17.

35 6 0
                                    

"magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay."

— ang huling el bimbo, eraserheads.

17. Rurupukin

---

GAGO na kung gago. Tanga na kung tanga. Lahat ng masasakit na salitang puwede maibato sa akin tatanggapin ko na lang. Totoo naman, wala talaga akong kuwentang tao. Pero anong magagawa ko kung siya na ang bumubuhay sa akin?

Okay, corny. Wala akong pakialam.

Malungkot mang dumating sa bahay nila Juls, pinilit kong ngumiti para sabihing naihatid ko na ang anak nila papuntang terminal. Para na rin masiguro at makampante sila na safe si Juls.

Humilata ako sa kama pagkarating ko. Tumitig sa kisame for minutes. Pinag-iisipan ang mga desisyon na ginagawa ko ngayon — na pinaka-ayokong gawin, okay ako sa nangyayari. Ayokong problemahin muna. Kung magkamali ulit, wala na akong pakialam.

Ang mahalaga may Juls akong hihintayin.

Napangiti ako sa text na pinadala niya. She really is my happy pill. Wala na akong ibang gustong makita kundi 'yung mga ngiti tuwing kausap ko siya. Iba talaga ang atake sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam.

Juls ko:

Ingat :)

Automatic na tumaas ang kilay ko bago sagutin ang tawag. Si Manuel.

"Oh, 'tol!" aniya. "Musta buhay natin diyan?"

"Ayos naman," usal ko. "Kayo? Kasama mo ba 'yung dala—"

"Kupal kang betlog ka!" Bahagya kong nilayo ang phone sa tainga ko. Harry's voice was really loud. Ang sakit sa tainga.

"Tangna ka," rinig ko si Justin. "Gago, uwi ka na rito. Asa'ng lupalop ka ng mundo?"

Narinig kong humalakhak si Manuel. "Thank you for that heartwarming messages," aniya. "I-loudspeaker ko na para marinig ka nila."

"Ano, mang-iistorbo kayo?" I asked, irritably. "Nanahimik ako."

"Tanga!" singit ni Harry. "Isa kang kupal bro, anong balak mo? Tatakasan mo kagaguhan mo rito?"

"Pati kami nga iniwan mo," ani Justin. "Wala na kaming gigs kung hindi lang nag-volunteer si Mylene na mag-front muna."

"Okay 'yan," usal ko. "Sige, I'll hang up na, bye."

"Teka!" si Harry. "Huy, kausapin mo kami."

I creased my forehead. Dagdag na naman sila. Hindi ba nila naiintindihan na ayoko munang alalahanin lahat?

"Sorry," usal ko. "I can't. Gago na, oo. Pero hindi ko talaga kaya ngayon, o sa susunod, ewan ko."

"Gago nga," ani Manuel. "Bro kung hindi ka ready, you should've just talk to her fam, hindi 'yung ganiyan na you just gone somewhere tapos hindi ka na mahagilap na parang nag-iwan ka lang ng kanin sa rice cooker."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon