CHAPTER 24

2K 39 0
                                    

SUMMER's POV

Umalis na si Shawn. Naiwan ako mag-isa dito sa kwarto. Nadala ako. Hindi bukal sa puso ko ang sinabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kaya iyon lang ang lumabas sa bibig ko

Let's be together.. Let's be together..

Paulit-ulit ang mga salitang yon sa isip ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na hindi talaga iyon ang gusto kong sabihin? Paano ko aaminin sa kaniya na hindi ko talaga gustong sabihin iyon dahil hindi pa ako handa? Sa ideya pa lang na masasaktan ko siya ay dinudurog na ang puso ko. Ayokong makapanakit ng iba. Kaya nga tumagal ng ganon bago ko siya payagang manligaw sa akin. Tapos ngayon naman sinabi kong kami na kahit ayoko pa naman talaga. Akmang hihiga na ako ng biglang dire-diretsong pumasok sa kwarto ko Si Fhey.

"OMYGHAAAADDD SIS!!! KAYO NA???? OMYGHAAAD I'M SO HAPPY FOR THE BOTH OF YOU!!!!"

Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"OMGGGG SUMMER!!! AKALA KO TATANDA KA NANG DALAGA AFTER WHAT HAPPENED TO YOU AND NOW.. KAYO NA NI SHAWN!!! I'M SO PROUD OF YOU" marahan niya pa akong hinalikan sa pisngi after niyang isigaw sa akin ang mga words na yon. Yes. Sinigaw niya talaga. Sa tingin ko nga ay mabibingi ako sa lakas ng boses niya.

Eto pa rin ako at walang emosyon. Hindi maprocess ng utak ko ang nangyayari ngayon. Dahil sa takot na sabihin sa kanila ang simpleng pagtawag sa akin ni Autumn, nakagawa ako ng desisyon na hindi pinag-iisipan at sigurado akong makakapanakit sa kanila. Lalo na kay Shawn.

"Oh baket naman ganyan ang mukha mo? Kayo na ni Shawn di ba? You are supposedly happy right now?"

Halatang curious siya kung bakit ganito ang itsura ko. Sa tingin ko ay kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang totoo.

"Fheyy... I'm sorry.. perooo.. nadala ako.. hindi ko dapat sinabi yon kay Shawn"

Nakita kong nagulat siya at dahan-dahang kumunot ang noo.

"What do you mean Summer?"

Huminga ako ng malalim bago simulang magkwento.

"Last night, Autumn called me"

"WHAT? What does he say?? Omyghaad Summer paano niya nalaman ang number mo??"

Sunod-sunod ang katanungan niya sa akin. Miski ako ay hindi ko alam ang sagot kung saan niya nalaman ang numero ko.

"I don't know.. pero hindi ko sinagot. Promise. I didn't answer his call. After mag end ng tawag eh hindi na ulet siya tumawag" paliwanag ko na para akong kriminal na nililitis ngayon.

"Then? Anong connect non sa pagsagot kay Shawn?" taas na naman ang kilay niya. Napatungo ako sa tanong niya.

"Omyghad Summer! Wag mong sabihin na hanggang ngayon ay apektado ka pa rin sa Autumn na yon? Wag mong sabihin na kaya mo sinagot si Shawn eh para matabunan yang totoo mong nararamdaman?!"

Sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Kilalang kilala niya talaga ako. Alam niya ang ibigsabihin ng mga galaw ko. That's why she is my bestfriend.

"Fhey.. all this time akala ko okay na ako. Akala ko nakamove on na ako. That's why I let Shawn to court me. To start again. But.. sa isang tawag lang na yon.. umasa na naman ako. Umasa ako na baka nag-aalala siya sa akin. Umasa ako na baka hinahanap niya ko. At umaasa ako na mahal niya pa rin ako. Fhey.. niloloko ako ng nararamdaman ko... Akala ko handa na kong magmahal ulet pero hindi pa palaaa"

Pumatak na ang mga luha sa mata ko. Sobrang sakit pa rin pala hanggang ngayon. Sariwa pa rin ang mga ginawa sa akin ni Autumn. Pero kahit ginawan niya ko ng masama nararamdaman kong umaasa pa rin ako. Na baka mahal niya pa ako. Na baka pipiliin niya talaga ako pero naging sarado ang utak ko sa paliwanag niya.

"Nandito na naman tayo Summer. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka na niya mahal? Kung mahal ka niya, dapat dati pa lang hinanap ka na niya! Kung mahal ka niya, siya yung nandon sa ospital at nagbabantay sayo. Kung mahal ka niya, siya yung nandito hindi si Shawn!"

Halatang galit na si Fhey. Bakas na ang pagkainis sa mukha niya pero pinipigilan niya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung sa katulad ko mag aadvice? Eh paulit ulit lang kami eh. Lagi kong sinasabi na "thank you sa payo" pero hindi ko naman ginagawa. Pinapagod ko lang siya na pangaralan ako.

"Kung matuturuan lang ang puso Fhey.. Kung matuturuan lang si Shawn na ang pinili ko. Si Shawn na sana ang minahal ko pero hindi eh! Kahit anong gawin ko hindi mawala sa isip ko si Autumn. At baka nga... baka nga mahal ko pa siya.."

Pak!

Naramdaman ko ang mga palad ni Fhey sa pisngi ko. Napahawak naman ako agad dito. Sinampal niya ko. Ito ang unang beses na sinampal niya ako. Agad akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang pagkabigla dahil siguro sa nagawa niya pero agad niya rin binawi ng madilim na awra.

"NAPAKATANGA MO SUMMER! HANGGANG NGAYON HINDI KA PA RIN NAGBAGO! YOU'RE ALWAYS BEING SELFISH! LAGI MONG SINASABI NA MAHAL MO SI AUTUMN EH BINABALEWALA KA NGA LANG! TAPOS SI SHAWN YUNG NANDITO PERO IBA NAMAN INIISIP MO! NOW! THINK! PARANG IKAW LANG NAMAN SI SHAWN EH. NAGHIHINTAY SA WALA!"

After niyang ibulyaw yon sa akin ay iniwan niya ako dito sa kwarto. Tulala at hindi alam ang gagawin. This is the first time na hindi kami nagkasundo. Ganito na ba talaga ko katanga? Pati yung mga taong nandito para sa akin, na hindi ako iniwan kahit anong mangyari eh nagsasawa na rin sa akin. Gusto kong mag-sorry sa kaniya pero hindi ako makakilos para habulin siya. Napakasama ko ba talagang kaibigan para hindi makinig sa mga payo niya? Napakasama ko bang tao para hindi mahalin si Shawn? Si Shawn na walang ibang ginawa kundi mahalin ako at alagaan ako.

Umiyak na lang muna ako. Iniiyak ko ang lahat at nag-isip isip. Kung itutuloy ko ang relasyon namin ni Shawn ay baka lalo ko lang siyang masaktan pero kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya sure akong masasaktan rin siya. Gusto kong gumawa nang hakbang kung saan wala na akong masasaktan. This time, iisipin ko naman ang iba.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon