CHAPTER 49

1.5K 28 4
                                    

THREE DAYS HAD PASSED bago namin naisipan ni Autumn na magkita. Actually nakakapag-usap naman na kami through phone calls and text at sinabi niya sa akin na kailangan daw muna naming palamigin ang ulo ni Raigne.


After what happened, naghehesterical daw si Raigne. Nagbanta pa daw to kay Autumn na ilalayo sa kaniya ang anak nila if nalaman nito na inuwi na naman ako sa kanila- bagay na ayokong mangyari. Kahit mahal ko pa si Autumn, ayoko pa ring malayo ang anak niya sa kaniya. At isa pa, ayoko na ring bumalik sa bahay nila.

Mabuti na lang din at naniwala pa rin sa akin si Autumn. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari and sinabi niya na alam naman daw niyang di ko yon magagawa kay Raigne.

Ngayon ay magkikita kami sa condo niya. To clarify all things about us. Handa naman na akong sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. I'm done making poker faces. Gusto kong aminin sa kaniya na mahal ko pa rin siya at hindi naman nagbago yon.

Although medyo evident naman na mahal pa rin namin ang isa't-isa, napagpasyahan pa rin namin na pag-usapan ang tungkol sa amin. May pamilya siya, amd I think that was the most important thing na kailangan naming pag-usapan ngayon.


I'm about to hold the doorknob when suddenly the door opened. I saw a familiar built. It's Autumn standing in front of me.

"Babe.. you're here."

I immediately hug him. Sobrang namiss ko siya.

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.


"Bakit ang lambing lambing ata ng baby ko?" tanong niya sa akin.


Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang itinulak para magkaharap kami.


He is smiling to me. I put a wide smile too. Nakakahawa ang ngiti niya. Now I can see how genuine his happiness is. Kumikislap ang mga mata niya at walang halong bakas ng lungkot ang makikita sa awra niya.


"I just missed you. Akala ko galit ka sa akin after what happened--"

Magpapaliwanag na sana ako after what happened on that last time we've met pero pinigilan niya ako. Inilagay niya ang thumb niya sa labi ko upang pigilan ako sa anumang sasabihin.

"Shhh.. stop explaining. I know you can't do that to Raigne" he said on a low and calm voice. Napangiti naman ako sa sinabi niya.


"But babe.. please.. wag mo na lang siyang patulan next time. She is still the mother of my child at ayokong mapahamak siya like how I am afraid to lost you." Pagpapatuloy niya na ikinagulat ko.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso dahil sa sinabi niya. Ang isipin pa lang na siya ang ina ng anak ni Autumn ay nasasaktan na ako lalo pa nang sinabi niya na ayaw niyang mapahamak to just like what? Just like me? My heart is slowly crashing into pieces.

Masakit pa lang marinig na bukod sa akin, may ibang tao rin na takot si Autumn masaktan. And that's hurting me so bad. Talagang may kahati na ako sa kaniya.

Umakyat ang dugo ko dahil sa galit. Napabitaw ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at tinalikuran siya.

"Kahit ba siya ang nauna hindi ko pa rin siya dapat patulan? Autumn sinaktan niya ko through words and actions" I said na naiinis na habang naglalakad papaupo sa sofa. He is at my back. Nakasunod lang.

"Kaya nga Summer. Alam kong sa inyong dalawa, ikaw ang mas nakakaintindi kaya sana ikaw na lang ang umintindi" malambing na paliwanag naman niya sa akin. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin habang ako naman ay nakakrus ang mga kamay sa braso.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon