CHAPTER 22

2.1K 38 0
                                    

SUMMER's POV

Four months had passed after I got miscarriage. Naging okay naman na ako. Actually, kinakaya. Dahil naisip ko rin na kailangan kong magpatuloy para sa mga taong nagmamahal sa akin. Alam kong nasasaktan ako sa nangyari sa akin pero alam ko rin na mas nasasaktan sila. Natauhan lang ako sa sinabi sa akin ni Shawn that night...

Flashback~

"Summer.. you need to be strong. Alam namin na masakit ang nangyari sayo at mas nasasaktan kami para sayo pero hindi pwedeng tumigil na lang ang mundo mo dahil nasaktan ka o dahil pinapahirapan ka ng tadhana. I know you're strong woman. I know you've had a lot before this. Please.. fix yourself. Hindi ikaw yan. At mas lalo ka lang nilang sasaktan kapag nakitang miserable ka."

Sobrang nahipo ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi ibigsabihin non eh bigla bigla na lang akong magiging okay. Nagpapasalamat ako dahil nandyan siya para sa akin pero sadyang napakasakit mawalan ng dalawang beses at durugin ng paulit-ulit. Una si Autumn. Sunod naman ang baby ko. Ngayon nga iniisip ko na kung ano pang pwedeng kunin sa akin ni Lord.

"Shawn.. sobrang sakit. Nang mawala sa akin si Autumn natanggap ko pa. Pero nung mawala rin ang baby ko. Parang pinapatay ako unti-unti. Parang may sumasakal sa akin. Ang hirap Shawn. Pinaglalaruan nila ako!! Nawala si Autumn sa akin dahil sa kanila ngayon di pa rin nila ako tinigilan hanggat di nawala ang anak ko." Humihikbing paliwanag ko sa kaniya.

"Summer.. that's exactly my point. Kung sinaktan ka nila at nakita ka nilang nasasaktan, mas lalo ka lang nilang papahirapan. Kailangan ipakita mo na malakas ka. Para hindi ka nila ganyanin ng paulit ulit"

He has a point. Natahimik ako sa sinabi niya. Maybe I should start my new life now. Tama sila. Instead na magmukmok dito, dapat mas lalo ko pang mahalin ang sarili ko at pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa akin. An idea created in my mind.

"Shawn.. I want them to feel what I'd experienced. Lahat ng sakit. Lahat ng mga luha. Lahat ng mga ginawa nila sa akin... gusto kong maranasan rin nila..."

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon