CHAPTER 18

2.2K 46 0
                                    

-CHAPTER 18-


SUMMER's POV

"Come on Summer last one na lang" busangot akong bumalik sa pwesto ni Fhey na gusto na namang magpicture.

We are on the fifth month staying here on Hong Kong. Malaki na rin ang tiyan ko kaya ilag na ako sa pagpipicture. Tumaba kasi ako.

"Busangot na naman ang mukha mo" bungad naman sa akin ni Shawn.

Last week ay umuwi sila Mom and Dad sa Pilipinas and itong dalawa na to ang naging kasama ko sa araw araw. Every other day, sinasamahan nila akong maglakad lakad because the Doctor said it is good for the baby. At ngayon ay panay naman ang kuha ng litrato sa akin ng makulit kong bestfriend.

"Don't worry Sum because you're the most beautiful girl even if you have a big bump" nakangising pang dagdag niya.

"Stop Mr. Santiago or else sasabihin ko kila Mommy na iuwi kana" pang-aasar ko sa kaniya na ikinatawa niya naman ng malakas.

Sa limang buwan namin dito ay wala kaming naging problema. Everything went well and unti unti na kong nakakamove on sa mga hindi magandang nangyari sa akin. I'm very thankful that Shawn and Fhey was beside me. They care for me a lot. Sila ang sumasama sa akin tuwing may check up ako. They always give me milk before going to bed. And they don't let me do any household chores. Sobrang inaalagaan nila ako kaya sobrang thankful talaga ako na nandito sila.

"Tara bili nalang tayong chicken" yaya sa akin ni Shawn. He knew it! Alam na alam niya ang kiliti ko. Sa chicken at ice cream kasi ako naglilihi kaya iniispoiled niya ako doon. Hinila niya ako ng bahagya at inakbayan habang naglalakad papunta sa isang fastfood chain na paborito naming bilhan ng chicken.

"Hoy hintayin nyo naman ako!" Sigaw ni Fhey na sabay na nagpatawa sa amin ni Shawn.

Pagkabili namin ng chicken ay umuwi na rin kami. Madilim na rin kasi sa labas. Pagdating namin sa bahay ay sabay sabay kaming kumain. Syempre di rin naman mawawala ang kulitan at ang bungangaan nitong dalawa na laging ikinatatawa ko. Masaya ako dahil kahit kelan hindi ko naisip o naramdaman na may kulang sa akin kahit pa wala si Autumn. Napupunan ng dalawang to ang lahat ng pagmamahal at aruga na kailangan ko. Ganon din sila Mom and Dad. Maya maya pa ay natapos na rin kaming kumain.

"Summer, you should rest now. Tomorrow, you will be having an ultrasound and tomorrow is the day na malalaman mo ang gender ni baby." Excited na sabi sa akin ni Shawn. So bukas ko na pala malalaman ang gender ng baby ko. Napahimas ako sa tiyan ko. Excited na ko. Gusto ko na ring unti-unting mamili ng mga gamit ni baby.

"Yieee excited na ko sis. Sana girl ang baby mo. Iispoiled ko siya sa mga dresses and head band. Yieee"

Mukhang mas excited pa sa akin itong si Fhey. Shes always saying na iispoiled niya ang anak ko sa mga bagay bagay at tinakot pa ko na itatakas niya daw ang anak ko kapag hindi ko ipinahiram sa kaniya. Natutuwa naman ako dahil super excited siya na katulad ko at alam kong maaasahan ko rin siya pagdating sa anak ko.

"And.. if this is boy.. I will spoiled him with toy cars and robots!" pakikipagtalo naman ni Shawn.

Hindi talaga sila nagpapatalo sa isa't-isa.

"Osige na papasok na ko sa kwarto at magpapahinga" paalam ko sa kanila.

"Hatid na kita" sabi naman ni Shawn.

Sanay na ko sa ganito. Sanay na kong sinasamahan niya sa kwarto. Minsan nga ay don na siya nakakatulog sa sofa sa tabi ng kama ko dahil hindi siya umaalis hanggat hindi ako nakakatulog. I will be forever grateful for having him beside me especially in times like I need someone the most.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon