"...sa panaginip na lang pala kita maisasayaw..."
— ang huling el bimbo, eraserheads.
40. Natin
---
UMUULAN pagkalabas namin ni Inggo sa Club Dredd. Habang hawak-hawak ko ang kamay niya, hindi ko maiwasang mapangiti.
"Masaya ka ba?" Binalingan niya ako pagkapasok namin ng sasakyan. "Alam mo kanina kinakabahan ako kasi baka hindi mo magustuhan —"
"Masaya ako," sagot ko. "Salamat."
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya kasabay ng paghigpit ng hawak sa kamay ko. Hindi ko na rin napigilang mapangiti nang malawak.
Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang pagbalik sa Canada.
One week.
Tapos aalis na naman ako.
"Si Juliana po?" tanong niya kay Tita pagkarating namin sa ospital.
"Nasa CR, anak, sinamahan ng nurse niya," sagot ni Tita. "Saan kayo galing?"
Pero hindi na siya sinagot ni Inggo. Agad na itong umalis para sundan si Juliana.
"Sa Club Dredd po, tumugtog po siya," sabi ko na ikinangiti ni Tita.
"Salamat, Juls," aniya. "Salamat at binalikan mo ang anak ko." Humawak siya sa kamay ko bago ako titigan diretso sa mata.
"Wala po kayong dapat ipagpasalamat, Tita," usal ko. "Mahal ko po si Inggo."
"Salamat."
Nagpaalam si Tita sa amin pagkabalik ni Inggo kasama si Juliana. Bahagya pang ngumiti sa akin 'yung bata pagkapasok niya ng kuwarto. Niyakap ko siya, para akong nanlulumo.
Hindi ko alam.
"Tita, when I get better I want you to teach me how to play the piano!" masiglang sabi niya nang makahiga siya sa kama.
"Piano?" takang tanong ko. "Hindi naman ako nagpe-play ng piano pero sige." Nginitian ko siya bago balingan si Inggo. Ngumiti lang din siya.
"Tita, I dreamed about it," ani Juliana dahilan para mapalingon ulit ako sa kaniya. "You were teaching me how to play the piano!"
Tumango-tango ako para sang-ayunan ang sinasabi niya. "Oo naman, si Tita pa, e magaling ata 'to." Humagikhik ako.
Bumungisngis siya. "And I also dreamed that you and Daddy were together! In the church!"
Nagkasalubong ang tingin namin ni Inggo pagkasabi ni Juliana nun. Biglang kumabog ang dibdib ko. Ang bilis.
"Ano namang ginagawa namin sa church, baby girl?" singit ni Inggo.
"Tita was wearing a gown and you are on a suit, Dad!" aniya. "You two were on a wedding, oh! Are you going to marry each other? In the church?" sunod-sunod na sabi niya bago hawakan ang kamay naming dalawa ni Inggo. Sandali kaming nagkatitigan dahil doon.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
HumorInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...