CHAPTER 8

2.2K 34 0
                                    

-CHAPTER 8-

SHAWN's POV

NANDITO ako ngayon sa isang private beach resort dahil nga sinusundan ko si Summer at yung babaeng kaibigan niya ata. Kanina pa ko naglalakad-lakad dito kahahanap sa babaeng yon.

Lingon ako ng lingon kung saan saan ng biglang may nakabungguan ako.

"Aray naman!" bulyaw nung babae sa akin. Parang pamilyar tong babaeng to saken. Eto ata yung kasama ni Summer kanina.

"Sorry Miss may hinahanap kasi ak--"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bulyawan na naman niya ako. Ang eskandalosa naman nito.

"Alam mo bat ba hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo ha mister?!! OO GWAPO KA SANA EH TAPOS OO MAGANDA KATAWAN MO MAY ABS KA PERO AYOKO SA LAHAT YUNG TANGA NO?!!!" Pataray niyang sabi at nilagpasan lang ako habang hawak ang bewang.

Nakakainis naman yung babaeng yon. Ang hinahon ng pagkakasabi ko at paghingi ng sorry sa kaniya tapos sisigawan niya lang ako.

Kinalimutan ko na lang yung eskandalosang babaeng yon at nagpatuloy na sa paglalakad. Napukaw ang atensyon ko sa babaeng naglalakad papuntang dalampasigan. Kahit na nakatalikod siya ay kilalang kilala ko siya.

"Summer!!" tawag ko sa kaniya.

Humarap siya akin at nagtagpo ang mga mata namin ngunit tila napako ang atensyon ko sa suot niya. Napakaganda talaga ng katawan niya lalo na ngayon at kitang-kita ang kurba nito. Hindi ako makapagsalita. Nakita ko na lang ang bahagyang pamumula ng mukha niya kaya ako na ang unang nag iwas ng tingin.

DINALA niya ako sa isang bungalow house dito sa may resort na sinabi niyang pinagsstayan nila ng kaibigan niya. Nakaupo kami ngayon dito sa may salas.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito ha Mr. Santiago? Kung hindi kita kilala ay iisipin kong stalker kita" nakataas-kilay na tanong niya sa akin. Aba yumayabang na rin tong babae na to ah. Nahahawa na ata sa akin.

Nginisian ko lang siya.

"Excuse me Ms. Del Fuente? May inaasikaso akong business dito. Magkikita kami ng kliyente ko so it looks like the other way around." sarkastiko kong sabi.

Pero syempre gawa gawa ko lang iyon. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sinusundan ko siya kaya ako nandito.

Tinaasan niya ko ng kilay. Tinitigan niya ko na may nanlilisik na mata. Ngayon ay nagtititigan na kami habang ako ay nakangisi pa.

"Summer ano ba kanina pa ko paikot-ikot dito at hinahanap ka nun pala nandito ka lang at nakikipagdate--!!"

Pareho kaming napatingin ni Summer kung san nanggagaling ang napakaingay na boses na yon. At nakita ko sa may pintuan na nakatayo ang eskandalosang babae kanina.

"IKAW????" bulyaw na naman niya sa akin.

Napalingon ako kay Summer na nakatingin sa aming dalawa na parang kinikilatis kong anong nangyayari.

"Summer bat nandito yang lalaking yan?! Dapat hindi ka nagpapapasok ng kung sino sino dito dahil baka mamaya magnanakaw yaaaan!"

Aba talaga naman tong babaeng to pinagkamalan pa kong magnanakaw.

"Hoy eskandalosang babae sa gwapo kong to mukha ba kong magnanakaw ha?!"

Nakakainis na talaga tong babaeng to. Kung hindi lang siya kaibigan ni Summer eh pinatulan ko na to. Joke. Hindi ako pumapatol sa mga babae.

"Wait nga. Magkakilala ba kayo?"

Natigil kami sa pagbabangayan ng magsalita si Summer at binigyan kami ng what's-the-meaning-of-this look.


SUMMER's POV

KANINA pa kami dito sa ilalim ng puno ng buko sa harap ng dagat at kanina pa rin nagbabangayan tong dalawang kasama ko. Hinahayaan ko na lang sila dahil gusto ko talagang magrelax.

"Mabuti pa kasi umalis kana lang ng makapag enjoy na kami ni Summer alam mo kasi paepal ka eh" rinig kong bulyaw ni Fhey. Kahit kelan talaga bungangera tong bestfriend ko.

"At bakit mo naman ako pinapaalis? Si Summer ang pinunta ko. Siya nga hindi ako pinapaalis tapos ikaw papaalisin mo ko?!" rinig ko namang asar nung isa.

"Excuse me, ako ang may ari ng resort na to at pwede kong paalisin lahat ng gusto kong paalisin" bawi naman ni Fhey.

"Excuse me rin dahil kaya kong bilhin ang buong resort mo!" Pagyayabang naman nung isa.

"Tara ligo tayo" sabay nila kong nilingon pagkatapos kong sabihin yon.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Naglagay ako ng sunblock at hinubad ang robe ko pagkatapos. Hindi ko na tinanggal ang shades ko at dire-diretsong naglakad papalapit sa dalampasigan.

Habang naglalakad ay naisip ko si Autumn. Matagal na kaming hindi nakakapagbakasyon dalawa. Siguro after a week, pag-uwi niya galing sa business trip ay yayayain ko siya rito. Tiyak na magugustuhan niya.

"Wait sis!" napalingon ako sa tumatakbong si Fhey. Nakita ko naman na sumusunod sa likod niya si Mr. Santiago-- Shawn na nga lang. Napakapormal ko naman.

Naligo lang kami ng ilang oras at syempre hindi nawawala ang bangayan ng dalawa.


GABI na at naisipan kong maglakad lakad sa labas. Hahanap na rin ako ng signal para matawagan si Autumn. Nagpaalam lang ako kay Fhey na lalabas lang saglit.

"Sis labas muna ko ha" paalam ko dito. Nag-nod na lang siya bilang sagot. Alam kong napagod ang bibig non kakabunganga kay Shawn Hahahhahaha.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa makaabot sa entrance ng resort kung saan don lang ako nakahanap ng signal. Pagkabukas ko ng data ay bumungad sa akin ang maraming message request. Isa-isa ko itong binuksan at laking gulat ko nang makita ang picture ni Autumn na may kasamang babae. Hindi ito yung babaeng nakalingkis sa kaniya sa bar. Nagscroll pa ako at nakitang hindi lang isa ang picture kundi marami pa. Merong nasa restaurant sila. Merong nasa bahay mismo ng mga Sandoval. Merong naglalakad papasok sa office at marami pang iba.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at iniisip kung tatawagan ko ba si Autumn. Ayokong magpaapekto sa mga nakita ko dahil ayokong masisira kami dahil lang nagpapaniwala ako sa iba. Hindi ako ganong klase ng babae.

Agad kong idinial ang number niya at tinawagan. Ilang ring pa bago niya sagutin.

"babe" bungad niya sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung san ako magsisimula at kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nakita ko.

"Autumn.." panimula ko.

"Autumn.. kasi.."

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon