CHAPTER 65

1.8K 27 8
                                    

"Daddy he is really a nice man. Napakagentleman niya pa." kwento ko kay Daddy as we arrived in our house.

Sumabay ako sa kaniya sa pag-uwi dahil coding ang sasakyan ko. Bonding na rin. And kanina ko pa rin sa kaniya pinupuri si Nathan.

Nathan was really good. Our discussion went well dahil halatang halata ang kindness sa kaniya. He is very humble.

"Sum pangatlong beses mo nang pinaulit ulit sa akin yan" wika nito sabay baba ng black case niya sa sofa.

Ibinagsak ko naman ang katawan ko sa single sofa at tumingin sa kaniya. Syempre hindi pa rin mawala ang malaking ngiti sa labi ko.

"Dad he is really nice naman talaga. Actually we exchange our numbers and planning to have a lunch tomorrow. He's really sweet isn't it?" I said and put my sweetest smile towards him.

"Sum you have a boyfriend" may diing sabi nito na nagpakunot sa noo ko. My smile was slowly fading.

"Excuse me, Dad?" patanong na tawag ko sa kaniya na ipinahihiwatig na mukhang nagkakamali siya sa sinabi niya.

"Pano si Autumn ha Summer?" he seriously uttered.

Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit may parte ng pagkatao kong iniisip ang nararamdaman niya? Why would I consider his feelings?

LUNCH ngayon and as I said, nandito kami ngayon ni Nathan sa Gene's Cafe. Dito na namin napagpasyahan na kumain. Convenient kasi sa akin dahil malapit lang sa office. May mga availble naman ditong main course.

"So how's your little sister? Nagystuhan niya ba ang mga shell na kinollect mo pa fresh from seashore" natatawang tanong ko dito habang hinihiwa ang steak sa plato ko.

"Okay naman siya. She really likes it. Kinuwento rin kita sa kaniya. As a matter of fact gusto ka na niyang makita" nakangiting sagot nito bago isubo ang broccolli.

Ayaw niya daw ng meat dahil masama sa katawan kapag too much carbs. Ngayon pa lang nakikita ko na kung gaano siya kaalaga sa sarili.

"Wow. I am looking forward to meet her." excited na sagot ko.

Naikwento ko rin sa kaniya ang nangyari sa akin. Sabi niya, kilala niya daw ako at hanga daw siya dahil napakahusay kong businesswoman. That's made me flattered then. Sabi niya pa nga ay nasubaybayan niya ang kwento ko, mula sa pinalabas nilang patay na ako hanggang sa lumabas ako bilang si Shine. Pati na rin ang pagbabalik ko bilang si Summer. Nafeatured kasi ang buhay ko sa isang real life show sa tv.

"Alam mo napapawow na lang ako sa sinasabi mo" biro ko dito. "By the way, this cafe really looks familiar to me. Sa tingin ko paborito naming kainan to ni Autumn dati" I opened.

Wala namang masama doon diba? I am open-minded and it is really nothing to me kung i-open ko sa kaniya ang past relationship ko.

Tinignan ko siya ngunit nginitian niya lang ako.

Pagbalik sa office, subsob na naman ako sa trabaho. May darating kasing business trip at ako ang naatasan na mag-ayos ng mga papel na dadalhin don. Mabuti na lang at hindi ako ang kasama dahil talagang pagod ang pisikal kong katawan para humarap sa mga investors.

TATLONG linggo na kaming nagkikita ni Nathan. Sabay maglunch, minsan hinahatid niya ako sa bahay, minsan dinner date. I really love being with him.

Minsan naman kapag inoopen ko kila Mom and Dad ang tungkol sa amin, they remained silent. Tipid na ngiti lang ang isasagot nila.

Well, hindi ko naman sila masisisi because they keep on pushing me to Autumn-- bagay na minsan sumasagi rin sa isipan ko.

There are so many times na nababanggit ko si Autumn kay Nathan and it end up na nag-aaway kami. Hindi pa man kami officially on, we had a big argue na.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon