CHAPTER 4

3.2K 51 0
                                    

-CHAPTER 4-

AUTUMN's POV

MAAGA akong pumunta dito sa Gene's Café. Ayokong dagdagan pa ang pagkainis sa akin ni Summer kaya inagahan ko talaga. Nag-order lang ako ng coffee habang hinihintay siya.

Maya maya pa ay tumunog ang pintuan ng cafe at nakita ko si Summer. She's wearing her office attire at naka bun ang buhok niya. Wait. Namumugto ang mata niya. Kahit pa naka make up siya ay halata kong umiyak siya. Sa tagal naming magkarelasyon ay saulo ko na ang bawat galaw niya.

Lumapit siya sa waiter at tila may tinatanong. Nakita ko pang itinuro ng waiter ang side ko at nagsalubong ang tingin namin ni Summer. Kinawayan ko siya at nakitang papalapit na siya. Bumeso lang ako sa kaniya at pinaghila siya ng upuan.

"Mag-order na tay-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.

"what happened?" Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Fuck! Ayokong nagkakaganito ang mahal ko. Ayokong makitang malungkot siya dahil simula nang maging kami ay ipinangako ko sa kaniyang walang araw na hindi siya magiging masaya.

"I don't know"

Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Why don't you know? Why don't you know na nakikipaghalikan ka sa ibang babae knowing na may girlfriend kana ha Mr. Sandoval? Ayokong magalit because we are not that type of couple. Pinag-uusapan natin ang lahat ng bagay and eto ang unang beses na may babae nang involved."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam yon. Wala akong alam. Lasing ako kagabi. Hindi ko alam na may hinalikan ako.

Gustong gusto kong sabihin sa kaniya yan pero "I'm s-sorry babe" na lang ang nasabi ko.

"Let's just forget about it. Mag-order na tayo"

Natutuwa ako dahil hindi si Summer katulad ng ibang babae. Una sa lahat ay napakaprofessional niya sa lahat ng bagay. Hindi siya nag eeskandalo. At higit sa lahat, may tiwala siya sa akin. Kung alam niyang hindi ko naman magagawa ay hindi na niya ipinagpipilitan pang pag usapan. Hindi katulad ng iba na pipilitin pa ang mga boyfriend nila na umamin. Isa iyon sa dahilan kung bakit ko siya minahal. Napakamature nya mag-isip at hindi niya hinahayaang manaig ang galit o emosyon sa sarili niya. She knows how to manage anger. Napakaswerte ko.


AFTER naming kumain ay hinatid ko na siya sa kanila. Habang nasa daan kami ay panay ang kwento niya sa akin ng mga nangyayari sa kumpanya nila. Like may bago siyang naiclose na deal at napakastable na ng lagay ng company nila. Saming dalawa ako ang mas workaholic pero mas magaling pa rin siya. Kaya nyang makakuha ng investment kahit pa sa pinakasikat na businessman sa ibang bansa. Kaya hindi na ko magtataka na nag uunahan ang mga kumpanya para maging kasosyo siya. Ginamit niya rin ang pagiging model upang makilala ng mga tao. Well, ako naman ay boyfriend niya mula sa paluging kumpanya. Ang layo man ng agwat pero kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam sa akin na mababa ako.

"Thank you for tonight! I love you babe. Ay wait! Wag mo nang uulitin yon ha. Sasapakin kita"

Ang cute talaga ng mahal ko. Tumango na lang ako bilang sagot. Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at bumaba na siya ng kotse.

Aalis na sana ko nang makita siyang kumatok sa bintana kaya agad agad ko itong ibinaba.

"Autumn.. hmm.. kung ano man ang dahilan mo kung bakit ka nag-iinom.. Sana sabihin mo sa akin kasi ako, wala akong mahanap na dahilan. Yun lang."

Pagkasabi niya non ay dali dali niyang binuksan ang gate at pumasok sa loob.

Napakaswerte ko sa kaniya. Sorry babe for making you feel that way. Umalis na siya sa lugar na yon at pinaharurot ang sasakyan.


SHAWN's POV

"So.. hows my daughter Mr. Santiago?"

Yes. Kausap ko ngayon ang daddy ni Summer. Nandito kami sa bahay nila. Inimbitahan niya ako matapos malaman na nag iinvest na ko sa kumpanya ng kaniyang unika ija.

"She's nice." Sagot ko.

The moment I saw Summer sa restaurant wala akong ibang naramdaman kundi pagkamangha. Her face was perfectly made. Her body was so damn hot and I know how kind she is. Kaya nga nung nakita kong umiiyak siya kanina ay nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Napakaamo niya para umiyak ng ganon.

"Sir would you mind if I ask you kung may problema siya? I saw her kanina and it seems na may pinagdadaanan siya dahil umiiyak siya."

Tanong ko kay Mr. Del Fuente.

"What?! I don't know what she's going through! Baka 'yung nobyo niyang walang kwenta ang may gawa non sa kaniya!"

Napintig ang tenga ko sa narinig. So may boyftiend pala siya. Now I know kung bakit siya umiiyak. How immature her boyfriend is! Kung ako siya, kahit kelan ay hindi ko hahayaang lumuha ang girlfriend ko. Lalo na ang katulad ni Summer.

"So she has a boyfriend. Don't worry Mr. Del Fuente, i will took good care of your daughter from now on. Ngayong business partners na kami ay mas madalas ko na siyang makikita."

"Thank you Mr. Santiago"


SUMMER's POV

"Yes dad I'm okay. There's no thing you need to worry about. Maayos ang kumpanya"

"Hindi iyon ang tinutukoy ko darling. What I want to say is kung sinasaktan kaba ng Autumn na yon?!"

Malambing man ang pagkakasabi ay halata kong galit si dad ngayon. Sa tingin ko ay nalaman niya ang tungkol sa amin ni Autumn. Hindi na ako magtataka dahil sa laki ng business ni Daddy hindi malabong may nagsumbong sa kaniya. Una palang ay ayaw na nila kay Autumn. Sinasabi nila na walang mapapala ang kumpanya namin sa kaniya. Ganoon sa business world. Kung san ka makikinabang, iyon ang dapat mong unahin.

"Dad okay lang kami. By the way, i'm planning to visit you and mom on Sunday. Alam ko namang miss nyo lang ako kaya naprapraning na naman kayo dyan"

Sinabi ko na lang kesa ano pang masabi niya kay Autumn.

"Okay darling. Sasabihin ko kay Mommy mo and please darling don't bring your cheap boyfriend please."

"Daddy he's not cheap okay??" Nakakainis si dad. Nasasaktan ako sa sinasabi niya para kay Autumn. Kahit naman tatay ko siya ay hindi ko pwedeng kunsintihin ang mga sinasabi niyang panlalait sa boyfriend ko.

"Please darling. May ipapakilala ako sayo."

"Okay."

After kong sabihin yon ay humiga na ako sa kama ko. Knowing daddy sigurado akong ipapakilala niya lang ako sa isang businessman at sasabihing bagay kami. Ganyan siya. Kahit alam naman niyang may boyfriend ako.

Sa sobrang pagod ay hinayaan ko na lang na bumagsak ang talukap ng mata ko

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon