CHAPTER 15

2.3K 40 0
                                    

-CHAPTER 15-

SUMMER's POV

DAHAN DAHAN kong iminulat ang aking mata at wala akong makita kundi puro puti. Nakalanghap ako ng amoy ng medisina kayat naisip kong nasa ospital ako. Napahawak ako sa aming ulo ng makaramdam ng kirot.

"Summer! Omyghad gising kana. Tumawag ka ng doctor Shawn"

Rinig kong sabi ni Fhey. Napahawak ako sa tiyan ko nang maalala ang anak ko.

"Fheyyy ang anak ko??" garalgal na tanong ko sa kaniya habang nagbabadya na ang pagpatak ng luha ko.

"Safe na ang baby mo Summer. Wag kanang umiyak dyan" sabi niya sabay himas sa braso ko na nagpapahiwatig na tumahan na ako.

Biglang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Naramdaman ko ang sakit na dulot nito sa puso ko. Napahawak ako nang mahigpit kay Fhey.

"Ano ba kasing nangyari sayo Sum?" Bakas ang pag aalala sa mukha niya. Doon na nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko na agad ko ring pinunasan ng makita ang pagpasok ng Doctor.

"Hello Ms. Del Fuente. So kumusta ka? May masakit pa ba sayo?" Tanong niya habang chinecheck naman ng nurse ang vital signs ko. "Masakit pa ba ang ulo mo?" Sunod na tanong niya bagamat di ko pa nasasagot ang una niyang tanong.

Umiling na lang ako dahil tila wala na akong lakas pa para magsalita.

"Okay. So magpahinga kana muna and masama sayo ang maging emotional ha. Baka makasama sa baby mo."

"Mister alagaan mo ang misis mo at hindi siya pwedeng mapagod." Sunod na bilin niya habang nakatingin naman kay Shawn. Ngayon ko lang siya napansin.

Sasagot pa sana ko nang bigla nang magpaalam ang doctor kayat naiwan kaming tatlo dito. Si Fhey, ako at si Shawn.

"So ano ngang nangyari Sum?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni Fhey. Eto na ang kinatatakot ko. Ang maalala ang dahilan ng nangyari sa akin ngayon. Ang lahat ng sakit na naidulot non sa akin at ang posibilidad na muntik ng mawala ang anak ko. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Oo sa kanila dahil nandito na rin naman si Shawn at sigurado akong maririnig niya rin. Nakita ko pa ang sunod-sunod na iling ni Shawn habang nagkwekwento ko at ang nakataas na kilay ni Fhey. Wala na akong magagawa. Hindi ko naman kasalanan kaya wala naman akong dapat ikabahala pero iniisip ko lang ngayon ang anak ko. Paano ko sasabihin kay Autumn na buntis ako gayong kasal na pala siya sa babaeng yon.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Fhey sa akin dahil sobra na ang paghikbi ko.

"Shhhhh. Tumahan kana Sum. Kasasabi lang ng doctor na hindi ka pwedeng maging emotional dahil makakasama sa pinagbubuntis mo. Tsaka mo na lang isipin yan. Ang mahalaga ngayon ay magpahinga kana"

Kinumutan niya ko at pinatulog para daw makapagpahinga na ako. Dahil pagod ang buo kong katawan ay hinayaan ko na rin na makatulog ako. Para na rin makabawi ng lakas. Bahala na kung anong mangyayari bukas. Ang gusto ko lang ngayon ay kalimutan muna ang mga nangyari.


TATLONG araw pa kong nagstay non sa ospital bago makauwi. Nandito kami ngayon sa bahay ko. Kasama ko pa rin si Shawn at Fhey. Sa limang araw na pamamalagi ko sa ospital ni minsan ay hindi nagpakita si Autumn. Hindi rin siya tumawag. Ganon na lang ba kadali para sa kaniya na kalimutan ang pinagsamahan namin at isawalang bahala ang nararamdaman ko? Nagpapasalamat nga ako dahil hindi ako iniwan ni Shawn at Fhey. Nalaman ko na si Shawn ang natawagan ni Fhey nung nalaman niya na naaksidente ako dahil hindi niya raw macontact non si Autumn. Nagagalit ako sa kaniya dahil wala manlang siyang ginawa para magkaayos kami at parang itinapon na niya talaga lahat ng pinagsamahan namin.

"Akyat muna ko sa taas. Magpapahinga lang ako." Paalam ko sa dalawa. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at tinalikuran ko na sila. Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga ni Fhey pero isinawalang bahala ko na lang iyon.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong umiyak. Talagang ibinuhos ko ang lahat ng itinatago kong sakit. Lumapit ako sa bed side table ko at kinuha ang litrato namin ni Autumn na naka frame. Ibinato ko ito ng malakas.

"Ano bang ginawa ko sayo Autumn para gawin mo to saken?" Sambit ko habang tinitignan ang litrato namin sa cellphone ko na para bang may Autumn na sasagot sa katanungan ko.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ba ako nagkulang. Kung ano bang mali sa akin. Kung ano bang kasalanan ko sa Diyos para parusahan ng ganito.

Napahawak ako sa tiyan ko. Kawawa naman ang baby ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay sigurado akong nararamdaman niya rin. Lalaki siyang walang ama at kukutsain ng mga kalaro na minsan ay naging kabet ang nanay niya. Natatakot ako para sa kinabukasan ng anak ko pero wala na kong magagawa dahil ayokong maghabol sa lalaking may asawa na pala.



SHAWN's POV

RINIG na rinig namin ni Fhey ang mga hikbi niya mula rito sa labas ng kwarto ni Summer. Gusto ko na sana siyang pasukin pero pinipigilan ako ni Fhey at sinasabing hayaan na lang daw muna namin. Simula nang malaman kong naaksidente aiya ay hindi na ako umalis sa tabi niya. Lalo pa ngayon na nalaman ko ang ginawa sa kaniya ni Autumn. Napakairesponsable niya. Kung ako ngang wala namang pakealam sa kaniya ay galit na galit na ngayon, ano pa kaya tong katabi ko ngayon at si Summer. Papunta na rin dito ang mga magulang niya.

"Kawawa naman si Sum"

Napalingon ako sa gawi ni Fhey matapos niyang magsalita. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag aalala at lungkot para sa kaibigan niya.

"Kung alam ko lang na ganyan ang dadanasin niya, inilayo ko na sana siya kay Autumn. Kung nakakabasa lang ako ng future, hindi ko hahayaan na mangyari yan sa kaniya."

Tila ibang Fhey ang kaharap ko ngayon. Kung nung unang pagkikita namin ay napakabungangera at eskandalosa niya, ngayon naman ay halata mong naiiyak na rin siya para sa kaibigan. Nilapitan ko siya at tinap ang balikat niya.

"Magiging okay din ang lahat" ang naging tanging tugon ko sa kaniya.

"Nasan si Summer??? Myghaad Silver ang anak naten"

Pareho kaming napaayos ng tayo ni Fhey nang makita ang mag asawang Mr. and Mrs. Del Fuente na papunta na sa direksyon namin.

"Mr. Santiago?" kita ko ang gulat sa mukha ni Mr. Del Fuente nang tawagin niya ako. "Anong ginagawa mo dito?" pahabol na tanong niya.

"Siya po ang kasama kong magbantay kay Sum Tito." sagot ni Fhey

"Nasaan ba si Summer Fhey?" tanong ni Mrs. Del Fuente

"Nasa loob po. Sa tingin ko po ay umiiyak siya ngayon." Nakatungong sabi ni Fhey. "Tita... buntis po kasi siya" kinakabahang pahabol na sabi ni Fhey.

"Ano????? Nasan na ang Autumn na yan?!!" pasigaw na tanong ni Mrs. Del Fuente. Halata sa mukha niya ang pagkagulat at galit.

"Hon.. huminahon ka please." pag aalo ng asawa niya sa kaniya.

Minabuti namin na bumaba muna sa salas para doon mag usap usap.

Ikinuwento ni Fhey ang nangyari sa mag asawa. Bakas ang galit sa mukha ni Mr. Del Fuente pero hindi niya ipinapahalata dahil siya ang nagpapahinahon sa asawa.

"Walang kwenta talaga yang Autumn na yan. Sabi ko na eh! Una pa lang ay duda na ko dyan na wala siyang magandang maidudulot sa anak ko!" singhal ni Mrs. Del Fuente

"Kukunin na namin si Summer at magpapakalayo layo na muna kami"

Napatingin kami ni Fhey dahil sa sinabi ni Mr. Del Fuente. At halatang halata na seryoso talaga siya. Nakita ko pa ang pagtango ng kaniyang asawa bilang pag sang ayon. Hindi ko sila masisisi kung gusto nilang ilayo ang anak nila. Sa hirap at sakit ba naman na naranasan nito ay tiyak na mahihirapan siyang makabangon muli kung mananatili siya rito.

"Mom.. Dad.." sabay sabay kaming napalingon sa may hagdan at nakita si Summer na nakatayo. Mugto ang kaniyang mga mata na halatang kagagaling lang sa pag-iyak at halata ring walang gana ang kaniyang katawan. Nakapants siya at tshirt na parang may pupuntahan.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon