14.

23 6 0
                                    

"pare ko, meron akong problema. 'wag mong sabihing 'na naman?'"

— pare ko, eraserheads.

14. Suyo at Suka

---

NAGAWA kong tumalikod, magsarado ng bintana at tumalon sa kama para magtalukbong ng kumot. Ano ba 'yon? Nananaginip ba talaga ako?

Bangungot!

"Juls, sorry na!"

Hindi nga ako nananaginip. Dinig ko ang sigaw niya sa labas maging ang halakhakan ng mga pinsan ko. Leche, sila ba may pakana nito? Ang adik talaga. Nakakahiya.

Bakit ba niya ako tutugtugan? Baliw ba siya? Paano kung iba ang isipin nila Nanay dahil sa ginawa niya? Ano nang sasabihin ng mga kapitbahay na nakarinig o nakakita sa kaniya?

Leche naman!

Mas lalong ayoko lumabas ng kuwarto. Alam kong nasa labas lang sila at naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin nang may kumatok sa pintuan.

"Juls, anak," si Nanay. "Labas ka na."

Tumayo ako para buksan ang pintuan. Pinapasok ko si Nanay sa loob.

"Kausapin mo na, anak," aniya. "Sige na, kawawa naman."

Suminghap ako. "Hindi ko kasi alam kung bakit siya ganiyan, Nanay. Bakit ba ako tinutugtugan?"

Napangiti lang siya. "Hindi ko rin alam, humihingi nga ng tawad 'di ba?" aniya. "Ano ba kasing nangyari?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."

"Hindi mo alam?" tanong niya. "O hindi mo na maintindihan?"

Nag-angat ako ng tingin para balingan siya. Nakangiti lang siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ko maintindihan?

"Iwanan na kita. Sige na, lumabas ka na para makausap mo." Tumayo na siya matapos haplusin ang likuran ko.

Ewan ko, nakakainis na. Ano ba kasing kailangan ng Inggo na 'yon?

Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago mapagdesisyonang lumabas na nga kuwarto. Wala akong choice, hindi naman puwedeng balewalain ko siya.

Last na lang siguro 'to, tapos wala ng pakialamanan. Sana tigilan na niya ako.

"Andiyan na siya, Kuys," rinig kong bulong ni Jeremy kay Inggo nang maramdaman ang presensiya ko.

Naglakad ako papalapit sa kanila. Sabay-sabay na tumayo ang mga pinsan ko para iwanan kaming dalawa ni Inggo. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ni hindi ko masimulang magsalita.

Tumayo siya para salubungin ako. "Hi," aniya.

"Bakit?" Pinantayan ko siya. "Anong kailangan mo?"

Suminghap siya. "Ano... kasi." Bakas ang hiya sa pagmumukha niya. Paulit-ulit rin siyang nagpapakawala ng buntong-hininga.

Kinalma ko ang sarili ko bago iiwas ang tingin sa kaniya. Pumirmi ako sa pag-upo, naaasiwa na ako.

"Sorry," bulong niya, bahagya akong nilingon.

"Okay."

Agad siyang nag-angat ng tingin, nakakunot ang noo niya. "Okay?"

"Ha?"

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon