16.

27 6 0
                                    

"gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, 'wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko."

ligaya, eraserheads.

16. Ang Powers ni Inggo

---

HINDI ako umiinom. Ayoko ang lasa maski ang amoy ng alak. Ni katiting hindi ko gustong lumapat sa dila ko pero ito ako ngayon, kasama si Rowena.

Nilaklak ko ang huling shot glass na inabot niya sa akin. Ang masaklap nito, ako pa ang nag-aya sa kaniya.

"Huy." Pinitik niya ang noo ko. "Lash nah 'toh ha, bakah magpakuha kah ne namen."

Umiling ako. "Oo." Sinapo ko ang ulo kong ang bigat-bigat. "Okay na 'to. Inaantok na ako."

Sa sobrang kaba ko kanina habang nagpapaalam kami kila Uncle, kumuha ako ng isang bote ng alak. Itinago ko pa para hindi nila makita. Nang sabihin ko kay Rowena, tinawanan niya ako pero dumalo rin naman para uminom.

Hindi. Ko. Alam. Nababaliw na ata ako.

Kung hindi pa ako nagpaalam para magbanyo kanina, hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko sa mga tao. Hiyang-hiya ako sa sinabi ni Inggo.

"Hanep tahlagah," bulalas ni Rowena bago humilata. "Shabi ko nah eh, gushto kah ni Inggoh."

Napapikit ako bago umiling at tabihan siya. "Buwisit."

Humalakhak siya. "Bagay naman kayoh."

"Tumigil ka na, inaantok na ako."

"Okay!" sagot niya. "Zip."

Kung pa'no ako nakatulog, hindi ko na alam. Nagising na lang ako nang maramdamang niyuyugyog ako ng kung sino. Pagkamulat ko ng mga mata, agad ko siyang binato ng unan.

"Knock-out ka 'te," aniya. "Gising ka na, andiyan na si Inggo."

Nasapo ko ang noo ko pagkabangon. Sobrang sakit ng ulo ko na halos hindi ako makaalis sa kama. Ilang bote ba 'yung nainom namin kagabi?

Sana hindi ako uminom. Leche.

"Tigilan mo 'ko." Dahan-dahan akong tumayo. "Huwag mo 'kong buwisitin."

Tinaas niya ang dalawang kamay. "Okay, okay."

Nilagpasan ko siya at lumabas na ng kuwarto. Nangungusot pa ng mga mata papunta sa kusina, bigla akong nakaramdam ng pagkasuka. Tinakbo ko ang lababo, halos matapilok pa nang mahagip ng tingin ko ang lalaking nagpiprito sa kusina.

Bakit nandito 'to?!

"Hi, good morning," ngiti niya. "Gutom ka na —"

Nakita ko kung paano siya napatalon sa gulat nang masuka ako sa harapan niya. Agad akong tumalikod para tumapat sa lababo. Ang dami kong sinuka na halos manghina pa ako pagkatapos.

Nang lingunin ko siya, at napagtanto kung anong ginawa ko — nanlaki na lang ang mga mata ko kasabay ng umawang na bibig. Bakit siya naghuhubad sa harapan ko?

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon