CHAPTER 43

1.7K 35 1
                                    

SUMMER's POV

After I saw how pitty Autumn were, hindi ko alam kung pano niya ako napasama. Nandito kami ngayon sa sasakyan niya and I'm driving him home. Alam kong nakainom siya dahil paglapit ko pa lang kanina ay amoy na amoy ko na ang alak sa kaniya.

"I'm sorry.." I said to make the atmosphere a normal one. "I'm sorry sa ginawa ni Shawn.. Maybe.. he's tired." I said in a low voice habang nakatingin pa rin sa daan.

"Okay lang" tipid na sagot niya. Nakita ko ang pagharap niya sa akin. "Pwede bang sa bahay mo ko ihatid?"

Bahagya akong napapreno sa sinabi niya at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Humarap ako sa kaniya na may kunot na noo at nagtatanong na mga mata.


"Are you out of your mind Autumn?! For God's sake nandon si Raigne at ang anak nyo. I'm sure magkakagulo kapag nakita nila tayong magkasama"

Naguguluhan man ay pinilit kong sabihin yon sa pinaka kalmadong paraan. Kahit naman mahal ko si Autumn ay hindi pa naman ako ganon katanga para ipagkalandakan na lang ang pagiging kabit ko? Kabit na nga ba ang maitatawag sa akin? Basta. Ayokong ipagkalandakan ang anumang relasyon na meron kami. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganon.

Naramdaman kong hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Mabigat na ang talukap ng mga mata niya kaya alam kong inaantok na rin siya dahil sa kalasingan. Dagdag mo pa ang mga pasa niya sa mukha dulot ng suntok ni Shawn.


"Please Summer.. ayoko sa condo.. mag-isa lang ako don. I want to see baby Cauline. Simula nang iwan mo ko, siya na lang ang dahilan kung bat nabubuhay pa ko ngayon.."


I immediately start the engine of the car and go straight to their house. Bahala na. Kapag si Autumn ang nakikiusap sa akin, parang wala akong ibang dahilan para tumanggi.

I love him so much.


Sa nangyari ngayon, mas napatunayan ko lang na nandito pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya. That I still love him no matter what he did to me in the past.

Minutes later ay nakarating na rin kami sa bahay na tinutuluyan ni Raigne at Autumn. Pagpasok namin sa loob ay tahimik na. Baka nagpapahinga na ang mga katulong at si Raigne.

"Come here Summer.. I will introduce you to Cauline." Hinila ni Autumn ang kamay ko at nagpadala naman ako. Sa paghawak niya pa lang sa kamay ko ay nararamdaman ko na ang pagdaloy ng bulta-bultaheng kuryente sa katawan ko.

Pumasok kami sa isang kwarto na may nakadikit na baby stickers sa pinto. Maybe this is the room of his baby.

Pagpasok sa loob ay makikita mo ang napakaraming display na laruan. May isang mini bed sa right side na may small bed side table at may lamp na Cinderella pa ang design. Habang ang pink crib naman ay nasa left side. Ang ganda. Napansin ko rin ang disney princess na wallpaper ng kwarto. May mga stuff toys din na nakalagay sa lapag na puzzle foam. Namangha ako dahil napakaganda ng disenyo ng kwarto. Pambabaeng pambabae.


Hinila ako ni Autumn papunta sa crib. And there I saw his child. She's peacefully sleeping. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.


Now that I'm seeing his child, parang ipinapamukha sa akin ng reyalidad na mali ang relasyon namin ni Autumn. Na maling ipagpatuloy pa ang nararamdaman ko.

Namiss ko bigla ang anak ko. Kung lumaki lang sana siya edi sana kasama ko na siya ngayon. Pero hindi eh. Hindi ko manlang nasilayan ang mukha niya.


Naramdaman ko ang paghawak ni Autumn sa bewang ko.

"She's so cute right?" Tanong niya sa akin habang diretso pa ring nakatingin sa bata.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon