36.

22 4 4
                                    

"sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya..."

— ligaya, eraserheads.

36. Inggo not Jero

---

MATAMAN ko siyang pinagmasdan. Kahit nakangiti siya na abot pa sa mata, alam kong nahihirapan siya. Pulang-pula ang pagmumukha niya, nagsimula na ring mag-umbok ng maliliit ang katawan. Kanina rin halos hindi makahinga.

Bakit ba kasi kinain pa?

"Okay lang," pinilit niyang magpatawa. "Cute pa rin naman ako tsaka, iinuman ko lang ng gamot."

Umiling ako bago sumagot. "Hindi, dadalhin ka namin sa ospital —"

"'Wag na, Juls," pagputol niya sa akin. "Allergies lang 'yan, si Super Inggo ako." Humagikhik siya.

Nakakatawa.

"Bakit mo kasi kinain?" inis na tanong ko. Mas lalo lang din lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Ngayon na lang kasi ako kakain ng manok —"

"Kasi nga bawal sa 'yo!" protesta ko na ikinatigil niya. "Bakit ba hindi mo maintindihan 'yon? Ang tigas ng ulo —"

"Bakit ba ganiyan ka ka-concern?" aniya. "Kinikilig na ako, ah."

Umirap ako. "Hindi ka nakakatawa."

"Okay, sorry na."

At anong magagawa ng sorry niya? Andiyan na 'yan, oh. Mukha na siyang kamatis sa pamumula. Ni hindi pa niya ituro kung nasaan 'yung gamot niya para mapainom ko na.

Bakit ba ang hirap niyang intindihin?

"Ako na, iinuman ko na ng gamot 'to," sabi niya bago tumayo para umakyat sa taas. "Kaya ko 'to." Humalakhak siya.

Nang lingunin ko si Juliana na tahimik sa pagkain, nag-iwas siya ng tingin. Lumapit ako sa kaniya.

"Baka may allergies ka rin?" tanong ko na ikinabungisngis niya.

Ilang beses siyang umiling. "Wala po, Tita," na ikinatango ko na lang.

Bumaba si Jero ilang minuto ang lumipas. All smiles pa siya habang nakatingin sa amin ng anak niya. Gwapo pa rin naman kahit puno ng namumulang umbok ang pagmumuka.

Teka, anong sinabi ko?

"Masyado kang tutok sa akin baka malusaw ako niyan," ni hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. "Joke lang," pambawi niya nang sumimangot ako.

"Kumain ka na nga," usal ko. "Aalis na ako, okay ka na ba?"

Tumango siya. "Oo," aniya. "Ah, babalik ka ba?"

Dahil sa tanong niyang 'yon, napatitig ako sa kaniya nang ilang saglit. Nabalik na lang ako sa huwisyo nang marinig ang pagtikhim ni Juliana, nabulunan na pala sa pagkain.

"Tubig, baby girl," ani Jero habang alalang-alala sa paghilot ng likod ni Juliana. "Okay na ba? Dahan-dahan, 'nak."

"Careful, Juliana," usal ko na lang. "Sige, alis na ako —"

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon