CHAPTER 35

1.8K 32 0
                                    

SUMMER's POV

Hindi ako tanga Autumn para mauto mo. Alam kong medyo may hinala na siya sa ginagawa ko kaya mas minabuti kong wag lagyan ng kahit anong sleeping pill or drug ang wine namin. At tama nga ako, I saw him. I saw how he exchange our wine glass. Kung akala mo Autumn ako pa rin ang dating Summer na nakilala mo, no way.

Habang kumakain kami ngayon ay nakikita ko ang madalas niyang pagsulyap sa akin. Hinihintay niya bang tumalab sa akin ang sleeping pill? Pwes asa siya. Matuyo sana ang mga mata niya sa kakahintay.

"Why are you staring at me?" taas kilay na tanong ko sa kaniya.

"H-ha? Wala.. wala.." may pagkadismaya na sagot niya.

Akala niya siguro ay matitikman niya ako ngayon pero nagkakamali siya. Ayokong magpadala sa nararamdaman ko. Lahat ng ito palabas lang at hindi pwedeng masira ang plano ko dahil lang sa mga guts niya. Mabuti na lang at nahalata ko kaagad ang naiisip niya.

"By the way, I won't sleep here tonight. Kailangan kong umuwi."

Syempre hindi ako uuwi pero dederetso ako sa bahay ni Shawn. I want to talk to him. Kahit naman anong mangyari ay boyfriend ko pa ren siya at may pakealam pa rin ako sa nararamdaman niya. Hindi ko pwedeng isawalang bahala yon.

Natutuwa nga ako recently sa improvement ng feelings ko kay Shawn. I found myself caring for him more. I don't know what should I call it pero masaya ako dahil kahit papano ay may improvement. Madalas ko man siyang nadidismaya, I know in myself na nag eeffort pa rin ako.

Bumakas naman ang lungkot sa mukha ni Autumn.

"Maybe you should go home too. Baka namimiss kana ng anak mo at ng asawa mo" diretsang sabi ko sa kaniya.

"But.."

"No buts please. Ngayon lang naman babe eh. We can share more nights together. Marami pang araw"

Natatawa ko dahil halatang nadadala siya sa mga pinagsasasabi ko. Kawawang Autumn. Kawawang Raigne.

"Okay. Let's finish eating"

Tinapos lang namin ang dinner at napagpasyahan ko na rin na umalis. Nakakainis siya. Ayoko siyang makita. Ewan ko ba kung pano ako nakatiis sa kaniya. Kung hindi naman dahil sa plano ko ay ayoko nang makita siya kahit kelan. Well. Bukas na rin ang pasabog ng lahat. I'm planning to invite Raigne tomorrow. At Autumn's condo. Siguro naman sapat na ang ilang linggo para maghinala siya. And for the grand prize, she must feel how painful it is to caught your love ones making love with other woman.

Minadali ko ang pagmamaneho para makarating agad sa bahay ni Shawn. And when I finally get here agad akong bumaba sa kotse ko at nag doorbell. Hindi pa naman siguro siya tulog dahil bukas pa ang ilaw sa kwarto niya.

"What brings you here?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"To celebrate!" masayang sagot ko at itinaas pa ang dalawang can ng beer na nasa supot at mga pagkain na hawak ko.

Without any words, nilakihan niya ang bukas ng pintuan and let me go inside. Pinaupo niya ako sa sofa bed sa salas at inihanda niya ang mga dala ko. Inayos niya rin ang tv para makapanood kami ng movie. And here it goes, simple yet romantic movie date. Gabi na nga lang.

Sa kalagitnaan ng katahimikan ay ako na ang unang nagsalita.

"Sorry Shawn.."

"It is not the right time para magsorry Summer"

"Yes I know but I just wanted you to know na.. I'm very sorry for what I've done this past few weeks.."

Sobrang naguiguilty talaga ko na ilang beses ko siyang hindi nasipot sa mga usapan namin. Ilang beses ko rin siyang napag-alala.

"You don't need to apologize. Maybe you're just that too busy. Naiintindihan ko naman." sabi sa akin ni Shawn sabay hawak sa kamay ko. We intertwined our hands pero eto ako at hindi komportable.

"Shawn--" I was about to say an apology message again when he move and face me.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Summer... I want to thank you for staying with me. For saying that you are always there for me. Maybe sometimes, you don't meet my expectations. Oo minsan nasasaktan ako sa ginagawa mo because I felt like you don't care at all. But Sum.. I just want you to know that I'm falling deeper and deeper in love with you. Na kahit sa mga pagkakamali mo, nakikita ko pa rin that you are so pure. Alam kong marami ka lang pinagdadaanan ngayon and I want you to know that.. please.. stay with me no matter what.. no matter what you are going through"

Bakas na bakas ang sinseridad sa kaniyang mukha habang sinasabi niya yon. Tinititigan ko lang siya hanggang sa hawakan niya ang pisngi ko while his other hand pulled my waist para mapalapit ako sa kaniya ng husto.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin.

"I love you Summer." he said.

Palapit pa rin ng palapit ang mukha niya sa akin. Until our noses meet. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyayari. Nararamdaman ko ang pagtulo ng butil butil kong pawis kahit malamig ang simoy ng hangin.

When he was about to kiss my lips, I slowly avoid it. Bahagya kong iniwas ang mukha ko dahilan para hindi niya ako mahalikan at tumama ang labi niya sa pisngi ko. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

Agad akong umayos ng upo at di mapakali. Kinuha ko ang bag ko at tumayo.

"I-I'm sorry..." I said and leave him.

Minabuti ko na lang umalis dahil wala akong mukhang maiharap sa kaniya. I'm sorry Shawn for making you feel like that. I'm sorry Shawn dahil hanggang ngayon ay confused pa rin ako sa nararamdaman ko sayo. Narinig kong nag ring ang cellphone ko at nakitang tinatawagan ako ni Shawn but I refused to answer it. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Umuwi ako sa bahay ko at dire diretsong pumunta sa kusina para uminom. Habang inistraight ko ang laman ng bote ng alak ko ay siya namang sakit na dulot nito sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano bang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. I let Shawn entered my life but then building fences for myself. I let Autumn be part of my life again but then confusing my feelings for Shawn and for him.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. May part ng utak ko na sinasabing tama lang ang ginagawa ko pero may part rin na nagsasabing tama na. Gusto kong takasan ang lahat ng nangyayari ngayon pero naiisip ko rin na hindi masosolve non ang problema.

Dapat ko na bang itigil ang plano ko kay Autumn and start over again with Shawn? At ano na nga ba ang nararamdaman ko kay Autumn? Pagpapanggap na lang ba yon o totoo nang may nararamdaman pa rin ako sa kaniya? Dapat ko na bang itigil ang relasyon namin ni Shawn?

I don't know.

Inistraight ko ang alak na nasa baso ko. Bukas. Bukas na ang dulo ng plano ko and after this, magsisimula ulet ako. Hindi ko pa nga lang alam kung saan at paano but what I'm sure right now is to finish my business with Autumn.

Ngayong gabi, mas mabuting lunurin ko muna ang sarili sa alak para saglit na makalimot.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon