"huminga ka nang malalim at tayo'y lalarga na, gusto mo bang sumama?"
— alapaap, eraserheads.
5. Tunay Na Leche
---
MAAYOS ang tulog ko. Dahil siguro hilata agad ako kagabi, o sadyang good mood Siya at hindi ako masyadong pinag-isip. Habang kumakain kinabukasan, hinanapan na naman ako ni Budd ng pasalubong.
Nakalimutan ko nga palang bilhan.
"Maya, Budd," usal ko. "'Wag araw-arawin."
Sumimangot siya pero nagpatuloy na lang din sa pagkain. Hinahanap ko si Amang kaso maaga raw siyang umalis para mamimingwit sa ilog. Buti naman, kaysa maghanap siya ng kainuman.
"Nanay, alis na ako," paalam ko sa kaniya na busy sa pamamlantsa ng uniform ni Budd.
Tumango siya. "Last day mo na ngayon 'no?" tanong niya.
"Opo," usal ko. "Sige, alis na ako."
"Ingat, teka nag-almusal ka ba?" pahabol niya.
"Opo, tapos na."
Mabilis akong nakarating sa ospital. Nakasakay kasi agad ako ng tricycle pagkalabas at jeep sa bayan. Buti na lang, maganda ang umpisa ng araw ko ngayon.
"Kailangan ba naming umiyak?" bungad sa akin ni Nurse Bogie na tinawanan ng iba. Nakasabay ko sila sa pagpasok.
"Kaya nga, need ba?" singit ni Nurse Kach. "Or maging happy kasi hinatid ka ni Dakter," pang-aasar niya. Nangantyaw si Nurse Orly at Bogie.
Napailing na lang ako. "Gawin niyo gusto niyong gawin," biro ko. "Bye, check ko na patient ko."
Diretso na ako sa room 23 pagkatapos. Ngayon ko na ulit makikita si Lola Eudo, pasyente ni Doc Eleand na may Alzheimer's. Last week pa ang last na check ko sa kaniya dahil sa pabago-bagong shift. Mas lumala raw siya ngayon.
Pagkapasok ko, naabutan ko siyang nagbabasa ng libro. Nang bumaling siya sa akin, sumilay ang ngiti niya.
"Julie!" masayang bati niya. "Buti naman, andito ka na ulit!"
Napangiti ako bago siya lapitan. Inilapag ko sa bed side table ang blood pressure meter bago umupo sa kama niya.
"Na-miss ko rin po kayo, Lola," sabi ko na mas lalong nagpangiti sa kaniya.
Ang sabi ng pamilya ni Lola Eudo, masyado raw silang busy kaya in-admit na lang nila rito. In-offer naming ilagay na lang siya sa home for the aged kaso nang makita ako ni Lola, gusto niya raw na sa ospital na 'to.
Nagkagaanan kami ng loob simula no'n. Kaso nga lang, natigil dahil sa shift. Ngayong nagkita na ulit kami, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Nakikita ko na ulit ang ngiti niya.
"Hulaan kita ulit?" tanong niya. "Let me see your palm."
Fortune teller si Lola. 'Yung huling hula niya sa akin, hindi nagkatotoo. Sabi niya, baka raw na-kontra ko o talagang ulyanin na siya.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
HumorInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...