko. At ayoko ring ipagpalit ni Shawn sa mas maganda. Sabi rin ng oby ko hindi naman daw makakasama sa baby ko if gumamit pa rin ako ng mga skin care ko pati ng mga make ups.

Bumili lang ako ng St. Ives na scrub at face masks kumuha na ko ng marami para may stock ako, nivea na toner, soothing gels pati set ng skin care na ginagamit ko.

Paglabas ko sa watsons naisip kong kumain dahil nagutom ako sa pag-iikot. Pumunta na lang ako sa isang fast food restaurant na paborito naming kainan ni Shawn kapag magmamall kami. Actually paborito rin namin dito ni Summer.

Umupo lang ako malapit sa glass wall para matanaw ko pa rin ang mga taong nagdadaan. Ewan ko ba pero I prefer watching people pass by. Nakikita ko kung sino ang mga nagmamadali, ang mga busy, mga magkadate and etc.

I ordered carbonara and garlic bread. While waiting for my order to come, nagvibrate ang phone ko from my bag kaya naman kinuha ko agad to and there I saw Shawn's face on the screen, calling.

Suddenly a wide smile was place on my lips. Hindi talaga siya mapakali kapag lumalabas akong mag-isa.

"Yes Hon?" bungad ko dito.

"Where exactly are you? Pupuntahan kita" sabi nito sa kabilang linya. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotse niya. Malamang ay pupunta nga siya dito.

Tinignan ko ang wristwatch ko and see na around 3pm na pala. Malamang nag early out to.

"Kumakain lang hon. Hintayin na kita gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Tutal hindi pa naman dumadating ang order ko, hintayin ko na lang siya para sabay kaming kumain.

"Okay hon pero saan nga?" Atat na naman na tanong nito.

"Sa paborito natin" I said

"Okay see you. I love you take care okay? I'll be there in few minutes" malambing na sabi niya and then he hang up.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon