CHAPTER 14

2.2K 40 3
                                    

-CHAPTER 14-

SUMMER's POV

NANDITO ako ngayon sa cr at kanina pa tinitignan ang PT na hawak ko. Kinakabahan ako. Hindi dahil sa takot akong mabuntis kundi dahil iniisip ko ang reaksiyon ni Autumn kung sakali man na buntis nga ako. Iniisip ko rin ang mga pagbabago na mangyayari sa buhay ko at sa buhay namin kung magiging magulang na kami.

Humugot muna ako nang malalim na hininga. Eto na, gagawin ko na.

Hindi ako mapakali dito sa labas ng cr. Iniwan ko ang PT sa loob habang hinihintay ang resulta. Iniisip ko kung tatawagan ko ba si Autumn pero may parte rin sa akin na sorpresahin na lang siya kung buntis nga ako.

Ilang minuto lang ay dali dali akong pumunta sa cr at tinignan ang PT.

Agad akong sumakay sa kotse at tinungo ang daan papunta sa condo ni Autumn. Gabi na rin kaya malamang ay nakauwi na iyon. Dala ang PT ko na may two lines ay balak ko siyang sorpresahin. Pinaharurot ko nang mabilis ang kotse ko ngunit may pag-iingat. Hinimas ko ang tiyan ko.

"Baby chill ka lang dyan dahil sosorpresahin natin si daddy mo" sabi ko pa dito.

Nang makarating ako sa condo ni Autumn ay walang paglagyan ang mga ngiti sa labi ko, binati ko pa ang guard sa lobby at masayang sumakay sa elevator. Biglang naman akong nakaramdam ng kaba. Although wala naman akong dapat ikabahala dahil matagal na rin naming napag-uusapan ang tungkol sa pagbuo ng pamilya. Habang naglalakad ako sa hallway ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Para hindi kabahan ay inisip ko na lang na baka dala lang ng excitement ang nararamdaman ko.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng unit ni Autumn ay huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob. Nakalock ang pinto. Kinuha ko ang spare key sa aking bag. Meron akong duplicate ng susi nito dahil pinahintulutan ako ni Autumn na pumunta dito sa ano mang oras na naisin ko. Nagtaka nga ako kung bakit naka ilang doorbell ako sa labas ay hindi niya binubuksan ang pinto. Dali dali kong inilagay ang susi at binuksan ang pinto.

Nakita kong walang tao sa salas. Tahimik ang paligid at wala si Autumn. Nakita ko ang bag niya sa sofa kaya malamang ay nasa kwarto na siya at nagpapahinga. Dumiretso na ako sa kwarto ni Autumn at nagulat ng makitang bukas ito. Sa pagkakaalam ko at lagi niya itong isinasara sa tuwing nagpapahinga siya dahil ayaw niyang maiistorbo. May narinig akong kung anong ingay sa loob. Marahan kong itinulak ang pinto at tila nanigas ang katawan ko sa nakita. Si Autumn. May babae. Nakahubad sila.

Tila hindi rumerehistro sa utak ko ang nakikita ko ngayon. Hindi ako makagalaw. Tulala lang ako at wala akong lakas para sugurin sila. Naramdaman ko ang pagtulo nang mainit na likido sa mata ko na tila ba nag uunahan sila sa pagtulo.

Nakita kong napagawi sila sa direksyon ko at nagmamadali silang nagbihis. Unti unti kong nararamdaman ang pagkadurog ng puso ko. Bakit Autumn?

Nang makabawi ako ay agad agad kong sinugod ang babae habang nagbibihis pa lang siya.

"Walang hiya ka! Who the fuck are you hah? Hindi mo ba alam na may girlfriend tong kinakalantaryo mo hah! SUMAGOT KANG BABAE KA DAHIL HINDI TALAGA AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KO NAKAKALBO TONG BUHOK MO!!"

Binulyawan ko siya habang hila hila ang buhok niya. Umiiyak lang siya ngayon at hindi siya lumalaban.

"BAKIT AYAW MO KONG LABANAN HA! SUMAGOT KA!"

Naramdaman ko ang paghila at pag-awat sa akin ni Autumn dahilan para mapukaw ang atensyon ko sa kaniya. Sinampal ko siya.

Wala akong pakealam. Alam kong hindi ako ganito. Hindi ko ugaling sumugod na lang basta basta sa mga babaeng umaaligid dito sa boyfriend ko pero ubos na ubos na ko! Pinalampas ko ang lahat ng mga pictures niya kasama ang--

Tignan ko ang itsura ang babae mula ulo hanggang paa at malamang ay siya ang nasa picture na sinend sa akin.

Pinalampas ko ang lahat. Kahit pa maraming sumisira sa amin ay hindi ko pinansin dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya.

"BITIWAN MO KO!" sigaw ko kay Autumn at sinabunutan na naman ang babae. This time ay nakapatong na ko sa ibabaw niya. Hindi siya gumaganti sa lahat ng sampal at sabunot na ibinibigay ko sa kaniya.

"NAPAKAWALANG-HIYA MO. ARE YOU EDUCATED NA BAWAL MAKIPAGRELASYON SA MGA MAY GIRLFRIEND NA? ALAM MO BANG TAWAG SAYO? HAH? KABIT KA!! YOU ARE A FUCKING MISTRESS!!"

Sinigawan ko siya at idiniin pa lalo ang pagsabunot sa kaniya. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang durog na durog ako ngayon dahil wala akong maramdaman kundi galit.

"I-i'm n-not a mistress Summer. I'm h-his... his wifee" this girl said while sobbing. Wow. Ang kapal naman ng mukha talaga nito. May gana pang gumawa ng kwento. Hinila ko pa lalo ang buhok niya hanggang sa mapatayo.

"WOW! ANG KAPAL MO PARA GUMAWA PA NANG KWENTO. GANIYAN BA TALAGA ANG MGA KABET HA?! MAKING STORIES WHEN BEING CAUGHT HUH?!!" Sigaw ko sa kaniya.

"She's not making stories Sum. She is.. she is my wife.."

Tila nagulat ako nang magsalita si Autumn. Agad kong nabitawan ang buhok ng babae at diretsong tumingin kay Autumn. Lalong nag unahan sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata ko.

"W-what do you mean?"

Sobrang sakit na ang nararamdaman na ko. Halo halong emosyon na ang makikita ngayon sa mga mata ko. Gusto kong umiyak pero mas nagagalit ako at lalo na ngayon dahil nagtataka na ko sa mga pinagsasasabi nila.

"I'm sorry Summer. I'm really sorry babe. I didn't mean to hurt you" sabi niya habang umiiyak at nakaluhod aa harap ko. Kasalukuyan niyang hawak ang mga kamay ko at kitang kita ko ang paghikbi niya na lalong nagpaiyak sa akin.

"The day I went to US for a business trip is the day we got married" dagdag niya pa.

Tuluyan na kong nawala sa katinuan at binawi ako mga kamay ko sa kaniya. Without a words I left them. Tumungo ako sa kotse ko habang walang tigil pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Pinaandar ko ang kotse ko nang sobrang bilis. Puro paghikbi ko lang ang maririnig.

Bakit Autumn? Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Wala akong ibang ginawa kundi pasayahin ka. I understand your part. Lahat nanf sayo iniintindi ko pero ang hindi ko maintindihan eh ang pagpapakasal mo sa iba habang ako, all this time mababaliw na kakaisip kung kelan kaba magpropropose sa akin. Pinaharurot ko pa ang sasakyan ko. Wala akong ibang pakealam ngayon kung mabilis man ang takbo ko. Ang gusto ko lang ay makarating agad sa bahay at magmukmok.

Sa sobrang pag iyak ay di ko na namalayan ang panlalabo nang mata ko. At hindi ko na nakita ang isang sasakyan na tatawid mula sa kanan ko. Inapakan ko ang brake pero huli na ang lahat. Nabangga na ang sasakyan ko sa sasakyan na nasa harap ko. Napasubsob pa ko sa manibela sa sobrang preno. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa ulo ko kaya't napahawak ako sa tiyan ko. Ang totoong pakay ko sa pagpunta kay Autumn. Tila lalong nadurog ang puso ko ng makita ang dugo.

"B-baby"

My last word before it all went black.




-----


AUTHOR'S NOTE!!

Omyghaad nalaman na ni Summer na kasal na si Autumn kay Raigne. Anyways, ang eksena po na yan ay yung nasa prologue. Ginawa ko lang POV ni Summer para damang-dama. Sorry po kung medyo lame ang eksena pero promise habang sinusulat ko yan eh nasasaktan din ako para kay Summer. Enjoy reading and don't forget to vote! Loveyou guys.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon