CHAPTER 59

1.5K 27 1
                                    

"We were going to start the production next week."

Nagpalakpakan ang lahat ng mga kasama sa meeting pero nasa lalaki pa rin sa harapan ko ang atensyon ko.

Narinig kong tinawag siya ni Daddy na Mr. Santiago. Napakagwapong pangalan. Kasing gwapo niya. Tiyak akong namumula na ang mukha ko ngayon sa isipin na kinausap niya ako kanina.

Nabasa ko siya sa mga papel na inaral ko nitong nakaraan. Isa sa may pinakamalaking share sa kumpanya. Nakakatuwa na ngayong alam kong siya pala si Mr. Santiago ay mukhang gaganahan akong pumasok araw araw.

"What do you think Shine?"

Napaigtad ako ng tawagin ako ni Daddy.

"A-ahh.." nabubulol na sagot ko. Napansin kong nakatingin lahat sa gawi namin pati ang nagpresent ng plan at ang mga stockholders na nandito

"What do you think about the Shine-ning?"

Narinig ko kanina na Shine-ning ang itatawag nila sa bagong item ng kumpanya namin. First time lang daw nitong maglalabas ng jewelry set. Kadalasan kasi mga classy na bag at shoes ang pinoproduce nila pero ngayon, naisipan nilang baguhin ang mindset ng tao sa paglalabas ng alahas. At tugma rin daw sa pangalan ko.

"Ahh its nice naman po. But I suggest it is better kung simple lang ang idesign sa ring, earings and necklace. Okay naman ang bracelet pero dahil nga may touch of diamond ito, mas mabuting ipartner na rin dito ang ring, earings and necklace."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa screen. Inabot naman sa akin ang laser light.

"Kung mapapansin natin, parang walang unification ang buong set kung titignan. Masyadong nakakaagaw pansin ang bracelet at naiiwan ang mga kasama pa sa set. Para sa akin, mas maganda kung lagyan natin ng maliit na bato ng diamond itong singsing at ganon din ang earings. Lagyan rin natin ng pendant na diamond ang necklace ng sa ganon ay magkaroon ng unity ang Shine-ning." mahabang paliwanag ko.

Nakita kong nagtanguan ang mga tao sa loob ng Audio-Visual Room. Nagkaroon rin ng bulong-bulungan na dahilan kung bakit kinakabahan ako ng sobra. Wala naman akong maling nasabi di ba?

"That's nice."

Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Daddy at tumayo mula sa upuan niya papunta dito sa unahan.

"To all the production staff, revise the plan then send it to me tomorrow. Pagkatapos kong reviewhin yon, pwede na nating simulan ang production at isell ang bagong product next next month. We have two months to finish the production" Sabi niya sa lahat.

"I think it is the end of the meeting. Thank you for coming and back to work." dugtong nito.

Bumaling ito sa akin at binigyan ako ng malawak na ngiti.

"Congrats" sabi nito
Nginitian ko naman siya bago siya umalis.

Nagsitayuan naman ang mga dumalo ng meeting at umalis sa kwarto dala dala ang kani-kanilang pen and papers.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko at inayos na rin ang mga gamit na dinala ko rito na nakalagay naman ng maayos sa isang folder.

"You're nice. Katulad na katulad ka ni Summer, in and out, as in.. WOW ang galing."

Napatingin ako sa lalaking bumati sa akin. Hindi pa rin pala siya umaalis.

Napatitig na naman ako sa mukha niya. Grabe bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya?

"Ms. Del Fuente?" nagising ako sa pagpapantasya nang tawagin niya ako.

"Hmm?" gulat na tanong ko dito.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon