CHAPTER 40

1.8K 32 0
                                    

SUMMER's POV

"Shawn.. you need to eat this para lumakas ka.."

Hinampas niya ang kamay ko dahilan para tumalsik ang kutsara at matapon ang sinusubo kong pagkain sa kaniya.

Shawn already woke up after 2 weeks. He's now on a private room. Ni minsan hindi ko siya iniwan kahit napakacold ng treatment niya sa akin. Inaalagaan ko siya kahit lagi siyang galit. Nag eeffort ako para mapatawad niya but he didn't even listen to any of my explanations. Minsan pinapaalis niya ko at sinasabing iwan ko na lang siya pero hindi ko yon magagawa. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Kahit bilang tao na lang, hindi ko magagawang iwan siya lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Lumuluhang pinulot ko ang kutsara at  nilinis ang kumalat na pagkain.

"What happened?" Mom asked as she enters the room.

Lumingon ako saglit kay Shawn at nakitang tila kinakabahan ito.

"Natapon ko po Mommy. Sorry I was very clumsy." Nakayuko kong sagot.

"Ako na dyan Sum.. para makapag usap naman kayo ni Shawn. Next time be careful Summer huh?"

Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya at pumunta sa sink dito sa may cr ng kwarto. Mula rito ay naririnig ko ang usapan ni Shawn at Mommy.

"How are you Shawn?" rinig kong sabi ni Mommy.

"Okay lang po Tita. Sabi ko naman po sa inyo there's no need to be here para lang alagaan ako. I can hire a nurse po." malumanay na sabi ni Shawn.

"Nako Shawn.. nandyan naman si Summer. Siya na lang ang mag-aalaga sayo hanggang nandito ka at nagpapagaling."

"No need Tita. Baka po mas kailangan siya ni Autumn.. kaya ko naman po--

"Shawn.."

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Minabuti kong bagalan ang paghuhugas ng kamay para makinig pa sa pinag-uusapan nila. Alam kong galit siya sa akin. Nararamdaman kong ayaw niya kong makita sa paraan pa lang ng pakikitungo niya sa akin.

"Ako na ang humihingi ng sorry dahil sa ginawa ni Summer. Please Shawn.. be patient to her.. we all know na marami siyang pinagdaanan.. ang daming nawala sa kaniya. Please Shawn.. take care of her.. alam kong galit ka sa kaniya dahil sa nangyari.. pero please.. give her another chance.. pagkalabas mo dito, pinaplano namin ni Silver na bumalik na lang kayo sa Hong Kong para magsimula ulet.. please Shawn wag kang magbago dahil sa ginawa ni Summer sayo.."

Ramdam na ramdam ko ang pagsusumamo ni Mommy kay Shawn. Sobrang napaiyak naman ako dahil sa sinabi niya. Tinakluban ko ng kamay ang bibig ko para walang lumabas na anumang ingay dahil sa pag-iyak ko. Bahagya akong sumilip sa nakaawang na pintuan upang makita ang reaksiyon ni Shawn. Nagulat ako nang makitang umiiyak siya.

Dahil lutang ang isipan ko ay hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Shawn kay Mommy.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa cr bago lumabas. Sinigurado kong walang anumang bakas ng pag-iyak sa mukha ko. Sa pagbalik ko ay nagtatawanan na sila pero hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin ni Shawn.

"Summer.. alagaan mo to si Shawn ha.. mamaya ay aalis na rin ako dahil dadaan pa ko sa office ni Daddy mo. Nasstress na yon dahil gustong gusto ring bumisita pero hindi maiwan ang trabaho" bumaling ng tingin sa akin si Mommy after niyang sabihin yon. Nginitian ko naman siya ng tipid.

Umupo ako sa dulo ng kama ni Shawn. Tinitignan ko lang siya ngayon.

I'm sorry Shawn for doing this to you. Hindi ko gustong mangyari sayo to. Hindi ko alam na eto ang magiging bunga ng plano ko. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na lang ginawa. Sana ay hindi ko na lang itinuloy. Edi sana hindi bumalik ang nararamdaman ko kay Autumn. Edi sana ngayon ay natutunan na kitang mahalin.

"Summer.. bakit nga pala hindi bumibisita si Fhey? Nag-aalala na rin ako sa batang yon. Hindi na nagpakita."

Tila nagflashback sa isip ko ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Fhey nung huling araw kaming magkita. Napasulyap naman ako kay Shawn at nahuli kong nakatingin siya sa akin habang naghihintay ng sagot.

"T-tawagan ko na lang po mamaya"

Yun na lang ang tangi kong naisagot.

Hindi na rin nagtagal si Mommy at nagpaalam na rin para umalis. Thankful naman ako dahil ngayon ay makakapag usap na rin kami ni Shawn.

Dahil sa narinig ko kaninang balak kaming ibalik nila Mom and Dad sa Hong Kong ay naisipan ko na rin na sabihin kay Shawn na willing akong sumama sa kaniya. Ito na siguro ang maari kong gawin para makabawi sa lahat ng sakit na dinanas niya dahil sa akin.

"Shawn.."

Napatigil siya sa pagpindot sa kaniyang cellphone at saglit na tumingin sa akin. Kung kanina ay may madilim siyang awra na parang galit ngayon ay nakikita ko na ang dating Shawn.

"I'm sorry Summer.. Hindi ko sinasadyang maging mean sayo. I just.. I just really hurted."

Nagulat ako nang magsalita siya. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

This is the real Shawn.

Naluluha man ay pinilit ko pa ring sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Ito na rin siguro ang tamang panahon para ipaliwanag sa kaniya ang plano ko.

"Shawn.. the day you caught me and Autumn.. that doesn't mean anything.. si Raigne ang inimbitahan ko to caught us. Para masaktan siya. Para gantihan siya but then nagulat ako nang ikaw ang dumating.."

Hindi ko talaga inasahan na pupunta si Shawn non. Ang plano ko ay mahuli kami ni Raigne but never Shawn. I would never do anything to hurt him. Kahit sa ginagawa ko ngayon ay sinasaktan ko na siya. Yes. That doesn't mean anything. Supposedly. Dahil nadala rin ako sa nararamdaman ko.

"Summer sinabi ko sayong maling gumanti.."

Inilagay ko ang point finger ko sa labi niya para pigilan siyang magsalita. Gusto kong tapusin muna ang sasabihin ko bago ko siya hayaang pagalitan ako.

"I'm sorry Shawn kung hindi ako nakinig sayo. I'm sorry if nangyari sayo to. I was the one to blame. Gusto ko lang maging totoo sayo Shawn. Para naman may magawa akong tama sa buhay ko."

Napabuntong hininga siya at humarap sa akin.

"What it is?" diretsong tanong niya.

"I am still in love with him.."

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon