CHAPTER 21

2.3K 44 0
                                    

-CHAPTER 21-


SUMMER's POV

"Mommy!!"

Dali-dali kong hinabol ang batang babaeng tumawag sa akin ng mommy. Nandito kami ngayon sa park. Agad kong sinunggaban ng yakap ang bata pagkahabol ko sa kaniya.

"Mommy promise me that you will not be sad okay?" sabi sa akin ng bata. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at tumakbong muli.

Hinabol ko siyang muli pero hindi ko na siya matanawan. Hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko na siya makita.


"Summer???!!!" rinig kong sigaw ng nasa tabi ko. Dahan-dahan ko namang iminulat ang mata ko. Puro puti ang nakikita ko.

"Omyghaad. Thank God. Gising kana"

"F-Fhey.." ewan ko kung bakit hindi ko masyadong maibuka ang mga bibig ko. Tila nanunuyot na ang lalamunan ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko. Nakita ko naman si Shawn sa likod niya.

Bigla naman akong natauhan nang maalala ang nangyari sa akin. Bahagya akong napahawak sa tiyan ko at naramdaman na impis na ito.

"F-Fheyy.. ang baby ko" naiiyak na sabi ko. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at ang bakas na pag-aalala.

"Don't force yourself Summer. You need to rest. Tatlong araw ka ring hindi nagising kaya mabuti pa magpahinga kana lang muna." Bahagya namang lumapit si Shawn sa tabi ko pagkatapos sabihin ang mga salita na yon. Hindi naman nakaiwas sa akin ang tuluyang paghikbi ni Fhey.

"No Shawn! Where's my baby?" This time unti-unti na ring pumapatak ang mga luha ko. Bigla naman siyang napayuko dahil sa sinabi ko. "Come on Shawn! Where's my baby?!!" galit na ako. Bakit ba hindi nila masabi sa akin. Ano bang nangyari?!

"She's gone..."

Hindi maproseso ng utak ko ang kung ano mang sinabi ni Shawn. Natulala lang ako at ang tanging maririnig lang dito sa kwarto ay ang pag-iyak ni Fhey. "No Shawn! Hindi totoo yan!" nagwawala na ako at pinipilit na bumangon. Hindi totoong wala na ang anak ko. Hindi totoong wala siya dahil kanina lang nakita ko siyang tumatakbo! Kanina lang kasama ko siya sa panaginip ko! Hindi!

Habang nagwawala ay sunod sunod naman na nagsipasukan ang Doctor at ilang nurse pagkatapos ay may kung ano silang tinurok sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.




FHEY's POV

A week passed after the miscarriage of Summer. Sa isang linggo na yon ay nagkulong lang siya sa kwarto niya. She kept on skipping her meals and don't allow any of us to enter her room. Nag-aalala na kami dahil mas malala pa ito kesa nung iniwan siya ni Autumn. Kahit si Shawn ay hindi na mapaamo si Summer. Gusto niya na laging mag-isa.

Tito Silver and Tita Samantha urgently go here three days ago but Summer didn't want to talk to them. They also left yesterday to fixed some problems in their company. Sinabi nila na hayaan na lang daw muna si Summer because time will come na siya mismo ang mapapagod magmukmok at magkulong sa kwarto niya. Syempre bilang mga magulang si Summer ay alam kong nasasaktan rin sila para sa anak nila. Pero wala silang magawa. There's no especial treatment when it comes to entering Summer's room. Wala siyang pinapapasok. Wish ko lang na sana ay kinakain niya ang mga pagkain na pasekreto naming ipinapasok sa kwarto niya kapag tulog na siya.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon