6.

55 9 1
                                    

"dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko."

spoliarium, eraserheads.

6. Si Jeroboam

---

HINDI ko ma-explain. May tama bang eksplanasyon sa nararamdaman ko? May naiwan ako sa Maynila pero hindi ko naman inasahan na pwedeng ganito. Na puwedeng magustuhan ko si Juls pero, alam ko, wala akong magagawa.

Gago, gago talaga ako.

"Jero, bangon na nong."

"Opo, Tita."

Mainit na sa hinihigaan ko. Ang alinsangan na kasi nang magising. Ganito na ako mula nang dumating rito — walang maayos na tulog. Kung namamahay o hindi lang talaga matahimik ang isip ko, hindi ko alam.

Miss ko na Mama ko.

Binalingan ko ang gitara sa tabi ng kama. Kinuha ko saka tinugtog. Ayos din na nadala ko ito nang palayasin ako ni Papa. Kung sakaling naiwan ko pa, baka mabaliw na ako rito sa sobrang buryo.

Naiinis ako. Parang ayoko munang lumabas kasi sure namang makikita ko ulit si Julie. After what happened yesterday — na makita ko pang may doctor pala siyang shota, na-realize kong mali talaga, e. Mali ito.

"Jero, kain na," tawag sa akin ni Tita. Inilapag ko na rin 'yung gitara sa gilid. Bigla rin kasing kumalam ang sikmura ko. Hindi na pala ako nakapag-dinner kahapon nang sinundo ko si Julie sa ospital.

Naalala ko na naman siya. Kainis.

Pagkababa ko, nasa mesa na silang dalawa. Wala pang anak sila Tita at Tito. Ang kwento sa akin ni Tito Jon, siya raw ang may problema. Dahil daw doon sa aksidente nila ni Papa dati sa Maynila. Nakonsensiya tuloy ako at medyo naawa — sila, wala pang anak. Ang aga ko pa nga.

"Nag-text si kumare, bakit daw hindi mo sinasagot mga tawag niya?" tanong sa akin ni Tita Joyce.

Sumimangot lang ako bago dumiretso sa lababo at maghugas ng kamay. Hindi ko pa nga nasasagot ang mga texts ni Mama. Bahala na, paulit-ulit na lang kasi. Sabi nang ayoko e, puro si Shara ang bukambibig. Kaya nga ako nandito para hindi siya makaharap.

"Hindi naman sa nangingialam kami, 'nong," sabi ni Tita nang makaupo ako. "Pero hindi ka rin namin pwedeng pabayaan, binilin ka sa amin ni Lemarie."

"Opo, Tita," usal ko bago maglagay ng kanin sa plato. "Sorry po."

Suminghap si Tito Jon. "Bayaan mo muna, 'Ma," aniya. "Siyempre naghahanap pa 'to ng peace of mind niya, aayos din 'to."

Sa halos isang linggo ko rito sa Piloan, na-realize kong totoo pala 'yung mga nababasa ko sa textbooks noon; ang simple ng buhay sa probinsya. Legit 'yung fresh air mula umaga hanggang hapon lalo na medyo baryo pa rito sa Piloan. Hindi katulad sa Maynila, polluted at toxic na lahat. Dahil sa basura o mga tao, parehas.

"Hindi ka ba tatambay kila Mang Abel?" tanong ni Tito Jon pagkatapos namin kumain. "Ayaw mo bang makita si Juls?"

Humagikhik ako sa sinabi niya pero agad ding napailing. "Hindi muna, baka mag-compose ako ngayon. May ipapagawa ba kayo, Tito?" tanong ko.

"Wala, nakapagsibak ka na ng kahoy 'di ba?" aniya. "May tubig na rin sa balde, sige na, akyat ka na kung ano gusto mong gawin."

Tumango-tango ako. "Naks, Tito."

Hindi naman labag sa akin na gumawa ng mga gawaing bahay dito. Nakakahiya rin naman kung wala akong ibang gagawin kundi magmukmok. Hindi ko naman sila binabayaran.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon