CHAPTER 45

1.5K 29 1
                                    

SUMMER's POV


Masakit man ang katawan ay pinilit kong bumangon para umuwi. Paggising ko ay wala na si Autumn sa tabi ko. Malamang ay nauna na siyang bumaba dahil may pasok pa siya.


Dali-dali kong inayos ang sarili ko at lumabas ng kwarto.

"Look who's here"

Nagulat ako nang makita si Raigne sa tabing kwarto. Huli na nang marealize ko na nasa bahay pala nila ako. Napayuko ako dahil sa hiya. Di hamak na isa lang naman akong babae na inuwi ng asawa niya. Nakakahiya.

"So dito kana umuuwi? Ang kapal naman ng mukha mo Summer!"


Napako lang ako dito sa pwesto ko at hindi ako makagalaw. Bukod sa nahihiya ako ay hindi ko mahanap ang salitang sasabihin kay Raigne. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Itinaas niya ng bahagya ang baba ko dahilan para magtama ang mga paningin namin.


"Ano Summer bakit hindi ka makasagot?! Ganyan na ba kakapal ang mukha mo at pumapayag ka nang iuwi ka ni Autumn dito?! Dito mismo sa pamamahay ko?!!" bulyaw niya sa akin.


"Raigne.. hinatid ko lang siya dahil nakainom siya kagabi--"


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis na tumama ang palad niya sa pisngi ko. Natiis kong wag siyang patulan pero dahil sinaktan niya ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinampal ko rin siya.


"How dare you?!!" sigaw ko sa kaniya.


Napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko at galit na tinignan ako.


"ANG KAPAL NG MUKHA MO!!" sigaw niya at sinunggaban ng ako ng sabunot. Hila hila niya ang buhok ko ngayon habang hila hila ko rin ang buhok niya.


Napahiga na ako sa sahig at nasa ibabaw ko siya habang nagsasabunutan kami. Nang makakuha ako ng pagkakataon ay tinulak ko siya dahilan para ako naman ang mapunta sa ibabaw niya.


Hinila ko ng mariin ang buhok niya dahil sobrang sakit rin ng ginagawa niyang sabunot sa akin.



"Ang kapal mo talaga Summer. Wala na akong masabi sayo. Dito pa talaga sa pamamahay ko!" she screamed at me. Matatanggap ko pa ang lahat ng sinasabi niya sa akin pero ang saktan niya ako? Gaganti ako dahil hindi naman ako pinalaki para magpaapi sa kaniya.


"Excuse me Raigne, nauna ka kaya gumanti ako!" sigaw ko sa kaniya pabalik. Tinulak niya ako dahilan para mapunta na naman siya sa ibabaw ko.


Hindi ko na alam kung nasaan kami dahil masyado nang matagal kaming nagsasabunutan.


Itinulak ko siya ng malakas at labis na ikinagulat ko ang pagbagsak niya sa hagdan. Pinagmasdan ko lang siyang gumulong gulong dito hanggang sa marating ang baba.


"Raigne!"


Bigla namang sumulpot si Autumn na may nag aalalang mukha. Nilapitan niya si Raigne. Sa pagkakataong ito ay puno ng kaba ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako. Pero hindi ko sinasadya.


"Autumn.."


Nang makarating si Autumn sa pwesto ni Raigne ay niyakap siya ni Raigne at umiyak ng malakas.


"What happened???" tanong ni Autumn dito. Natapunan naman ako ng tingin ni Autumn. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin.


"Siyaa.." turo sa akin ni Raigne habang umiiyak pa rin.


"Halika dadalhin kita sa ospital. Yaya Sol please take care of Cauline" baling nito sa yaya na kanina pa nakikiusyosi sa nangyari. Binuhat ni Autumn si Raigne at akmang aalis na nang tawagin ko siya.


"Autumn!" tawag ko dito habang pababa ako ng hagdan. Alam kong may namumuo nang ideya sa isip nya kung ano ang nangyari dahil sa magulo kong buhok.


"Stop Summer. Let's talk later. Umuwi kana" cold na sabi niya sa akin at tuluyan nang lumabas ng bahay.


Nadurog ang puso ko dahil sa tono ng pananalita niya. Kagabi lang ang ayos ayos namin. Kagabi lang ang saya saya namin tapos ngayon ang cold ng pakikitungo niya. Ni hindi manlang niya ko tinanong sa nangyari. Basta basta na lang siyang umalis.


After kong punasan ang mga luha ko ay nagmamadali na kong lumabas ng bahay. Wala na rin namang dahilan para magstay pa ko dito.


Pumara ako ng taxi dahil naiwan ko sa bahay ni Shawn ang kotse ko. Dumeretso na lang ako sa bahay. Nagtext ako sa secretary ko na hindi ako makakapasok ngayon. Bukod sa pagod ang isip ko ay pagod rin ang pisikal na katawan ko. Ang daming nangyari at sa mga nangyaring yon, hindi ko alam kung san ako lulugar.


Kagabi lang iniwan ko si Shawn para makasama kay Autumn tapos ngayon naman iniwan ako ni Autumn para kay Raigne. Minsan iniisip ko na lang na napaka unfair ng mundo para sa akin.


Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako ng makita ang kotse ni Fhey sa labas habang siya ay nakasandal dito.


"Fhey.." malumanay na tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa direksyon ko at tinapunan ako ng tipid na ngiti.


"San ka natulog? Bakit wala ka sa bahay ni Shawn or kahit kila Tita? Wala ring tao dito?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

---

Nandito kami ngayon sa backyard ng bahay ko at nakaupo sa upuan na may mesa gitna. Pinagawa ko ito dahil masarap ditong magpahangin lalo na kapag nakakastress ang araw.


Humigop ako sa kape ko dahil sa totoo lang ay di ko alam ang isasagot sa kaniya.



"Sabagay bakit ko pa nga ba itatanong. Malamang kasama mo si Autumn magdamag" pagpapatuloy niya na para bang siguradong-sigurado sa naiisip. Sandali akong nagulat ngunit hindi ako nagpahalata. Hindi kaya sinabi na ni Shawn ang nangyari kagabi? Speaking of Shawn.. Hindi pa kami nagkakausap. I'm sure nasaktan siya sa ginawa ko kagabi. Baka nga galit pa siya sa akin ngayon.



"Fhey.. I'm sorry.." panimula ko. Naalala kong hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Kaibigan ko siya at maling pinapatagal pa ang alitan naming dalawa.



"Summer.. You know how much I care for you.. Sa lahat ng bagay na ginagawa mo ay nag-aalala ako. Sobra" nakatingin siya sa akin ngayon habang nagsasalita at halatang halata sa mga mata niya ang sensiridad sa sinasabi.



"Alam ko kung kelan ka sumosobra o nagkukulang" pagpapatuloy niya pa. "And this time sobra na. This is too much for Shawn. Hindi ko to sinasabi dahil may nararamdaman ako sa kaniya. Hindi ko to sinasabi para magbenefit ako sa huli. Sinasabi ko to dahil ayokong nasasaktan yung tao at ayokong may nasasaktan ka dahil kaibigan kita at hindi ikaw yung tipo ng tao na mananakit ng kapwa."



She knows me well. Hindi nga ako ganon. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman kasi ako ganito.


"Then what will I do???" Naluluhang tanong ko sa kaniya.


"Hindi ako ang makakasagot niyan Summer. Alam kong alam mo ang tama at dapat gawin. I awe you for always considering your feelings other than others but this time, gusto kong timbangin mong mabuti kung ano ang tama. Please Summer." she said then hold my hand.



Napangiti ako sa kaniya at marahan siyang niyakap. Naramdaman ko naman ang pag ganti niya sa yakap ko.



"I'm sorry Fhey" this time ay tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ko. I really miss this. Sana lang ay hindi na maulit na mag-away kami because in this world, the thing I cherished the most is friendship.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon