CHAPTER 5

3K 41 0
                                    

-CHAPTER 5-

SHAWN's POV

LINGGO ngayon at naimbitahan ako ni Mr. Del Fuente na pumunta sa kanila for a lunch. Sinabi niya na uuwi daw si Summer sa kanila kung kaya't hindi ko na rin pinalagpas ang pagkakataon.

Nagsuot lang ako ng isang black polo shirt at pants. Nag sneakers na lang ako at nilagyan ng wax ang buhok ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin at kumindat pa bago umalis.


NANDITO na ako sa mansyon ng mga Del Fuente. Oo mansyon. Dahil ang laki ng bahay nila na akala mo dito nila pinapatuloy ang mga empleyado nila. Bumaba ako sa kotse ko at papasok na sana sa loob ng makita si Summer. May kausap ata siya sa cellphone. Hindi naman masamang makinig sa usapan ng may usapan kaya nakinig ako.

"Okay babe" narinig kong sabi niya sa kausap. Sa tingin ko ay kausap na naman niya ang boyfriend niya. Babe pala ang tawagan nila. Ang baduy naman.

"Hindi ko rin naman sila masisisi dahil matagal ko na silang hindi nakita"

Pagkasabi nya non ay humarap siya sa direksyon ko dahilan upang magtama ang mga paningin namin. Nakita kong nagulat siya.

"Sige babe mamaya na lang. Ingat ka dyan ha. I-kumusta mo na lang ako kay Tito. I love you babe."

Pagkatapos niyang sabihin yon ay humarap siya sa akin na may nanlilisik na mata.

"What are you doing here Mr. Santiago?!" May diin na tanong niya.

Natawa naman ako sa inasal niya. Ang cute niya talaga.

"Inimbitahan ako ni Mr. Del Fuente for a lunch and hindi ko naisip non na ikaw pala ang anak niya na ipapakilala sa akin."

Lalong nanlisik ang mga mata niya at lumapit sa akin. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin dahilan para mapaatras ako ng bahagya.

"A-anong ginagawa mo Ms. Del Fuente?" Nauutal na sabi ko pero hindi ko ipinahalata dahil baka akalain nyang malaki ang epekto sa akin ng ginagawa niya. Hinahamon talaga ko ng babae na to. Inilapit ko rin ang mukha ko sa kaniya na tila nakikipagpaligsahan.

"E-hem"

Sabay kaming napalingon kay Mr. Del Fuente na kasama si Mrs. Del Fuente ngayon. Binigyan nila kami ng mapang-asar na tingin. Mabilis kaming naghiwalay ni Summer at nahihiya akong bumati kay Mr. Del Fuente.

"Good Afternoon Sir" bati ko dito. "Good Afternoon Ma'am" bumeso naman ako kay Mrs. Del Fuente.

"Nako Tita na lang ang itawag mo sa akin. Nagmumukha naman akong matanda sa Ma'am" natatawang sabi ni Mrs. Del Fuente. Kamukhang kamukha niya si Summer. Napakaganda niya.

"Okay po Tita."

Nakita ko naman ang pagngisi ni Summer sa sinabi ko.

"Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob dahil nakahanda na ang pananghalian" yaya ni Mr. Del Fuente.

Sumunod naman kami ni Summer sa mag-asawa. Pagpasok pa lang sa loob ay kitang kita mo na ang kalakihan ng mansyon. Malinis na malinis ito na tila ba wala kang alikabok na makikita. Naglalakihan ang mga picture frame na nakasabit sa wall. Napukaw ang atensyon ko sa litrato ng pamilya na nakasabit. Ito ang pinakamalaki sa lahat. Bitbit si Mr. Del Fuente si Summer sa balikat habang katabi nito ang asawa. Larawan ng perpektong pamilya. Bata pa lamang si Summer sa larawan pero ang ganda na niya at ang cute niya dahil may subo subo pa siyang tsokolate.

"Tititigan mo na lang ba ang picture ko Mr. Santiago?" Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Summer

"Ayaw mo yon. I am being mesmerize by your beauty." Sabay kindat na sabi ko sa kaniya. Iniwan ko siyang tulala roon at tinungo ang dining room. Napatawa pa ako ng mahina dahil sa kacute-tan ni Summer.

Kumakain na kami ngayon. Panay naman ang tanong ni Mrs. Del Fuente kung mayroon na daw ba akong girlfriend.

"Wala po talaga. May hinihintay po kasi ako" napasulyap naman ako dito sa katabi ko pagkasabi non. Tila hindi ito komportable sa pinag uusapan. Marahil ay nararamdaman nito na itinutulak ako ng kaniyang magulang sa kaniya. At ayoko ng ganon. Kung magiging kami man sa hinaharap ay gusto kong mahal niya talaga ako hindi yung gusto lang ako ng magulang niya.

"Mom stop that non sense. Nahihiya ang bisita" sambit ni Summer

"No. it's all fine." mabilis na sabi ko.

TINAPOS na namin ang pagkain at naisipan ni Mr. Del Fuente na ipasama ako kay Summer sa painting room niya. Nakita kong napakagaling niya palang magpinta. Kadalasan dito ay mga damit. Dahil siguro model siya at may botique siya.

"How to be you Summer?" Nangingiting tanong ko sa kaniya. Hinarap naman niya ako at binigyan ng what-do-you-mean look.

"I mean, model ka at may boutique ka at ikaw pa ang namamahala sa isa sa pinakamayamang kumpanya sa buong mundo. Pano mo napagsasabay ang mga iyon?"

Napangiti siya dahil sa tanong ko. Totoo naman. Sa edad niyang iyan ay wala na siyang dapat pang hilingin. Lahat ay nasa kanya na. Kahit ata umupo lang sya maghapon sa bahay ay kikita pa rin siya ng limpak limpak na pera.

"Kung makapagtanong ka dyan parang di naman tayo pareho" sagot niya.

Totoo rin naman. Pero syempre babae siya. At karamihan sa mga babaeng businesswoman ay matagal ang pag asenso. Hindi kasi sila marunong humawak ng business. Tanging si Summer lang ang businesswoman na pinagkatiwalaan ko.

"Yung totoo kasi" pangungulit ko dito.

"Feeling close ka ha" sabi niya sa akin na may mapang-asar na tingin.

Sa lahat ng nang aasar ito ang pinakagusto ko. Natutuwa pa ako sa tuwing inaasar niya ako.

"Do you want me na bawiin ang kontrata kapag nainis ako Ms. Del Fuente?" pambawi ko sa kaniya.

Halata naman na nangamba siya dahil gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya.

"If you are inspired by someone else, hindi mo namamalayan na nagagawa mo na ang lahat ng bagay na akala mo hindi mo kayang gawin" diretsong sabi niya sa akin.

Ganon na ba siya kainlove sa boyfriend niya at nasasabi niya ang mga bagay na to. May pagkacorny rin pala si Summer.

"Can I know who's that lucky inspiration of yours?" Tanong ko sa kaniya. Kahit na kilala ko na eh gusto ko pa ring malaman kung sino ba ang tinutukoy niya. Sabagay hindi ko pa naman alam ang pangalan niya.

"Autumn" walang pag aalinlangang sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya na dahil ng pagkatulala ko.

"Do you mean Autumn Sandoval?"

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon