"sana man lang naghintay kahit na konting sandali..."
— back2me, eraserheads.
28. Balikbayan
---
NIYAKAP niya ako. Doon, napagtanto ko na napamahal nga ako sa kaniya. Napamahal ako sa trabahong binigay ng Canada sa akin. At alam ko, ma-mi-miss ko ang lahat.
"I want you to be my nurse again, okay?" aniya. "If I die, I want you here."
Umiling ako. "Don't say that, Madame, you'll be okay. You will be magaling, right?"
Ngumiti siya. "Yeah, magaling, I will be magaling. But promise me you'll be back!"
Tumango ako bago punasan ang luha niya. "I will, Madame," usal ko.
Pagkasakay sa kaniya, nilapitan ako ng anak niyang si Mr. Smith. Nagtataka man dahil hindi pa niya ako nakakausap kailanman — malamang hindi niya ako kilala, ngumiti ako nang ngumiti siya.
"I'm grateful," aniya. "Thank you for taking care of my mother. You know, I've been very stubborn my whole life, I just realized my life will be miserable if ever mom died that night."
"It's our responsibility to take care of those who are in need of assistance," sagot ko. "It's a pleasure, Sir. I never had a problem with your mother."
"I guess they're right, Filipinos are really great people." Inabot niya sa akin ang isang envelope. "Here, a 'thank you' gift."
"Thanks, Mr. Smith but I can't accept this," usal ko. "I will be glad if you donate this on a charity, I know one." Ngumiti ako na ikinatawa niya.
"Okay, as you say."
Umalis na siya, kumaway ako kay Madame Vern habang umaandar ang sasakyan nila. Nagpunas ako ng luha bago bumalik sa ospital.
"Nanay, baka alas-kwatro po ng madaling araw," usal ko sa kabilang linya. "Si Doc Eleand na raw susundo sa akin."
"Talaga, anak? Nako, hulog talaga ng langit 'yang si Doc." Bumuntong-hininga siya. "Miss na miss ka na namin, Juls."
"Miss na miss ko na rin kayo, Nanay," sagot ko bago magpunas ng luha. "Grabe, ang bilis ng apat na taon."
"Anak, may pag-uusapan tayo pagdating mo rito," aniya. "Sige na, baba ko na."
Nagtataka man dahil sa sinabi niya, ibinaba ko na rin ang tawag matapos magpaalam.
Pagkauwi sa dorm kung saan kami tumutuloy ng mga kasama ko, umidlip ako para bumawi ng lakas. Bukas pa ang flight ko pauwi kaya kailangan ko ng mahabang pahinga. Parang ayokong matulog habang nasa biyahe. Parang gusto kong namnamin bawat oras na pumapatak para hindi ko masyadong ma-miss.
"Flight BA334 is now boarding..."
Pinilit ko talagang hindi makatulog habang nasa eroplano. Nagsalpak ako ng earphones na mas nakapagpabuhay sa dugo ko. Halos mapakanta pa nga ako habang tumutugtog ang playlist ko sa phone.
"Hanggang sa dulo ng mundo..."
Pero hindi kinaya, nagising ako nang marinig ang announcement ng FA. Malapit na kaming lumapag. Bigla akong napangiti, bumilis ang tibok ng puso ko habang pababa na ang sinasakyan naming eroplano.
![](https://img.wattpad.com/cover/229867676-288-k449449.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
HumorInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...