CHAPTER 62

1.6K 25 5
                                    

Paglabas nila Fhey ay siya namang pagpasok ng Doctor.

"She's now fine. This are her meds na kailangan niyang inumin para mabawasan ang pananakit ng ulo niya. As what I've always saying, wag niyang pilitin ang sarili niyang makaalala. For now, let her rest." bilin ng Doctor.

Pinapanood ko lang sila Mom and Dad na kausapin si Dr. Cruz.

Aalis na sana ang Doctor ng biglang tawagin ito ni Mommy.

"Doc I have a question" habol nito.

Tumingin ito sa akin bago bumuntong hininga.

"I'll visit your office later." Pagbabago nito sa usapan.

Walang nagsasalita sa amin ngayon. Ni hindi ko sila matitigan. Nagagalit ako sa kanila. Niloko nila ko. Pinaniwala nila ako sa kasinungalingan.

"I'm sorry Summer" humihikbing sabi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko.

Bahagya akong tumalikod para hindi siya makita. Ayoko talaga silang makausap ngayon. Ipinikit ko ang mata ko para sana dalawin ng antok ngunit narinig ko lang ang hikbi ni Mommy.

"Sorry Summer.. Please talk to us.. Hindi namin ginustong itago sayo"

Napintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ginusto? Eh ano palang ginawa nila? Nangyari na lang basta? Na isang araw gumising na lang kami na hindi na nila sinabi sa akin ang totoo. Na binuhay nila ako sa katauhan ng iba?

Iminulat ko ang mga mata ko at umupo ako upang ilabas sa kanila ang lahat ng galit na nararamdaman ko.

"You are both unfair to me!" baling ko kila Mom and Dad. Nakatingin lang sila sa akin. Mom is still crying. "You're always saying na hindi nyo ginustong magsinungaling sa akin. You're always saying your sorry's kahit hindi naman bukal sa loob nyo! Mom.. Dad... I'm old enough pero hanggang ngayon hindi nyo pa rin ako hinahayaang magdecide para sa sarili ko. You're always controlling my life!" sigaw ko sa kanila atsaka pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napahawak na naman ako sa ulo ko nang magsimula itong kumirot.

"Are you okay Sum??"

Lumapit sa gawi ko ang nag-aalalang si Mommy. While Daddy is still in his place. Pusong bato talaga siya. Ni wala siyang pakealam sa akin.

"Please leave" pirming sabi ko sa kanila.

"Sum no I will stay here kailangan mo kami." pagpipilit naman ni Mommy.

"Please leave Mom.. Dad.. please"

"Hon come on let's go"

Hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy at hinila palabas ng pinto.

I really hate them. I really hate them for lying to me and for hiding the truth.

Pinilit ko ang mga mata ko para saglit na makapagpahinga at makalimot sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

PAGKAGISING ko, nakita ko si Fhey sa tabi ko. Shawn is missing. Wala na rin ang stranger na tinawag akong babe kanina.

"How are you now?" tanong nito sa akin.

Binigyan ko siya ng malawak na ngiti habang inaabot niya sa akin ang binalatan niyang orange kanina.

"Okay na. Sila Mommy?" tanong ko dito.

Kahit naman galit ako sa kanila, they are still my parents, nag-aalala pa rin ako sa kanila.

"Umuwi muna si Tita habang si Tito papasok daw sa opisina. Don't worry binilin nila sa akin na ako muna magbantay sayo." masayang tugon nito at umupo sa kama na hinihigaan ko.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon