15.

32 5 2
                                    

"you can't win at everything but you can try."

with a smile, eraserheads.

15. Gusto Ko Ikaw

---

HAPON pa kami pupunta kila Uncle Jon kaya naisipan kong matulog muna. Bangag pa rin ako na halos wala sa ulirat at siyempre, para makaiwas sa pang-aasar ng mga pinsan ko.

Narinig ko pang nagpahabol si Rowena, "sana mapanaginipan mo si Kuys!" bago sila maghalakhakan.

Adik.

Hindi ko na sila pinansin at nag-concentrate para makuha ang tulog ko. Hindi ko na namalayan kung anong oras bumigat ang mga mata ko basta pagkagising, alam kong sulit na.

Alas-dose na nang magising ako. Bumangon ako nang marinig ang ingay sa labas. Wala na atang ibang alam gawin 'tong mga pinsan ko kundi magtawanan. Ang masaklap nito, ako lagi ang puntirya nila.

"Hi," bungad ni Rowena pagkalabas ko ng kuwarto. Kasama nila si Nanay na kinandong pa si Budd. "Musta tulog natin, Madam?"

"Ayos naman," sagot ko bago lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Nanay.

"Maligo ka na Ate, pupunta na tayo kila Uncle," ani Budd.

"Kaya nga," singit ni Nanay. "Iniintay ka na raw ni Inggo."

Naging mitsa ng kantyawan ang sinabing 'yon ni Nanay. Sumimangot na lang ako bago sila iwanan. Ayan na naman sila sa pang-aasar na 'yan. Nakakainis na.

Bago ako makapasok sa banyo, narinig ko pang nangantyaw si Rowena. "Maligo ka nang maayos Madam para mabango ka!"

Na siyang ikinailing ko. Adik talaga kahit kailan.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako dahil sa reklamo ng kapatid ko. Ang bagal ko raw kasing kumilos.

"Ito na nga, oh," usal ko. "Atat na atat?"

"Masyado ka kasing nagpapaganda Juls," singit ni Daryl.

"Ewan ko nga sa inyo," reklamo ko. "Asa'n si Nanay?"

"Nauna na siya," biglang singit sa likuran ko. "Tara na, Juls."

Si Inggo. Ngiting-ngiti na naman.

May lahi ba siyang kabute? Palagi na lang sumusulpot.

Hindi ko siya sinagot kahit na diretso ang tingin niya sa akin. Hinila ko na lang si Budd para kasama ko siyang maglakad. Baka kung ano-ano na namang gawin ng mga pinsan ko.

Buti na lang din hindi na nagreklamo pa ang kapatid ko habang naglalakad kami papunta kila Uncle Jon. Nasa likuran ko naman ang mga pinsan ko kasama si Inggo.

"Kakagising mo lang?" Agad akong napalingon sa gilid ko.

Ayan na naman siya.

"Oo," tipid kong sagot.

"Hindi kasi 'yan nakatulog kahapon."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon