SPECIAL CHAPTER

1.8K 31 0
                                    

NOTE!!!

First time ko pong magbigay ng special chapter huhu. Very thankful lang po ako sa dami ng readers ko at supporter. Hindi ko po inexpect na sobrang bilis ng pagdami nyo. Hindi ko rin po inexpect na maraming susuporta. Hope you'll like this guys. Enjoy reading!!

******

SOMEONE's POV

"How's your plan? Napapaikot mo na ba siya sa palad mo?"

Humithit siya ng sigarilyo at ibinuga ang usok nito sa hangin. Tumingin siya ng diretso sa akin at naghihintay sa isasagot ko.

"Everything is under control Dad." I proudly said. Walang dapat ipag-alala. Malinis na nangyayari ang lahat ng bagay ayon sa plano.

"Good job dear" sabi niya at tumingin na naman sa malayo. "You're Mom will finally get her inner peace"

Bahagya akong nalungkot sa tinuran niya. Naalala ko nung mga panahon na may sakit si Mommy and we have nothing.

Flashback~

"Please po Sir... tulungan nyo po kami" nakaluhod ako ngayon dito sa harap ng isang tanyag na businessman. Dad knows him dahil nagtratrabaho siya dito pero nasisante a week ago kung kailan kailangan namin ng pera pampaopera ni Mommy.

"Umalis ka nga dito!" Tulak sa akin ng asawa niya na dahilan para masubsob ako sa lupa. "Tigilan mo ang pamilya ko!" bulyaw niya sa akin.

Nakita ko ang pagkagulat sa batang kasama nila ngunit hindi manlang ako nito tinapunan ng kahit na anong tulong. Tinitignan niya lang ako habang walang tigil na umiiyak.

Pinagsarahan nila ako ng pintuan. Nagtiyaga akong maghintay dahil baka magbago pa ang isip nila pero inulan na ako at lahat lahat ay hindi pa rin nila ako nilalabas.

End~

"Ofcourse Dad. They were feel regrets doing that." I said.

"Baka kasi nalilihis kana sa plano dahil sa nararamdaman mo"

Saglit na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at hinarap siya. Nakita kong nakatingin pa rin siya sa malayo habang hinihithit ang sigarilyo niya.

"It's a different matter Dad" I surely said. Whatever I feel for him, wala yon sa plano. At labas na kung may nararamdaman man ako sa kaniya.

"Make sure that your words reflect your action."

"Yes. Ofcourse." diretsong sabi ko sa kaniya.

"I'll go ahead. Bye."

Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at nilisan na ang lugar na yon.

THE MISTRESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon